Kenjie's POVGawa ng gulat at pagkataranta ay kanya-kanya kaming takbuhan ng aking mga kasama.
Di namin alam kung saan pupunta.
Subrang dilim na ng paligid.Di ko na alam kung sino ang mga kasama ko.
Subrang sikip dito sa pinagtaguan namin at nadadaganan na ako."Shit! Nadadaganan niyo na ako!" Mahina kong sigaw. Yung parang bulong lang siya na kami lang ang makakarinig.
Pawis na pawis na ako't uhaw na uhaw. Di ko rin alam sino ang mga kasama ko ngayun dahil nahihirapan kaming makita ang isa't isa dahil sa subrang dilim.
"Sheina?" Pagtawag ko, nagbabakasakali na kasama namin siya.
Walang sumagot kaya napalingon ako sa likuran ko. Shit na malagkit! Asan na yung babae?
"Umusog naman kayo"
"Aray, naiipit ang buhok ko"
"Wag nga kayong malikot"
"Shhhhhh" pagpapatahimik ko.
Ang ingay nila at baka marinig pa kami ng Zombie. Nakakapagod na ang tumakbo.
"Kenjie....sorry naghiwalay kami ni Zyshi" narinig ko ang boses ni Ajal.
"Shhhh... Alam ko naman na di mo ginustong ewan siya kaya okay lang, mahahanap din natin siya" sabi ko na lamang para di siya makunsinsya.
Subrang tahimik na ng paligid at wala akong naririnig kaya naisipan kong lumabas at sumilip sa pinagtataguan namin.
Madilim talaga ang paligid at mahihirapan kaming makakita sa dilim.
Dahan dahan ring lumalabas ang mga kasama kong nagtatago.
Humarap ako sa kanila. "Kailangan nating lumabas sa paaralang ito, pero di tayo pweding pagala gala ngayun, masyadong madilim, mapapahamak tayo" sabi ko.
"Ano ng gagawin natin?" Tanong ng babae.
"Kailangan tayong humanap ng mapagpahingahan" suhisyon ko. Tumango-tango naman sila.
"Nagugutom na ako, we don't have food" sambit ng isa pang babae.
Napakamot na lang ako sa batok ko. Alam kong lahat kami nagugutom pero wala na kaming magagawa. Malaki ang school na'to at mahihirapan kaming makalabas at maghanap ng pagkain.
"Kailangan nating tiisin ang gutom hanggang bukas. Di tayo safe kapag lalabas tayo, masyadong madilim" sabi ko ulit.
Narinig ko silang napabuntong hininga.
"Let's go" sabi ko.
Sumunod lang sila sakin.
Huminto kami sa tapat ng isang classroom. Sinilip muna namin kung may tao ba sa luob, ng masigurong safe ay pumasok na kami.
Kaniya-kaniya silang upo sa mga sulod. Sinarado kong mabuti ang pinto at naghanap ng upuan na malapit sakin. Nagpunas ako ng pawis. Ang lagkit ko na dahil sa natuyo kong pawis.
Tahimik lang kaming lahat sa luob.
Sana naman okay lang si Zyshi at sana may kasama siya.
*******
Napasilip ako sa bintanang may kurtina at medyo hinawi ito ng kunti para masilip ang labas.
Lumiliwanag na ang paligid.
"Guys! Maliwanag na sa labas, maari na tayong limabas" narinig kong sambit ng babae na nakisilip rin sa bintana.
"Kailangan na nating umalis" sabi ko naman. Nagsitayuan naman ang mga kasama ko. Lumapit naman si Ajal sakin.
May nakita akong isang kahoy kaya kinuha ko agad ito.
"Gamitin mo to" utos ko kay Ajal at binigay sa kaniya ang kahoy.
"You need this" dagdag ko pa, tinanggap naman niya ang kahoy.
Napasulyap ako sa mga kasamahan ko. Dalawang babae at isang lalaki na mukhang nerd.
"Lets go" sabi ko at tinanguan sila.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.
Bakit kaya wala kaming Zombie na nakikita? Nawala na kaya sila? O nasa labas sila?
Hinawakan ko ang kamay ni Ajal at hinila siya palapit sakin, napatingin naman siya sakin.
"Wag kang lumayo sakin, okay?" Sambit ko
"Okay" sabi nito at tinanguan ako.
Pababa na kami ng hagdan patungo sa First Floor ng may makita akong dalawang Zombie na pasinghot singhot at nakatalikod samin.
Bigla akong nataranta.Sininyasan ko ang mga kasama ko na nasa likuran ko lang na huminto.
"Bakit?" Mahinang tanong ni Ajal na nasa likod ko rin kaya tinuro ko sa kaniya ang nasa baba ng hagdanan. Napaatras kami.
"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Ajal. Halata na ang kaba sa boses niya.
"Bakit?" Tanong naman ng lalaking nerd na kasama namin.
"May Zombie sa baba" sambit ko naman kaya nataranta sila. Di mapakali.
"Oh my gosh! What should we do? Ano na?" Sambit ng isang babae na maikli ang buhok. Napapakagat pa ito sa kaniyang kuko.
"Sa kabilang hagdanan tayo dadaan" suhisyon ko na sinangayunan naman nila.
Nang makarating kami malapit sa kabilang hagdanan ay nag dahan dahan na kami sa aming kilos.
Sinilip ko ang hagdanan at laking pasasalamat ko na walang Zombie na naghihintay samin.
"Tara na" sambit ko at sumunod lang sila sakin.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid para masiguradong wala kaming makikitang Zombie.
Subrang gulo ng paligid at andaming nakahandusay na katawan at mga dugo sa paligid. Nakakadiring tignan ang mga nagkalasuglasog na katawan."Naririnig niyo ba yun?" Narinig kong tanong ng babaeng mahaba ang buhok na nakalugay.
Pinakinggan namin ang paligid. May naririnig akong kaluskos sa luob ng isang classroom.
Napakapit ng mahigpit si Ajal sakin.
Sininyasan ko sila na magdahan dahan sa pagkilos. Lumapit ako sa pintuan ng classroom sumilip sa maliit na butas.
BINABASA MO ANG
ZOMBIE APOCALYPSE: Survivors
RandomWhat if there's a Zombie? anong gagawin mo? What if sa school niyo mismo nagsimula ang pagkalat ng Zombie? May makakaligtas kaya? Handa ka ba na tumakbo at makipaglaban?