Chapter 4

19 2 0
                                    




Zyshi's P.O.V

Nagkahiwalay kami nila Ajal Kahapon at hanggang ngayun di ko pa rin sila nakikita.

Kamusta na kaya sila? Sana okay lang sila at sana safe sila.

"Ano ba kasing hinahanap mo diyan?" Nagtataka kong tanong sa lalaking kasama ko .

Nang magkahiwalay kami ni Ajal ay muntik na akong makain ng Zombie at laking pasasalamat ko sa lalaking kasama ko ngayun dahil sa pagtulong nito sakin.

Napatigil ito sa ginagawa at tumingin sakin.
Medyo bad boy ang dating nito kaya kahit tinulungan niya ako kahapun ay medyo natatakot din ako na baka saktan niya ako kapag nairita siya sakin.

"Nawawala yung kwentas ko" inis nitong sagot sakin.

Infairness, kahit masungit at madungis na itong tignan ay gwapo naman.

Medyo lang, As in MEDYO!

Hay nako! Ano ba itong pinagiisip ko!

"Gaano ba kaimportante ang kwentas na 'yan at kanina ka pa di matigil sa pagkalkal dyan?" Inis na sambit ko.

Kasi naman e, ang ingay ng ginagawa niya. What if someone or Zombie will hear us? My gosh!

Nakakapagod ng tumakbo simula kahapon and the worst is....... Argh! Gutom na gutom na ako! Uhaw na uhaw na rin kaya sana wala kaming Zombie na makita ngayong araw. I'm so pagod na kaya.

"Just shut up, okay?" Sabi nito at pinagpatuloy ang paghahanap ng kwentas.

"Sungit" bulong ko, yung bulong na maririnig niya talaga. HAHAHAHAHA

"Shut up!" Inis nitong sambit. I rolled my eyes.

"What if sa labas mo 'yon nawala?" Tanong ko kaya napahinto ito sa paghahanap ng kwentas. Natahimik ito saglit. Ako naman ay naghintay lang sa sagot niya.

I cross my arm.

"No, dito lang yun sa loob nawala, suot ko pa 'yon nung pumasok tayo dito" sambit nito at lumipat ng ibang pwesto para maghanap ng kwentas.

Bigay ba ng jowa niya 'yon at di siya mapakali sa kakahanap ng kwentas?
Napairap ako at padabog na naglakad palapit sa pintuan.

Bigla akong nakatinig ng mga yapak ng paa, marami ito at mga bulungan. Papalapit sila sa pintuang ito. Nanlaki bigla ang mga mata ko at sandaling tumigil sa paghinga.

Di ko masyadong marinig ang pinagbubulungan nila or kung bulungan nga ba talaga ang naririnig ko.

Wait! What if ganun ang tunog ng mga Zombies?

Dahan dahan akong napaatras palapit sa lalaking kasama ko.

Iniisip ko pa lang na may Zombie subrang bilis na ng tibok ng puso ko.

Nabangga ko ang likod ng kasama ko kaya napalingon ito sakin at inis akong tinulak.

Hayop na lalaking 'to. Kung di lang ako takot dito kanina ko pa 'to nasapak. Tinulak pa ako. Muntik na akong matumba.

"Ano bang problema mo?" Inis nitong sambit.

Grabe galit agad? Parang bakla naman 'to.

Naalala ko yung mga yapak na narinig ko at yung mga bulong or tunog ng Zombie ata 'yon kaya dahan dahan akong lumapit sa kasama ko.

"Hoy!" Tawag ko sa kaniya dahil bumalik ulit ito sa paghahanap ng kwentas.

"Hoy lalaking masungit na may pulang buhok" tawag ko ulit at kinakabit pa ito.

Bigla itong tumingin sakin ng masama.

"Chianti ang pangalan ko miss maingay" sambit nito.

Pake ko naman sa pangalan niya? Charot.

"Nakita ko na" sambit nito at pinakita ang kwentas sakin.

Lumapit ako sa kaniya at kumapit sa braso niya. Tinuro ko ang pinto.
Ayaw lumabas sa bibig ko ang mga salitang gusto kong sabihin dahil sa takot kaya tinulak ko na lamang siya papuntang pinto.

"Ano ba?" Inis na sambit nito

Kanina pa 'to inis na inis sakin e wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.

Hinampas ko siya dahil napapalakas na ang boses niya.

"Ano ba!" Tumigil ka nga!" Bulyaw nito sakin

Tinakpan ko naman ang bibig nito na agad naman niyang tinapik.

"Ouch ha!" Reklamo ko.
Ang sakit kaya ng paghampas niya sa kamay ko.

"May ano sa labas" inis na sigaw ko, yung sigaw na siya at ako lang ang makakarinig.

"Zombie!" Bulyaw ko.

Inilayo naman niyo ang mukha niya sakin at saka ko lang napagtanto na subrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa.

Dahil na gets naman na niya ang gusto kong sabihin ay dahan dahan kaming lumapit sa pinto.

May nakita akong libro na nakapatong sa table na malapit lang sa kinaruruonan ko. Kinuha ko ito.

Napatingin si Chianti sakin at napasulyap sa librong ngayon ay hawak ko.

Tinaasan ako nito ng kilay.

"At ngayon mo pa talagang naisipang magbasa?" Sambit nito.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Bobong gago kaba? Tanga ka, magagamit ko 'tong libro na 'to panghampas sayong gago ka" inis na inis kong bulyaw sa kaniya.

Alam niyang kinakabahan na ako dito e.

"Okay! Okay! Chill!" Sabi nito at may pataas taas pa ng dalawang kamay na kunware ay sumusuko.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng biglang gumalaw ang doorknob nito.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Did you lock the door?" He ask.

"Aba malay ko! Ikaw 'tong nag close ng door diba?" Sambit ko dito.

"Shit!" Napamura ito.

Bigla na lamang bumukas ang pinto at dahil sa taranta ko ay sinugod ko ang lalaki sa pinto na kamukha ng jowa ko na si Kenjie at walang tigil na pinaghahampas ito ng libro.

Pero wait! Kamukha ni Kenjie?
Napatigil ako sa paghampas.

"Kenjie?" Sigaw ko.

"Zyshi?" Sigaw niya rin pabalik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZOMBIE APOCALYPSE: SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon