Chapter 3

3 0 0
                                    

Ang lugar kung saan ako nagmula at ang lugar kung saan ako nagpaalam.

'Ano ang nangyayari?'

'Panaginip ba talaga ito?'

Upang masagot ang aking mga katanungan ako'y nagpatuloy sa aking paglalakad patunggo sa Kaharian ng Harnoor.

Mulang pagpatak ng takip-silim hanggang sa tuluyan na ngang lamunin ng kadiliman ang palagid ay hindi ako tumigil sa aking paglalakad.

'Kailangan ko makarating sa lugar ng Harnoor.'

Habang tumatagal ay nararamdaman ko ang pagbigat ng aking katawan.

Pagod at gutom mula sa paglalakad.

Ngunit mas kailangan kong makarating agad.

Kung totoo man ang lahat ng ito kailangan kong muling makita at mayakap ang aking pamilya.

Nais ko sila muling makasama.

Masilayan muli ang aking anak at asawa.

Sumisikip ang aking dibdib.

Nakararamdam din ako ng pag-init ng aking mga mata.

Ngunit sa lahat ng ito ay mismong katawan ko na ang nagtaksil sa aking isipan.

'Kahit saglit lamang ay nais ko silang mayakap at mahagkan muli'

*****

"....."

May isang mahinang tinig ang tumatawag sa akin.

Sa una ay hindi ko ito maintindihan,

Ngunit habang tumatagal ay akin na itong napakinggan.

"Hija, ayos ka lang ba?"

Sa una ay hindi ko ito maaninagan.

Isang matandang lalaki ang nagmamay-ari ng tinig na......

Siyang tumatawag sa akin...?

"Hija, ayos ka lang ba?" Muling tanong ng matanda sa akin.

Hindi ko alam kung ano ba ang tamang bigkasin ngayon ngunit ang aking pagtanong ay tila ba'y nagbigay pagtataka sa muka ng matanda.

"Buhay po ba tayo?"

Sa tanong ko na iyon ay tinitigan niya ako na tila ba'y nasiraan ako ng bait.

Sa sagot niya na iyon ay nagbigay liwanag sa isa sa aking mga katanungan.

'Ako ay buhay.'

Hindi ko pinansin ang patuloy na patigtig sa akin ng matanda.

Aking tiningnan ang aking sarili.

Itsurang basahan na damit at kulay tsokolateng buhok na hanggang balikat.

Ito rin ang aking napagmasdan kahapon.

Kung hindi din ito panaginip.

Ibig sabihin ay muli akong nabuhay...?

Ngunit pano ito nangyari?

Hindi ko akalain na ito ay posible.

Patuloy pa rin akong tinatanong ng matanda.

"Hija sa huling pagkakataon, ikaw ba ay ayos lang?"

"Ayos lang po ako."

Tila ba'y nakahinga ng maluwag ang matanda sa aking pagsagot.

"Ikaw ay aking nakitang walang malay habang ako'y bumiyabyahe"

Sabay turo sa akin.

" Ayoko kitang iwan sa ganyang lagay. Saan ka ba paroroon baka nais mong sumabay sa akin."

Kanyang itunuro ang kanyang sasakyan na kariton na hatakhatak ng isang kulay kayumangging kabayo.

" Sa Harnoor po."

"Ah saktong sakto at doon din ako papunta. Ikaw ay sumabay na sa akin, kung iyong nanaisin."

Ako ay tumayo sa aking
kinalulugaran at tinanggap ang alok ng matanda.

Habang kami ay nasa biyahe ay muling nagsalita ang matanda.

"Malayo-layo pa tayo mula sa Harnoor. Ako nga pala si Jose, madalas ay bumiyabyahe akong mag-isa kaya nakatutuwang may makasabay ako."

Hindi ko alam kung anong introdukyon ang dapat kong sabihin ngunit aking naalala ang papel na aking nakita.

"Ako po si Ayla."




















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Guiding Those Who Dear To MeWhere stories live. Discover now