CHAPTER: 8

10 2 0
                                    

Chapter 8: Going home

"Morning."

"Good morning Felix." 

Papunta ako sa kusina nung nakasalubong ko siya. Dalawa pa lang ata kami gising so baka siya na ang magluto ng breakfast namin.

" Magluluto ka?" I said as I sat on the chair.

"Oo."

"Ano iluluto mo."

"Kung aong pwedend iluto."

"Ahh okay."

Wala naman akong maitutulong so pumunta muna ako sa sala para manood.

"Margaux pwede bang ikaw muna nagluto nito. Fried rice lang naman. Bibili muna ako sa convenience store ng kape naubos na kagabi."

"Sure pero-"

"Thanks." Hindi pa man din ako tapos kinuha na niya yung wallet niya at lumabas ng kwarto.

"Hindi mo man lang pinatapos. Paano ba kasi ito?"

Nakasalang na yung kanin at may mantika naman na. 

Hinalo ko iyon at nakita kong wala ng mantika yung pan.

"Kulang ba yung nilagay niya?"

Kumuha ako ng mantika at nilagyan ko iyon. Naglagay na din ako ng asin para may lasa naman.

Ang bilis naman ng mantika wala na ulit. Nawawala kasi yung mantika everytime na hinahalo ko so nilalagyan ko ito every 3 minutes.

Narinig kong bumukas yung door ng kwarto at pumasok si Felix na may dalang itlog.

"Hey." Dumiretcho siya sa kusina at tinignan yung niluluto ko.

"Ano yan?!" Nanlaki ang mata niya nung nakita yung niluluto kong fried rice.

"Fried rice."

"Margaux naman eh! Mantika lang yan na natapunan ng kanin."

Bastos to ah. Pinatay niya yung stove at dumiretcho na ako sa kwarto para gisingin si Vanessa.

"Hoy gising na!"

Lumipat ako sa kwarto nina Natasha at ganoon din ang ginawa ko. Kinatok ko na din yung kwarto nina Harvey at kanila Lawrence.

Pagbalik ko sa kusina andoon na si Vanessa na nakaupo. May hawak-hawak siyang kutsara ng kanin at titig na titig ito dito.

Umupo ako sa tabi niya habang naghahain si Felix. Itlog, tocino, tuyo, at fried rice ang pagkain namin.

Hindi din nagtagal dumating na yung iba at nagsimula na kami.

" Ang kintab ng kanin ah." Sabi ng bwisit na Harvey.

" Di ako nainform na gusto niyo pala ng fried rice mantika flavor. " Sabi naman ni Natasha.

Nagpipigil ako ng galit sa mga lokong ito. Edi huwag kayo kumain!

" Okay lang naman ah. " Sabi ni Felix sabay subo sa kanin.

Umubo ito at binigyan naman siya agad ni Lawrence ng tubig.

"Gaano kadaming asin nilagay mo dito Fernandez?" Nakatinfin si Lawrence sa akin habang umiinom si Felix at

" Apat na kutsara."

Nanlaki ang mata nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Kulang pa ata. Hehe."

Bwisit! 

Tumayo ako at kinuha yung pinaglalagyan ng fried rice. Tinignan nila ako at pinabayaan ko lang sila.

Kunga ayaw niyo edi huwag kayong kumain!

Wait For My LoveWhere stories live. Discover now