Marahan kong sinara ang kurtina mula sa gilid nang kama ko' at agad na binuksan ang aircon. Dumeretso ako sa kusina at kinuha ang ramen na kanina ko pa pinapalambot.
Halos ay ako lang ang mag isa ngayon sa dorm ko, agad ko binuksan ang TV at inilipat sa balita. Marahan na may kumatok saglit kaya napahinto ako sa kinakain ko.
At agad na dumeretso sa pintuan, bago ay sumilip na muna ako sa gilid bago ito tuluyang buksan.
"Detective futaba..."gulat kong ani.
Agad siyang dere-deretsong pumasok, at napahiga sa kama ko. Nag taka man sa ginawa niya ay agad ko naman sinara ang pintuan.
"M-may kailangan ka ba?"tanong ko. Pero sumenyas siya na i lock ko ang pintuan.
"Na locked ko na, m-may problema ba?"tanong ko muli. But he did not answer.
Agad naman ako dumeretso sakanya, nanatili lamang itong nakadapa. Kaya agad ko itong inayos' at may nakapa na malapot na likido.
Teka dugo?! Agad akong dumeretso sa kusina upang mag hugas at kumuha nang pamunas at dali daling dumeretso sa kama kung saan nakahiga si detective futaba.
Inabot ko rin ang iilang medical kit mula sa mesa ko. At agad na hinubad ang suot na tuxedo ni detective futaba.
Mukha itong nabaril, hindi ko alam ang gagawin sa oras na to' pero inapply ko lang ang natutunan ko bilang doctor.
Ilang oras ang nakakaraan ay nakuha ko ang bala mula sa loob nang tiyan niya' at agad itong ginamot bago tahiin. Halatang pawis na pawis ang mukha niya. Kaya agad ko itong pinunasan at hinayaang matulog.
-
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising at halos late na ako' sobrang sakit din nang likod ko dahil sa sahig ako natulog. Wala na rin doon sa kama si detective futaba at mukhang umaga palang ay umalis na.
Malinis ang kusina, hindi gaya na iniwan ko to kagabi na madumi at maraming dugo' dahil nag opera ako ng wala sa oras.
"Gising na po pala kayo ma'am."sambit nang babae mula sa pinto. Habang dala dala ang mga panlinis.
Marahan akong bumangon at kinuha ang salamin ko upang icheck ang mga kagamitan ko sa pagagamot.
"Ay ma'am andoon po sa box yong gamit niyo' yon po kasi ang bilin ni sir."nakangiti niyang aniya at nakalagay sa gilid nang t-shirt niya ang pangalan niya.
"Sinong sir?"tanong ko.
"Si sir futaba po."nakangiti nitong aniya.
"Eto nga po pala nag iwan siya nang cheque mula sa tabi nang bag niyo."sambit niya. At agad na dumeretso sa bag niya at kinuha ang sinasabing cheque.
"Ito po oh, kinuha ko kasi baka manakaw po kapag lumalabas ako'."aniya at agad na ibinigay saakin ang cheque.
Worth of: two million pesos
Sign by: KEIJI CULLEN FUTABA"Actually binigyan niya rin po ako' sobra po nitong laki. Nakakahiya man pong tanggapin pero tinutukan po ako nang baril."iling na saad niya' habang bahagyang natatawa.
"Tapos ka naba?"tanong ko.
"Ay opo, yong gamit niyo nga po nasa box. Wala po akong ginalaw doon' and the rest po wala na."ngiti nitong aniya.
"Kumain kana ba?"tanong ko.
"Opo!"aniya.
Ilang minuto ay pinayagan ko na siyang umalis dahil tapos na rin naman siya sa ginawa niya. Hindi pa rin ako maka get over sa binigay ni detective futaba. Alam kong malaki rin ang natulong ko sakanya kagabi pero sobra atang laki nitong pera.
BINABASA MO ANG
Intimate Love with the Mafia Detective
מתח / מותחןIt is not easy to become a doctor, but it is not easy to be a DETECTIVE. it is not easy for soleil alone to accept being a DOCTOR and being a DETECTIVE especially if you really need to resolve a case, AND IS NOT EASY TO FALLING INLOVE WITH THE DETEC...