" I thought you quit your job? " Napatingin ako sa kapatid ko na pababa ng hagdan pero ibinalik din kaagad ang atensyon sa ginagawa ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinapanood niya lang akong magsapatos.
Nakapantulog pa lamang ito habang ako ay bihis na bihis na. Nagsuot lang ako ng three piece suit at sapatos na itim. Pa-impress muna sa first day.
" Where will you work now? " Na-realize niya siguro na may bago na akong trabaho. Napabuntong hininga ako at tumayo.
" Tenacious Lustre University. " Sagot ko at nagmadali nang lumabas para hindi na marinig ang pangungulit niya.
Pasakay na sana ako sa jeep wrangler na itim nang mahagip ng mata ko ang black sedan ni daddy. Nagkibit balikat ako at yon na lamang ang ginamit ko.
'Stay lowkey, Kyro.' Payo sa sarili at nagdrive na sa ibinigay na address ni Miss Marcelina, yong jingjong name na Foundress ng University.
-Flashback-
[ Ano nga ulit iyon? ]
" Mag a-apply sana ako bilang Admin. "
[ Okay, paki-send ng email, may mga tanong lang na kailangan mong sagutan. ]
Pinatay na niya ang tawag kaya ipinadala ko na lang yong hinihingi niya. Pagkasend ko ng email ko ay nagpop kaagad ang isang notification.
Bubuksan ko na sana iyon pero biglang nagpakita ang litrato ng kapatid ko.
' RC calling... '
Sinagot ko ito kaagad, baka nag aalala na. Mahirap talaga pag gwapo, baka ma-rape.
" Pauwi na. " Pambungad ko sa kanya bago pa siya magsalita.
[ Okay. Ciao! ] Pinatay niya ang tawag at hindi man lang hinintay na makasagot ako.
" Psh. " Sabi ko na lang sa hangin.
Binilisan ko ang paglakad nang umihip na naman ang malamig na hangin. Coding kasi ngayon kaya wala akong sasakyan. Yong grab naman na sinakyan ko hanggang gate lang ng subdivision.
Naghigpit sila dito sa amin na bawal magpapasok ng sasakyan na hindi registered sa subdivision namin tuwing alas onse ng gabi hanggang alas kuwatro ng umaga. For safety purposes daw.
Pagkarating ko sa bahay ay nakaabang sa dulo ng hagdan ang kapatid ko. Nakaupo siya sa pinakatuktok at may yakap na isang bucket ng maltesers.
Napatingin siya sa akin habang ngumunguya.
" Did you quit your job already? "
" Yes. "
Pagkasagot ko ng tanong niya ay tumayo na siya at tumalikod.
" Good decision, bro. " Tumango pa ito kahit nakatalikod na siya sa akin. Babalik na siguro sa kuwarto niya.
Nagshower na lang muna ako bago sinagutan iyong interview questions na ipinadala ni jingjong.
'Tenacious Lustre University'
Basa ko sa pinakatuktok ng interview sheet at Marcelina pala ang pangalan ng Foundress. Pamilyar yong pangalan ng university pero hindi ko gaanong maalala. Senyales na ata ito ng pagtanda.
Matapos kong sagutan ay isinend ko ito pabalik sa kanya. Tatlong magkakasunod na notifications ang dumating, mga rules ito sa University.
' Congratulations, you passed. You can start working tomorrow. Here's the address. '
Yon na yon? Piece of cake.
Bumuntong hininga ako bago humiga sa kama at nakipagtitigan sa ilaw.
Bagong trabaho, bagong buhay.
-END OF FLASHBACK-