I.

71 19 0
                                    

"Ami, shit! Ang lakas ng ulan shuta ka girl ano ba kasing naisipan mo? Aayain mo ko tapos isa lang dala mong payong? Sira ba ulo mo?" Nangangaral na sabi ni Rohan.

Kasagsagan kasi ng ulan ngayon hindi ko alam kung anong naisip ko bakit ko sya inayang lumabas, ang alam ko lang sa ngayon ay naibsan ang pagkaburyo na nararamdaman ko.

"Ayun Ro, may waiting shed upo muna tayo do'n." Inaya ko sya sa isang bakanteng shed. Basang basa na kaming dalawa dahil sa sobrang lakas ng buhos ng ulan at gaya nga ng sabi nya isa lang ang dala naming payong.

Sumilong kami at nag-antay na tumila ang ulan. Kaming dalawa lang yung nandito ngayon dahil ang mga taong nakikita naming naglalakad sa bangketa ay halos may kanya kanyang payong. Infairness, sana all ready. Sana all nasabihan ni Mang tani!

"Alam mo, minsan yung trip mo girl, hindi ko makuha. I mean, seriously? Isa lang talagang payong? Alam mo namang wala kaming payong sa bahay e. Alam mo para kang hotdog." Umirap sya sa'kin habang pinapagpag ang sarili.

"Uhm, wala kasi akong magawa sa bahay. Tsaka sus, kunwari ka pa, alam ko namang buryong buryo ka na din sa inyo." Natatawang sabi ko.

"Oo sis, buryo ako pero putcha seryoso ka bang ito yung trip mo? Ang magkasakit? Hay nako ha. Paano ako hahanap ng bebe nyan kung matetengga ako sa bahay ng ilang araw? Hmp." Umismid sya sa'kin pagtapos ng litanya nyang 'yon, pero alam kong hindi sya galit dahil aminin nya man sa hindi mas gusto nya ang lumabas sa bahay nila kaysa ang manatili doon ng buong maghapon.

"Hala sya sige 'wag mo kong pansinin. Kanina pa ko dakdak nang dakdak dito, tapos ikaw tulala? Ano ba Ami?! Parang timang." Medyo naiirita ang boses nya.

Hindi ko naman kasi napansin matagal na pala akong tulala.

"Eh kasi natatawa ako sa itsura mo, mukha kang basang sisiw!" Pagdadahilan ko kahit na ang totoo ay maraming tumatakbo sa utak ko.

"Alam mo Ami, tangina mo." Sabi nya sa'kin saka nagmiddle finger sa harap ko.

"Ouch be, ansaet!" Inarte ko sabay hawak pa sa dibdib ko na animo'y nasaktan talaga sa sinabi nya.

"Gago!" Natatawang mura nya.

Nang medyo humina ang ulan ay tumuloy na kami sa paglalakad, si Rohan ang may hawak ng payong dahil sya ang mas matangkad sa'ming dalawa.

"Ang tagal naman matapos ng bakasyon na 'to." Biglang sabi ni Rohan habang naglalakad kami.

"Oo nga eh, mas gusto ko talaga na may pasok jusko naman kasi kapag bakasyon walang magawang matinong bagay. Hayop." Sinabayan ko ang pagrereklamo nya.

Nag uusap lang kami tungkol sa kung saan nya balak bumili ng gamit at kung kailan sya mag-eenroll. Marami nang nakalatag na plano si Rohan para sa pasukan kahit na matagal pa naman yon. Samantalang ako ay nakapako pa ang utak ko sa maraming bagay.

"Feeling ko talaga magiging kaklase kita ngayong taon." Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya 'yon.

"Ako din, feeling ko ayaw kitang kaklase. Wala tayong matututunan sis, Ayos ka lang ba? Baka magdaldalan lang tayo buong magdamag." Pabirong sagot ko sa kanya.

"Tangina ka talaga panira ka ng momentum. Sana maging magkaklase talaga tayo para mainis kita nang buong taon."

"Gagi! Alam ko namang kahit magkaklase tayo mas aatupagin mo lumandi sa kaklase nating lalaki kaysa kausapin ako. Ikaw pa ba?" Hinampas nya ko sa balikat dahil sa sinabi ko.

"Syempre, alam mo na mahirap kaya yung walang inspirasyon, duh! Lalaki ang bumubuhay sa aking dugo." Malanding sabi nya nakatingin pa sa taas na akala mo'y may pangyayaring maganda sa kanyang utak.

Love HoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon