I.

23 4 6
                                    

' Hiring Admin! ' Agaw pansin na pulang pinta ang nakapaskil sa pader. Nagkibit balikat na lang ako at nilagpasan iyon.

Napatingin ako sa relo ko, alas dos, at sa paligid, madilim at tahimik. Madaling araw na. Tumuloy na ako sa paglakad ngunit napahinto ako nang mapagtantong wala na nga pala akong trabaho.

Napabalik ako sa may pader kung saan nakapaskil ang isang papel at binasa ang nakasulat dito.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko mabasa ang pangalan, jingjong name kasi.

Alam niyo yon? Kung sa China ay chingchong, sa Japan ay jingjong. Napaisip tuloy ako kung paano kapag Korean edi king--- Nevermind, ang corny kasi e.

Balik tayo sa pader.

'Hiring School Admin! セリン マー 09020250500'

Napataas ang kilay ko. Anong klaseng flier yan? Kulang kulang ang impormasyon. Wala man lang nakalagay kung saang school.

Napapailing na lang ako habang dinudukot ang telepono sa bulsa ko. Parang may kung ano ang kumukontrol sa akin. Bago ko pa mapagtanto ang nangyayari ay natawagan ko na ang numero ni jingjong.

[ Hello? ] Nagtaasan lahat ng balahibo sa aking katawan nang marinig ko ang malamig na boses ng isang babae. Nakadagdag pa ang pag ihip ng malamig na hangin.

Ibababa ko na sana ang tawag dahil nakakakilabot naman talaga ang boses niya.

[ Wag mong takutin! Baka mag-a-apply yan! Kapag tayo talaga walang nakuhang Admin--- ]

Nakahinga naman ako ng maluwag pero halos mapatakip na ako sa tainga sa sobrang tinis ng boses niya.

Naputol ang sasabihin ng matinis na boses nang magsalita na naman yong nakakakilabot na boses.

[ Oo, na! Eto na! Ehem. ] Tumikhim pa ito kaya nabawasan ang takot na nararamdaman ko.

[ Sorry. Ano nga ulit iyon? ]

---

Note: Katuwaan lang HAHAHA at gawa gawa ko lamang ang mga pangyayari sa kwentong ito. Ang mga tauhan ay inspirasyon at dahilan kaya ito nabuo.

ADMONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon