CHAPTER 1
"Baby take my hand, I just want to be your husband..."
Isa na yata sa pinakamasakit ang ma-friendzoned ka ng long time crush mo. Hindi naman sa naghahangad ako na macrushback ako pero parang ganun na rin. Nakatulala ako sa kanila habang nakaupo sa cubicle ko. They are making a scene and it's making me cringe.
"Hindi naman sila bagay..." Bulong ko sa sarili ko. Napatingin sa akin ang katabi ko sa cubicle kaya napaiwas ako ng tingin. It's true naman kasi eh.
"Will you be my girlfriend?" Tanong ng long time crush ko sa katrabaho namen. Napatuwid ako ng upo dahil doon.
Bakit mas pinipili ng mga tao ang nakilala lang nila ng saglitan kaysa sa mga taong nakasama nila nang mas matagal? Napangalumbaba nalang ako. It's so stupid.
"TIME doesn't measure what they feel for each other." Malamig na sabi ng kausap ko sa cellphone. Kinwento ko kasi sa kanya ang nangyari kanina sa opisina. Napaka corny naman kase at kung sa akin gawin iyon ay mahihiya talaga ako.
I don't like corny things. I already passed that stage when I was a teen. Apat na taon nalang at mawawala na sa kalendaryo ang edad ko kaya gusto ko na nang seryosong karelasyon!
Pero may pa-long time, long time crush pa akong nalalaman! Giatay!
Napabuntong hininga ako. Tatanda na yata akong dalaga dahil sa taas ng standards ko.
Lord kahit di na po sya gwapo basta may respeto at takot sayo, pasado na po sa akin yon!
"Bago pa lang naman kasi talaga yung babae na niligawan nya, Rayle. Eh ako?! Kasama nya ako mula college hanggang sa magtake ng business course noh! Tapos sa baguhan lang ang bagsak nya..." I didn't mean to be mean pero ang unfair talaga na ako ang mas matagal na nyang kilala pero... argh!
"Tss, you're so spoiled Joi. Kaya walang nagkakagusto sayo eh. Hindi na uso ang ganyan sa mga lalaki ngayon. Ang gusto nila ay mga simpleng babae. Yung hindi mataas ang standards." Seryosong sabi nya bago ako nakarinig ng nililipat na page. I'm sure he's reading something about their field. Napairap ako.
"Hindi ko naman ibababa ang standards ko para magustuhan ako ng ibang tao." Pirming sabi ko sa kanya. Tinawagan ko sya para magrant at sanay na sya doon pero heto sya at sinasabihan nanaman ako tungkol sa abot langit ko na standards.
Kung ako ang tatanungin ay liligawan ko ang sarili ko kung sakaling naging lalaki ako! Ang ganda ganda kong babae at responsable! Marunong sa gawaing bahay kaya di ako naniniwala sa sinasabi nya na spoiled ako!
"Can you come here tomorrow morning? I want to eat your dish." Pambabaliwala nya sa sinabi ko kanina. Napairap nanaman ako bago bumagsak sa kama at tinignan ang oras.
"I can't. You sermon me nanaman kanina kaya di ako pupunta sa condo mo! Hmp!" Sabi ko at pinatay na ang tawag.
"SAAN ang punta mo at ang aga mo nanamang lalayas ha? Day off mo ngayon!" Sermon ng Kuya ko matapos nya kong makita na nagluluto.
"Sa condo ni Rayle. Nagpapaluto ng almusal nya." Bagot kong sabi. Nginisihan nya ako ng malaki bago kumuha ng hotdog na niluto ko.
"Wala namang special sa luto mo, kaya siguro sya sayo nagpapaluto kasi mukha kang yaya." Sabi nya at tumawa ng malakas. Ginaya ko ang tawa nya at hinampas sya ng pot holder na hawak ko.
"Kaya siguro wala kang girlfriend kasi mukha kang driver ko!" Sabi ko at nginisihan sya bago dinilaan. Nanlaki ang mga mata nya at akmang kukurutin ako nang biglang tumunog ang phone nya.
