Chapter 3: Day 3

53 1 0
                                    

Troy's POV:

Dong Ding este-

Ding Dong

Tumunog yung doorbell nung pinindot ko ito.

Bumukas yung gate at bumungad sa akin yung yaya nila Cailey.

"Ay! Sir Troy. Napadaan po kayo?" magalang na tanong niya tapos nag-bow pa.

"Si Cailey?" magalang na tanong ko. Wag kayo. 40 plus yung nasa harap ko ngayon. Manners mga pre =.=

"Eh, sir. Tulog pa po." sabi niya tapos napakamot ng ulo.

Napa-tsk nalang ako. Tulog mantika talaga =____= 9 am na, tulog pa rin 'to.

Tumitig lang ako sa kanya. Di pa ba ako papapasukin netong maid na 'to? Nakakangawit kaya. Makuha sana siya sa titig. Di kasi ako masyadong nagsaalita, except lag sa mga close ko. That's how cold I am kaya kokonti lang talaga ang mga kaibigan ko.

Parang bigla naman niyang nabasa ang utak ko kaya pinapasok na niya ako.

"Ay sorry sir. Pasok na po kayo. Nasa master's bedroom po si Cailey." sabi sa akin ng maid. Tumango nalang ako.

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko at umakyat sa bedroom nila tito at tita. Palibhasa wala sila kaya siguro dun natulog si Cailey. Ewan ko ba dyan sa babaeng yan. Malaki naman ang kama niya pero mas gusto niyang matulog sa kama ng parents niya.

Binuksan ko agad ang pinto. Nakita ko dun si Cailey na natutulog habang yakap yakap yung unan at nakapatong pa ang pata niya dito. Nakanganga pa siya. She's even drooling.

Napa-iling at napa-tsk nalang ako. Lumapit ako sa kanya at sinipa yung kama na hinihigaan niya.

"Hoy, gising na. Tanghali na." sabi ko.

Nag-moan siya. Akala ko magigising na kaso kumamot lang siya ng ulo tsaka nag-change ng position. Seriously? Eto ang ayaw ko sa kanya eh. Ang hirap niya gisingin =.=

Niyugyog ko siya ng napaka-lakas. Pero wala. Ayaw talaga netong magising. Masyadong malayo yung dreamland niya. Paano kung biglang may sunog tas tulog siya? Paano siya gigisingin? Malamang tustado na to bago pa siya magising. =____=

Tinry ko ding patunugin yung alarm clock ng parents niya para magising siya. Nilagay ko pa ito malapit sa tenga niya pero wala pa rin. Aaaargh! This is so frustrating. Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.

Tinulak ko siya paalis ng kama. Nahulog naman siya pero tulog pa rin. Napaface palm nalang ako. Hinilamos ko ang sarili kong mukha gamit ang aking mga kamay dahil di pa rin siya nagigising.

Isip Troy. Isip.

Ting! (With matching light bulb sa taas ng ulo ni Troy.)

Alam ko na. Tignan lang natin kung di ka magigising neto Cailey.

Pumunta ako sa CR ng bedroom na 'to. I set the water's temperature to 'Cold'. Kinuha ko yung tabo nila ang filled it with water.

Lumabas na ako ng CR at pumunta sa harap ni Cailey. Tinignan ko muna siya. Tulog pa rin. Okay, last chance. Niyugyog ko siya pero hindi talaga magising. This is it. Binuhos ko sa kanya yung malamig na tubig.

Agad naman siyang bumangon na nakanganga pa. Good. Kelangan pa kasing buhusan ng malamig na tubig bago siya magising eh =____=

"WHAT THE F-UCK?!" she shouted angrily then stood up.

"Good Morning." I said emotionlessly then threw the dipper anywhere.

Tumalikod na ako.

I heard her huff na parang hindi siya makapaniwala. Ikaw ba naman ang buhuan ng malamig na tubig tapos sasabihin lang sa 'yo 'Good Morning' na halos wala namang kabuhay-buhy at parang sarcatic pa? Haha, I should've see her face.

Too Much PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon