---
Kenjie's P.O.V
Kanina pa kami nagpapakiramdaman dito sa luob ng classroom at pinapakinggan kung ano man ang nagaganap sa labas, kahit litong lito ang mga kasamahan ko ay wala ni isang nagtanong sa kanila kung anong nangyayari, siguro ay dahil sa kalituhan at gulat sa naganap kanina.
Kanina pa tahimik yung babaeng kasama ko at di matigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha sa Mata.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa babaeng kasama ko
Napalingon ito sakin.
"Sheina" Walang emosyon niyang sambit habang may tumutulo paring luha sa kaniyang mga mata.
Namamaga na ang Mata nito kakaiak. Hanggang biwang yata ang buhok at medyo singkit ang namamagang Mata.
Tinanguan ko ito"I'm Kenjie" sambit ko ng di lumilingon sa kaniya at nakatulala lang sa kawalan.
Sana okay lang sila Zyshi at Ajal ngayun, sana di sila napahamak.
Napabuntong hiningi na lamang ako dahil sa pag-aalala. Hindi pweding pabayaan ko sila sa labas, kailangan ko silang puntahan.
Tumayo ako.
"Anong gagawin mo?" Tanong ng lalaking kasamahan namin sa classroom na pinasukan namin.
Nilingon ko ito.
"Kailangan Kong puntahan ang mga kaibigan ko, kung gusto niyong magkulong dito Edi dito lang kayo" Sambit ko.
"Lalabas ka? But it's dangerous outside" sambit naman ni Sheina.
Di ko ito pinansin at nagtungo na lamang sa pinto. Wala akong kasiguraduhan na makakaligtas ako sa labas ngunit di ko pweding pabayaan ang girlfriend at kaibigan ko.
"S-sandali, s-sasama ako" tumayo si Sheina at lumapit sakin.
Nag-aalangan ko itong tinignan.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko.
Tumango lang ito at para bang buo na ang kaniyang desisyon kaya napailing nalang ako, wala na akong magagawa kung gusto niyang mapahamak kasama ko."Wait, sasama rin ako" biglang sambit ng babae na nasa isang tabi, tumayo ito at lumapit samin. Mukha itong nerd kung titignan dahil may suot itong makapal na salamin sa Mata.
"Ayaw Kong mag kulong lang dito" dagdag pa niya.
Tahimik parin ang iba at natatakot na lumabas.Pinakinggan ko muna ang labas, wala akong naririnig na ingay.
"Wag kayong lalayo sakin"pagpapaalala ko sa kanilang dalawa
Paglabas namin ay agad na sinarado namin ang pinto.
Tumambad samin ang mga patay na estudyante, nakakadiring tignan dahil sa nagkalat nilang mga labang luob sa sahig. Nagkalat ang mga dugo nila sa paligid.Napakapit si Sheina sa Braso ko kaya napalingon ako sa kaniya. Ngumiti lang ito ng pilit.
Binalik ko na lamang ang tingin ko sa harapan at mahigpit na hinawakan ang dalang kahoy.
"Bakit biglang nagka- zombie?" Mahinang tanong ng babaeng kasama namin ni Sheina.
"Di ko rin alam" sagot ko dito.
Di ko talaga alam kung ano ba talaga ang dahilan at kung paano nangyari ang lahat ng ito.
Patuloy parin kaming naglalakad sa tahimik na paaralang ito. Subrang tahimik, Dumidilim na rin kaya mas mararamdaman mo talaga ang subrang takot dahil sa dilim.
"Saan natin hahanapin ang mga kasamahan mo?" Bulong ni Sheina na nakakapit parin sa braso ko.
"Paano natin maha-- " naputol ng babae ang kaniyang sasabihin ng may marinig kaming mga yapak ng paa. Mukhang marami sila.
"Shit! Doon tayo, bilis" tarantang sabi ko at agad na hinila ang dalawang kasama ko patungo sa isang malaking basurahan.
"Anong g-gagawin natin?" Takot na sambit ni Sheina.
"Shhhh..." Pagpapatahimik ko sa kaniya dahil baka marinig kami ng kung sino man ang nagmamay-ari ng mga yapak.
Pigil ang hininga namin dahil sa subrang takot na baka makita kami ng mga zombie na nagmamay-ari ng mga yapak ng paa.
Biglang may umalingawngaw na matinis na bagay sa sahig kaya napasinghap ako.
Muntik pang mapasigaw si Sheina sa tabi ko, buti nalang at agad Kong natakpan ang kaniyang bibig. Ang babaeng kasama naman namin ay tahimik lang at nakakapit na rin pala Kay Sheina.
"Gaia, mag ingat ka naman..."
"Sorry naman, di ko nakita e... Kita mong subrang dilim"
"Pakshit... Tumahimik kayong dalawa."
"Ito kasi e!"
Narinig Kong may nagbubulungan at parang nag-aaway pa ang mga ito, mukhang sila yata ang nagmamay-ari ng mga yapak na narinig namin.
Dahil sa narinig ay dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan.
Tumanbad sakin si Ludvik na gulat na gulat, sa subrang gulat ay napasigaw ito, maski ako ay napasigaw rin dahil sa taranta dahil sa kaniyang sigaw na umalingawngaw sa paligid.
Nagsisigaw na rin ang iba.
"Shit!.... Shit!"
"Ludvik, ako to.... Ako to si Kenjie" tarantang sambit ko. Binatukan ko ito para matahimik sa pagsisigaw.
"Kenjie?... Oh my gosh Kenjie" rinig Kong sambit ng familiar na boses.
Natigil na si Ludvik sa kakasigaw.
"Shit Ludvik, muntik na akong atakihin sa sigaw mo" riklamo ko.
Napalinga-linga ako sa mga kasamahan niya.
"Saan si Zyshi?" Tanong ko.
Natahimik naman sila.
Nilingon ko si Ajal na katabi lamang ni Novan.
"Ajal... Akala ko magkasama kayo?" I ask.
Napayuko lang ito.
"Shit..." Ginulo ko ang buhok ko dahil sa subrang kaba. Baka napano na si Zyshi, sana walang nangyari sa kaniya.
"Nagkahiwalay kami kanina" sagot nito ng nakayuko ang ulo at di makatingin sakin.
"Baka napa--" naputol ko ang sasabihin.
Nagtaka naman sila. Nataranta ako.
"Kenjie bakit?" Tanong ni Zigh.
"Naririnig niyo ba yun?" Tanong ko. Palinga linga sa paligid na parang naninigas.
Pinakinggan naman nila ang paligid.
"May z-zombie.." Nanginginig na sambit ni Sheina.
BINABASA MO ANG
ZOMBIE APOCALYPSE: Survivors
RandomWhat if there's a Zombie? anong gagawin mo? What if sa school niyo mismo nagsimula ang pagkalat ng Zombie? May makakaligtas kaya? Handa ka ba na tumakbo at makipaglaban?