" Thank you for choosing Tenacious Lustre University as your work place. Congratulations and welcome! "
May isang babae na hindi katangkaran, maputi at balingkinitan ang nakatayo sa may harap ng gate. Matinis ang boses nito, kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong babaeng kasama ni Marcelina noong araw na tumawag ako.
" Ako nga pala si Theia Vesta, Foundress ng TLU. " Pagpapakilala niya, walo kaming i-o-orient niya, apat na babae at apat din kaming lalaki. Nasa likod nila ako at hindi ata napansin na may iba pa silang kasama.
Napatingin si Miss Theia sa akin na may kunot sa noo kaya napalingon din ang iba sa akin.
" Ohmyggiieeee~ " Hindi na napigilan ng isang babae ang tili niya nang makita ako. Ngumiti na lamang ako sa kanya.
Hindi nakawala sa paningin ko ang pag irap ng isang lalaki sa direksyon ko. Hindi ko na lang iyon pinansin. Ibinalik ko na ang tingin kay Theia dahil mukhang naiinip na ito.
" Please follow me for your briefings. "
Kapansin-pansin ang limang malalaking gusali na magkakaiba ang kulay. Habang naglalakad ay inililibot ko ang paningin ko sa paligid.
Napatingin ako sa wrist watch ko na may pagtataka dahil wala akong napansin na kahit isang estudyante.
Alas otso na kaya dapat ay mayroon na sanang mga estudyante. Napabalik ang tingin ko kila Theia na nauuna na sa paglalakad, napag iiwanan na ako.
Hahakbang sana ako ng mas malaki at mas mabilis nang may bumunggo sa akin.
" OUCHYYY! HMP! " Napatingin ako sa gilid kung saan galing iyong bumunggo sa akin.
Isang nakaunipormeng babae, na may mahabang buhok at bangs ang nasa lapag na tinitignan ako ng masama.
" Bulag ka ba? " Kalmadong tanong ko, alam kung hindi pero naninigurado lang ako.
" SORRY HA?! NAKAKASILAW KASI KAGWAPUHAN MO EH! HMP! "
Gigil na gigil na sigaw nito, kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong niya. Napatingin ako sa paligid pero hindi ko na matanaw sila Theia, ayaw ko ng iskandalo lalo pa at unang araw ko sa trabaho.
Iniabot ko ang kamay ko para tulungan siya pero inismiran niya lang ako at tumayo mag isa. Pinagpagan niya ang palda niya bago ako irapan at talikuran.
Attitude na bata.
Pinanood ko ang likod niyang palayo sa kinaroroonan ko.
" Camero. " Basa ko sa likod ng damit niya.
" Nakilala mo na pala siya. " Napalingon ako sa bandang kanan. Tataasan ko na sana siya ng kilay nang ngumiti ito at iniabot ang kamay.
" Vladimor. Vlad na lang, men. " Inabot ko ito para makipagkamay at makipagkilala.
" Kyro Cortes. " Sambit ko.
" Papunta ka ba sa office? Bagong Admin ka yata? Tara na, sabay ako. " Tinapik niya ako sa balikat, sabay kaming nagtungo papunta sa office.
" Ingat ka don kay Amora, chismosa yon. " Pagdaldal niya. Nagkibit balikat lamang ako ngunit imimarka ko sa isip ko ang paalalang iyon.
Mukhang alam niya kung saan siya pupunta, hindi na siguro siya bago dito.