I'M A GHOST

2 0 0
                                    

I'M A GHOST...

Para sainyo, totoo ba ang multo? Bakit nga ba nagpaparamdam sa atin ang mga multo? Dahil may last will sila at may kinalaman tayo don? Totoo ba yun?

Ako? Sa una, akala ko hindi totoo yun. Hanggang sa na-curious ako dito at ayun sa sobrang kahibangan ko, pinabuksan ko ang third eye ko.

Ang baliw ko no? Sino ba naman ang bobo'ng tao na papabuksan ang third-eye niya ng walang dahilan. Hmmm? Sabagay may dahilan naman ako. Kuryosidad. Oo! Sobrang curious ko sa mga multo! Gusto ko kasi'ng malaman kung nag-eexist ba talaga sila.

Ako nga pala si Jerome, ang taong gustong makakita ng multo.

Ewan ko ba? Kabaliwan ko hahaha.

Kakabukas lang pala ng third-eye ko kahapon at mag-antay lang daw ako ng ilang araw at makakakita na din daw ako ng multo.

Kinakabahan din ako, kasi sabi nila. Masasama daw ang multo. Hayshh!

Minsan nga naiisip ko na din na mag-ghost hunting pero humihina din ang loob ko. Kailangan ko muna maghanap ng kasama hehe.

___________________

Isang linggo na ang nakalipas simula ng ipabukas ko ang third-eye ko. Wala naman akong nakikita eh. Siguro pinaglololoko lang ako nung exorcism na yon! Nako! Ipapabugbog ko yon! Ang mahal pa naman ng ibinayad ko sakanya.

Hulaan niyo kung magkano.

20?

Di kaya!

100?

Hindi ren.

500.

Nope!

Kundi, 100,000 lang naman! Odiba! Ang mahal. Isinama ko na din yung allowance ko ng buong taon para lang mabayaran siya ng isang daang libo.

Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan.

Nandito nga pala ako ngayon sa SAGERIA GIRLS HIGH SCHOOL.

Nabasa ko kasi sa dyaryo na may multo daw dito at ilang babae na din ang namatay dito. Sarado na ang eskwelahan na ito dahil nga sa mga patayan na nagaganap dito.

Kinakabahan na ako ngayon dahil ako lang ang mag-isa. Oo ako lang!

Nagulat ba kayo kung pano ako nakapasok dito? Aba sympre, ako pa ba! Magaling ako eh edi, doon ako sa likod dumaan kung saan walang gwardya na nagbabantay.

Alas-otso na din ng gabi at sobrang tahimik sa eskwelahan na ito.

Tanging naririnig ko lang ay ang mga yapak ko.

Nakakarindi ang katahimikan.

Naglakad na ako at naglibot libot. Umakyat na ako sa hagdan dito. Napakadilim. Mabuti na lang may dala akong flashlight.

Nadaanan ko na ang mga room. Pero wala naman akong nakikitang multo. Siguro nga hindi pa tuluyang bukas ang third eye ko. Kainis naman oh!

Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa mapahinto ako sa computer room.

Pumasok ako dito at nagtago sa gilid. May nararamadaman kasi ako eh. Sobrang lamig dito. Giniginaw ako. Sumilip ako ng dahan-dahan.

OH MY GOD!

OO! SABIHAN NIYO NA AKONG BAKLA. PERO LALAKI AKO! SADYANG NAKAKATAKOT LANG TALAGA!

M-MAY MULTOOOOOOOOO~!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now