Chapter 1

39 10 19
                                        

The day I saw you..

***

"No. 204! Ms. Calla Rouzaiah Fuentes!"

Halos magising ang diwa ko sa pagtawag na yun, nakatulog kasi ako sa sobrang haba ng audition. Dito na nga rin ako nag almusal at kumain ng lunch para lang di mawalan ng linya sa pila.

Tumayo na ko agad dala ang aking gitara at pumasok na sa isang silid na kung saan may tatlong taong nakaupo sa ibaba ng stage. Isang babaeng nasa middle 30's, medyo mataray siya kung titignan kasi pagkaapak ko pa lang ng stage ay nakataas agad ang kilay niya sa'kin. Katabi naman nito ang isang lalaking nakasuot ng uniform nitong University, pamilyar siya kasi isa siya sa mga gitarista ng banda, senior siguro. At ang huling naroon ay ang aking kapatid, si Rida. Half sister to be exact, senior din.

"So Ms. Calla, you are from?", tanong ng isa sa mga judge I think? Yung lalaking nakauniform.

"Architecture department po. Second year",
mahina kong sagot.

Huminga ako ng malalim pagkatapos kong sumagot. Grabe! Kinakabahan ako.

"So what song did you prepare for us?"

"Walk with me by Bella Thorne", nakangiti kong sambit. Isa ito sa pinakagusto kong kanta

"Oh, that's a nice song. You may now start and uhh.. show us what you've got.", yung lalaking nakauniform.

Huminga muli ako ng malalim at sinimulan ko ng patunugin ang aking gitara at sinimulan ng kumanta..

"I wish I could stand on the star

I wish I could be where you are

They say don't you ever give up

It's so hard to be something when you're not"

Kasabay ng pagkanta ko ng chorus ay bumukas ang pinto sa gilid at linuwa roon ang isang lalaking may hawak na cartolina, naka uniporme ito at suot pa ang salamin at kanyang shoulder bag. Tahimik itong umupo sa tabi ng mga judges. Uhh late?

Naupo na ito katabi ng mga judge at matiim na tumitig sakin, ang lamig ng mga titig na iyon. Napakablangko.

"But I have walked alone with the stars in the moonlit night

I have walked alone no one by my side

Now I walked with you with my head held high

In the darkest sky I feel so alive."

Nakatingin ng diretso sa akin ang mga judges na para bang sinusuri ako and that made me shake a little bit.

"Adrift a lonely little cloud

Above ground where I stand so proud

My face glowing loudly through the crowd

As I walk in the beauty of the night"

Kahit na medyo madilim dito sa loob ay kita ko pa rin ang itsura ng kanyang mukha. Napakagwapo.

"But I have walked alone with the stars in the moonlit night

I have walked alone no one by my side

Now I walk with you with my head held high

In the darkest sk--

Pritong manok naman Calla ohh!

Halos napatigil ako sa pagkanta ng biglang naputol yung dalawang string ng gitara ko. Great! Oh great one!

The Day I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon