Chapter 6: Day 6

43 0 0
                                    

Chapter 6

Troy's POV:

Nag-doorbell ako sa bahay ng mga Ombid. Nang binuksan yun ng isang maid, di ko pinansin ang bati niya at agad nalang pumasok at umakyat ng kwarto ni Cailey. Nang buksan ko yun, nakita ko siya nakahiga sa kama na nakayakap sa mga unan niya habang nakanganga.

Nag-ikot nalang ako ng mata dahil tulog pa siya. Bihis na bihis na ako samantalang andito pa siya, tulog at haggard. Plus, nakanganga pa. Napa-iling naang ako. Anong bang nagustuhan ko sa babaeng ito?

Ginising ko siya. By that, ang ibig sabihin niyan ay hinulog ko siya sa kama niya kaya agad na nagising ang buong diwa niya. Nanlalaking mata niyang tinignan ang paligid. Nang nakita niya ako, nakahinga siya ng maluwag pero tinignan niya ako ng masama. Di ko nalang pinansin yun at umupo sa couch niya. Kinuha ko yung nail cutter sa drawer niya at nagsimula nang mag-cut ng mahahabang kuko ko.

"Grabe ah! Ang ganda talaga ng paggising mo sa akin eh noh?! What's the big deal you big jerk?! Ni Good Morning, wala ka pa." nagwawalang reklamo niya sa harap ko.

Tumigil ako sa paggugupit ng kuko ko. Nilapag ko yung nailcutter sa couch at tinignan siya ng walang emosyon.

"Una sa lahat, mag-toothbrush at maghilamos ka muna. Ang baho ng hininga mo, ang haggard pa ng itsura mo. Pangalawa, informed ka naman siguro na mahirap kang gisingin kaya dapat hindi mo na kwestyunin kung bakit ganun kita ginising. Pangatlo, ang big deal ko? Tapos na ang sembreak, pasukan na. At pang-apat, kung ako sa iyo, magmamadali na ako dahil 45 minutes nalang, magsisimula na ang flag ceremony." walang emosyon kong sinabi. Agad siyang natauhan at nanlaki ang mata niya.

"Sh*t, oo nga pala. Tapos na yung sembreak. Thank you kups ah!" sabi niya sa akin at nagmadali ng kumuha ng mga damit niya.

"Wait." pagpuputol ko bago siya pumunta sa cr. Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng questioning look.

I smiled at her.

"Good Morning." I said while smiling. Natulala siya sa akin. I took that as an opportunity to leave. Before twisting the doorknob and walking away, she said one thing.

"Umaatake na naman yang mood swings mo." sabi niya. I just ignored her remarks and left her room.

~

"CAILEEEEEEEEEY!" sigaw ko mula sa garahe ng mga Ombid.

"TEKA LAAAANG! ETO NA BABABA NA!" sigaw niya pabalik. Inistart ko na ang kotse ko at pumaok na sa loob.

Punyemas, 10 minutes nalang mag-a-asembly na. Ayoko munang ma-late. Nakaka-tamad mag-detention tsaka yung punishment. Baka mamaya yung punishment na ibigay sa akin ay linisin ang cr ng boys. Jusko, I'll rather hire someone to do that for me than do it myself.

Bumaba siya na basa ang buhok at halatang di pa siya nagsusuklay. Tabingi pa yung necktie niya. Buhol buhol pa yung ID niya. Bukas pa yung zipper ng bag niya. In short, halatang nagmadali siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too Much PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon