LOVE LETTER

2 0 0
                                    

LOVE LETTER...

"Ariel! Nakitaaa mo ba yung pulang sobre dito?" Tanong ko sa kaibigan ko. Kanina ko pa hinahanap yun pero wala talaga. Kinakabahan na tuloy ako.


"May nalaglag kanina dyan, tapos winalis na nila. Tignan mo nalang sa trash can." Seryosong saad naman nito at tumingin na sa binabasa niyang libro. Sungit talaga nito kahit kailan.


Pumunta naman ako sa basurahan at sobrang tuwa ko dahil nandoon ang pulang sobre.


"Ariel! Thank you, nakita ko na. You saved my life!!" Sabay yakap sakanya. Uwu natutuwa talaga dapat talaga hindi ko na 'to ginawa eh baka eto pa ang makapagpahamak sakin.


"Ano ba kasi yan?" Tanong ni Ariel.


"Wag ka maingay ah! Promise?" Sabay pakita ko sakanya ng hinliliit ko. Hinawakan niya naman 'yon gamit ang hinliliit niya.


"Pinky promise!"


"Love letter ko yan kay Josh." Mahinang bulong ko sakanya at tumingin-tingin sa paligid dahil baka mamaya ay makarinig.


"Omg! Srsly? Si Josh?" Gulat na gulat na sabi niya.


"Oo nga eh kasi nam---" naputol ang ibubulong ko dahil may lalaking sumigaw sa harap ng classroom namin.


"Guyssss! May nakitaaaa akong love letter sa basurahan oh!" Malakas na sigaw ni Josh. Nagtaka naman ako kamukha siya ng letter na nakita at ginawa ko.


"Ano ba yan Josh! Nangunguha ka ng love letter ng iba! Basurero kana ba ngayon?" Malakas na sigaw din ng kaibigan niya na si Adrian.


"Baliw! Hindi ko naman 'to kukunin kung hindi sa akin eh. Nakaindicate kasi yung pangalan ko dito sa letter kaya kinuha ko."


Oh no! Ayun yung letter ko. No. Josh, wag na wag mo bubuksan yan. Mapapatay kita huhu.


"Basahin na! Basahin na!" Sigaw ng halos lahat ng kaklase ko pero napatigil sila ng sumigaw si Ms. President.


"Pwede ba tumahimik kayo? Ikaw Josh, letter yan para sayo, para sayo so it means ikaw lang ang may karapatan na magbasa niyan." Uwu! Thank you Ms. President! True naman kasi dapat siya lang ang magbasa niyan!


"Ayos lang yan, Josh! Wala naman dito ang nagsulat niyan eh! Bilisan mo na!" Sigaw naman ng epal na classmate namin na si Aaron. Langya. Napatango naman si Josh sa sinabi ni Aaron at akmang bubuksan niya ito pero...


"TAMA NA NGA YAN JOSH! DI MO BA ALAM YUNG SALITANG PRIVACY? PWEDE MO NAMAN BASAHIN YAN SA BAHAY NIYO. KAILANGAN PA BA IPANGALANDAKAN NA MAY NAPULOT KANG LOVE LETTER PARA SAYO!" Sigaw ko nang malakas sakanya na nagpatahimik sa klase. Huhu, nahalata na ba niya na ako ang nagbigay? Wag naman sana. Si Josh lang naman kasi ang ultimate na kaaway ko dito. Nakakainis!0


"Ayy may epal! Fyi Ms. Panget! Wala kang paki kung basahin ko 'to dito. Panget panget tapos epal pa nako!" Sabi ni Josh na may halong pangaasar. Nakakainis talagaaa! Bwiset kang Josh ka!


"Alam mo naman kasi na private yan tapos ipagkakalat mo pa! Napaka- kapal talaga ng mukha mo!" Sabay titig ko sakanya ng masama.


"Sino kaya mas makapal ang mukha sa'tin ha? Di naman ikaw kausap ko pero bigla kang sasabat dyan!"


"Masyado ka kasing pasikat!"


"Ikaw naman epal!"


"Pasikat ka!"


"Epal ka! Siguro sayo galing 'to noh? Kaya ka nagkakaganyan?" Gosh. Nahalata na ba niya? Huhu help me po!


"Asyumero naman 'to! Pasikat ka lang eh"


"Crush mo ako noh!"


"Pasikat!"


"Nakooo crush mo talaga ako!"


"Bwiset kaaaaaaaaaaa!!!" Sabay irap ko sakanya.


"Pre tama na yan! Basahin mo nalang!" sabat naman nito ni Adrian. Adrian!!! Makukutusan na talaga kita! Katapusan ko na ba? Binuksan na ni Josh ang sobre at nagsimula nang basahin ng pagkalakas-lakas. Huhu! Eto na ba? Eto na ba ang kamatayan ko? De charot lang! Mabait po akong tae--- este tao kaya di pa ako madededs.


"Dear Josh, Alam mo ba na nakakainis ka? Sa sobrang nakakainis mo ang sarap mo nang ipatapon sa pacific ocean. Alam mo din ba na napakayabang mo? At sa sobrang kayabangan at kahanginan mo pati Eiffel tower natangay mo! Alam mo din ba na ang pangit mo? Naiinis ako sa sobrang pasikat mo. Masyado ka din sipsip sa mga teacher at close mo silang lahat. Napakaepal mo din at sabat ng sabat pag di ka kausap. Kulang nalang pati langgam kausapin mo. Nakakabadtrip ka dahil palagi mo akong pinagtitripan! Inis na inis na ako sayo----- teka teka! Eh puro panlalait lang sinasabi sakin nito ah! Ayoko na nga niyan!" Sabay hagis ni Josh ng letter at nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Haysh buti naman. Akma ko nang pupulutin pero naunahan ako ni Adrian! Piste ka Adrian! Namumuro kana ah!


"Teka di pa tapos!" sigaw ni Adrian


"Ayoko na niyan!" Inis na sabi ni Josh na halatang nabadtrip.


"Inis na inis na ako sayo to the point na naiinis na din ako sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagugustuhan na kita. Ay mali, mahal na ata kita. Hindi ko alam pero nasanay na ako sa pangaasar mo at minsan natutuwa ako don. Despite of your bad attitude towards me I learned to love you.  I wrote this letter because I can't hide my feelings for you anymore. I hope I have a chance to say this in person but I don't have a courage to tell you this. Habang patagal kasi ng patagal lalo ako nalulunod sayo, lalo akong naiinis sa sarili ko at lalo akong nawawalan ng pag-asa dahil wala naman kasiguraduhan na sasaluhin mo ako. Yun lang, Josh. Love, Misha Jamaica Alejandro." Pagkatapos basahin ni Adrian ang sulat. Itinupi niya ito ng maayos at ibinalik sa sobre.


Sobrang tahimik ng classroom namin at halata sakanila ang pagkagulat. Nakatingin silang lahat sakin at gusto ko nalang magpalamon sa lupa ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako palabas ng classroom pero hindi pa ako nakakalayo dahil may humawak sa mga braso ko. Humarap ako dito.


Si Josh.


"Ano na naman ba?!" sigaw ko sakanya. "Oo na, mahal na kita! Kaso mali eh! Minahal ko kasi yung taong ang tingin sa akin ay kaaway lang. Tama na, Josh. Ayoko na." Magsasalita na dapat si Josh pero biglang lumitaw sa gilid namin si Adrian at nakasunod sakanya ang mga kaklase namin


"Misha, naiwan mo." Sabay abot sa akin nung sobre na hawak ko kanina. Hindi pala iyon ang ginawa ko. Nagkamali ako.


"Hindi sa'kin yan. Tapon mo nalang kung gusto mo." seryoso kong sabi sakanya.


"Pero pangalan mo ang nakaindicate dito. Misha Jamaica Alejandro." Saad naman ni Adrian at binasa niya ang nakasulat sa labas ng sobre. Nagulat ako don? Pangalan ko? Pa'no mangyayari yon? Sino naman ang magbibigay non?


"S-sa akin galing yan!" Utal na sabi ni Josh at bigla siyang namula. Oh gosh! Ang cute mo Josh.


Dahil sa sinabi ni Josh, binasa din ni Adrian ang letter ng pagkalakas-lakas na nagpatahimik kay Josh. Kilig na kilig ang mga kaklase namin at puro sila pang-aasar. Habang binabasa ni Adrian ay may binulong ako kay Josh.


"Crush mo pala ako dati pa ah!" Sabay sundot ko sa tagiliran niya na nagpagulat sakanya. Namula naman ang pisngi niya.


"Oo, tapos ngayon mahal na kita." seryosong saad niya na nagpagulat sakin. Ohmygod! Ba't ang init dito hah?


"T-talaga ba?"


"Mahal na mahal kita, Misha. Wala din akong lakas ng loob na umamin sayo dahil ang alam ko lang ay inis na inis ka sa'kin. Misha, Can I court you?"




Oh my! Gusto mo ako pa manligaw sayo eh! Dito na ba magsisimula ang love story namin? I love you din, Josh.



~~~~THE END~~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now