Tinuro nya ang mata nya gamit ang dalawang daliri nya at tinapat sa akin. Dinambahan ko sya kaya nagmadali agad syang umalis.
Gwapo naman talaga ang Kuya ko. He's actually my Twin. Managing our flower field sa Leyte. I really don't like flowers that much but I'm into business kaya hindi na nila ako pinilit na asikasuhin iyon.
Nang matapos ako sa paghanda ng almusal ni Rayle ay gumayak na ako. Ginawa ba naman kasi akong yaya nya! Napakayaman naman nya bat hindi sya mag hire ng personal yaya nya.
Dahil umaga palang naman ay wala pang traffic papunta sa condo nya dito sa Makati. Pag dating ko sa lobby ay nginitian agad ako ng nasa reception. They believed na girlfriend ako ni Rayle dahil ako lang daw ang nakikita nilang malapit na babae sa kanya. Napapailing nalang ako sa twing mangyayari ang ganon. He's just so fond to me, that's why.
At ayokong magkajowa ng ubod ng sungit! Akala mo naman gwapo 'to si Rayle eh average lang naman! Hmp.
Pagka doorbell ko sa tapat ng unit nya ay bumukas iyon nang nakasimangot ang mukha nya bago tumingin sa orasan nya.
"It's alreasy seven-thirty, Joi. Why are you late?!" Tanong nya bago kinuha ang pagkain na dala ko. Pagkatalikod nya ay inambahan mo sya ng sapak sa likod nya. Kaso ay may salamin para sa harapan nya kaya nakita nya iyon kaya lumalim ang kunot ng noo nya. Nginitian ko sya.
"Napakademanding mo. Buti nga at nilutuan kita kahit heart broken ako eh! Hindi ko nilagyan ng lason yan!" Sigaw ko sa kanya bago dumireto sa kitchen nya. Pagtimpla lang naman ng gatas ang alam nya eh, sobrang tamis nga lang hehe.
"Can you make me a milk? Ako na ang magaayos nito..." Sabi nya kaya I giggled. Who would have thought that this bulky man is drinking milk instead of coffee?
"We will have an orientation kasi for our new hire sa newly open na firm namin. Freshly graduates and those who will take a BAR." Kwento nya. Napailing agad ako sa unang sentence nya palang.
"I've been telling you na opening a firm is not good, Rayle. You're just putting yourself in a danger." Sabi ko sa kanya. How I hate our law. It's a basically super biased.
"It's what my Dad and your Daddy wants, Joi. I have nothing againts it. I took it as an advantage." Nakangising sabi nya. "I'll hire a secretary since I will represent our new firm for a mean time." Napatitig ako sa kanya. Secretary?
Ngumuso ako. "I can help you to find a good secretary..." Sabi ko sa kanya. Tumingin lang sya sa akin at umiling.
"Nah, I can do it and besides naman it's just for three to four months and I will be back as an COO." Nakangiting sabi nya kaya inirapan ko sya. May sasabihin pa sana ako nang tumunog ang phone ko. A text message from a jerk. I opened it.
Mervin:
Joi, 911! I need your help! Come here at the office! NOW!
Napasimangot ako at tinawagan ko sya. Napatingin si Rayle sa akin.
"It's your dayoff. Who's that?" Takang tanong nya pero di ko sya pinansin dahil nasagot na ni Mervin ang tawag ko.
"Joi, come here! We need you!" Sabi nya at hinihingal pa.
Mga pakulo nito porket nagkagusto ako sa kanya eh, ew. I know how to say No after I got heart broken kaya, grr.
"Someone wants to deal with Mendoza's flower farm and he wants you to be here!" Aligagang sabi nya.
"Just tell him na hindi ako ang naghahawak ng business na iyon. I'm not going there!" Inis na sabi ko at binabaan sya ng telepono.
#%#%#%#
JB^
