Chapter 21

358 25 1
                                    

Chapter 21


NAGULAT ako nung may motor na tumigil sa harapan namin dahilan para huminto ang sinasakyan naming kotse.

Tumitig lang ako sakanila
Nakita kong nasa harap na rin yung mga taong humahabol sa amin.
May mga iba't ibang baril silang hawak.

"Ilabas niyo ang tagapagmana!" sigaw no'ng Guidance Officer. Bigla naman ako nakaramdam ng panggigil.

"Teka, si Ms. Kate yan ah" rinig kong bulong ng katabi ko. "A— At sino daw ang kailangan niya?"

"Si Haru." sagot ko sakanya, at napansin ko namang gulat siyang napatingin saakin. "Kukunin nila si Haru." pagpapaklaro ko sabay tingin sakanya.

Kitang kita ang pinagsamang pagtataka at takot sakanyang mga mata.

"Dito ka lang, kakausapin ko sila."

Agad naman akong napatawa ng mahina dahil sa inasta niya. Akala niya yata kaya niya lahat ang mga tao na yan.

Dito pa lang sa kotse ay may papansin mong armado na silang lahat. Ano kaya mailalaban ng estudyante diyan?

Aakmang bubuksan niya ang pinto ngunit buong pwersa ko siyang pinigilan.

"Wag na ako na."

Walang sabing binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse at lumabas doon.

"H—hoy! W— Wait!" pigil niya pa saakin.

"Wag kang magtatangkang umalis dito, kundi mamatay ka ng wala sa oras." malamig kong tugon at matalim siyang tinignan sa mata.

Hindi siya pwedeng umalis sa kotseng ito dahil walang magbabantay kay Haru kung aalis siya sa kotseng 'to, baka masalisihan kami.

Noong makita kong parang nahimasmasan naman siya ay bumaling na ako ng matalim na tingin sa mga taong humahabol kay Ryxer.

Humanda kayo saakin.
Kaya ko kayang pagbabaliin yung mga kamay at paa niyo.

Tinali ko ulit yung buhok

Gulo ko rin noh?
Pabuhaghag pa ako nang buhok para di daw ako makilala pero ganon pa rin ang ending.

Bobo ko talaga.


Ini stretch ko muna yung mga kamay at paa ko, kailangan flexible ako habang lumalaban mahirap ng mabinat.

Pinatunog ko rin ang kamay, at leeg ko. Nang matapos ako ay sinigawan ko sila.

"HOY! KAYO!"

Maya maya lang nakita kong mas dumami ang mga armas na hawak nila kaya bigla akong napalunok.

"Uhmm hehehe, pwede po ba kayong tumabi? Ah nagmamadali po kasi kami."

Malay niyo pwede silang maki usapan diba?

"Ikaw bang bata ka, pinagloloko mo ba kami?!" sigaw noong lalaking katabi ni Ms. Kate daw.

Tsk. Feeling main character 'rin ang isang 'to eh.

"Ay! Hindi po! Nakaharang po kasi kayo sa dinadaanan namin." tumingin ako sa kanilang lahat.

"Nakakasigurado ka bang siya ang kasama nang tagapagmana kanina?" narinig kong tanong noong isa sa kasama ni Ms. Kate.

"Oo, sigurado ako. Sa pagkakaalam ko pinsan pa siya ng tagapagmana." Napatingin naman ako kay Ms. Kate. Nakakahanga pala ang matalas niyang memorya. "At sa tingin ko ay nagpapanggap lang siya." dugtong niya pa.

Seryoso ko naman silang tinignan.

"Bata! Kung hindi nga ikaw ang kasama nang tagapagmana, pwede ba naming tingnan ang sasakyan mo?" utos noong lalaki.

Agent RavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon