Nagjajogging kami ngayon, nakasalpak sa tenga ko ang earphones habang nagpapatugtog ako ng OPM songs. Nakahiligan ko na yung may nakasuksok na earphones sa tenga ko kapag may ginagawa ako. Nakakagaan kasi ng mood.
Nagitla ako sa pagkalabit sa'kin ni Rohan kaya naman tinanggal ko ang isang earphone sa aking tenga.
"Tingnan mo yun oh!" Nanliit ang mata ko sa tinuturo nya dahil halos hindi ko makita.
"Nasaan ba?" Turo lang sya ng turo hindi ko naman maaninag.
"Ayun oh, yung lalaki. Ang gwapo 'day! Tara lapitan natin." Nang tuluyan kong makita ang itinuturo nya ay literal na nanlaki ang mata ko. TANGINA? NANDITO NA NAMAN SYA?!
Napaatras ako nang maramdaman ko ang paghatak ni Rohan sa kamay ko. Para akong nauupos sa mismong kinatatayuan ko, wala akong ibang marinig kundi ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Parang dinadambo. Nabalik lamang ako sa ulirat nang mawala sya sa paningin ko.
"Ami naman! Ayan tuloy nakaalis na. Ikaw kasi e." Ngayon ko lang ulit narinig ang boses ni Rohan. Tila ngayon lang ulit natauhan dahil sa malakas na hampas nya sa balikat ko.
"Aray! Bakit ka ba nanghahampas? Ang bigat bigat ng kamay mo e." Singhal ko sa kanya habang hinihimas ang balikat ko.
"Tulala ka na naman kasi. Jusko 'day ha! Nakaalis na tuloy yung lalaki irereto pa naman sana kita para naman magkalovelife ka na at hindi puro libro inaatupag mo." Napamaang ako sa gulat dahil sa sinabi nya.
"Ayoko nga! Mas gugustuhin ko pang harapin ang mga libro ko maghapon kaysa makipag-usap at makipagtitigan sa isang lalaki. Remember 7B's err." Tugon ko na tila nandidiri sa ideya n'yang 'yon.
Hindi naman ako manhater, hindi ko lang gusto ang katotohanang pinagkakanulo ako ng bestfriend ko sa kung kani-kanino.
"Duh, ang gwapo na nun sis. Ayaw pa ha? Kung bet ko lang ang mga matatangkad, ako na pumatos 'don." Litanya nya habang ikinukumpas pa ang isang kamay.
"Sis. Kahit gaano kagwapo yan. Jusko. Kung papipiliin ako sa pagitan ng lalaking nasa libro at lalaking nasa totoong mundo, mas pipiliin ko yung nasa libro, masasaktan lang ako kapag namatay yun sa kwento samantalang kapag lalaki sa totoong mundo pwede akong saktan ng todo." Napahinga ako ng malalim dahil sa bilis ng pagkakasabi ko.
"Oh sige! Puntahan mo nga yung mga lalaki na 'yon, mahahalikan, mayayakap at mahahawakan mo ba 'yon?" Halos pasinghal na sabi nya.
"Hindi! Pero hindi nila ko sasaktan."
"Hay nako! Aurae and her fantasies. Alam mo prend bahala ka. Tatanda ka talagang dalaga. Taas ng standard sis 'di ko mareach!" Sabi nya habang nakataas ang kamay na akala mo ay may inaabot.
Nagpatuloy kami sa pagjajogging at nakauwi kami ng mag-alas sais na. Pagkauwi ko ay nagluto na ko ng almusal ko pansarili, mag-isa lang naman ako ngayon sa bahay e.
Habang nag aalmusal biglang may kumatok sa pinto. Kaya naman nagmadali akong buksan ito.
"Oh mama? Bakit ka umuwi? Wala kang pasok?" Tanong ko kay mama na dumiretso sa kwarto niya.
"Kukuha lang ako ng gamit, babalik pa ko sa boarding house." Sagot nya na tila nagmamadali pa.
"Ah sige po.' Sagot ko at saka nagpatuloy sa pag-aalmusal.
Nakalimutan ko na s'yang ayain na kumain dahil halatang nagmamadali na rin s'ya dahil nag-iwan lang s'ya ng pera sa lamesa sa sala at umalis na.
Nang matapos akong kumain, dumiretso na lang ako sa kwarto para magbasa ng libro. Habang nagbabasa bigla na namang pumasok sa isip ko ang lalaking nakita namin kahapon at kanina. Mayroon kasing parte sa libro na katulad na katulad nung nangyari sa'min yung eksena ng dalawang bida. Hays. Baliw ka na talaga Aurae! Tama na kakapantasya. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Love Hound
RomancePosible bang magkaroon ng limitasyon ang paghahabol sa isang taong minahal mo ng sobra? Sapat bang basehan ang tagal ng pinagsamahan para masabing kailangang mapanindigan? O hahayaan mo na lang bang ang puso mong kusang lumimot at humilom sa paglipa...