CHAPTER I

11 1 0
                                    

"Ang galing mo naman!", "Saan mo natutunan iyan?"  sabi ng karamihan.

Ang sabi ko naman, " Hindi naman po", "Pinag-aralan ko po".


Isa ako sa mga taong hinahangaan ng mga taong nakapaligid sa akin. Kilala ako bilang isang magaling na mang-aawit at manunulat. Alam kong mas maraming mas magaling kaysa sa akin pero hindi ako nagpaapekto hanggang sa dumating ang araw na.....



Tinuturuan akong mag bike ni daddy sa subdivision namin, alas tres ng hapon. First time kong mag bike ng dalawa lang ang gulong. Hindi ko naman ineexpect na kakayanin ko, nung binitawan na ni daddy yung upuan ng bike ko, diretso pa naman ako; pero natumba rin ako sa plywood.

Sa pagkatumba kong 'yun, parang wala palang sa akin. Parang wala pang ibig sabihin. Parang wala pa akong matututunan.

Ah, shocks. Napanaginipan ko nanaman 'yun. Palagi nalang eh.

Bumangon ako sa higaan para maligo, chineck ko muna ang phone ko para tignan yung mga notifications ko. Pero hayst, wala namang good morning eh, wala naman akong jowa.

Tumayo na ako para maligo, habang naliligo ako, may nag flashback nanaman na memory ko nung bata ako...

Nag-audition ako sa ABS-CBN noon pero late ako sa mismong audition kaya't hindi ko na nakanta nang maayos yung audition piece ko.....

Natapos na akong maligo at bumaba na para kumain ng umagahan. 6:30 na rin at malapit na akong ma-late kaya binilisan ko nang kumain.

Dahil bago akong lipat sa school, wala pa akong masyadong kilala. Isa akong first year high school student. Mahaba ang buhok ko, kayumanggi ang balat at medyo bilog ang aking mukha. Naka salamin din ako kaya ang tawag sa akin noong elementary ako ay "nerd". Wala naman akong pake sa mga sinasabi ng iba pero kahit papaano, masakit.

Nang makarating ako sa lobby, nakita ko yung kaibigan ko na si Agata. 

Maliit at medyo mataba si Agata.Mahaba rin ang buhok at maputi ang balat.

"Agata!", sigaw ko.

"Uy, Clodovea!excited ka na ba?", sabi niya.

"Syempre naman", sabi ko.

Sabay na kaming nag lakad sa hallway para hanapin ang classroom namin. Nang makita na namin yung classroom namin, sobrang saya naming dalawa kasi nasa first section kami. Grumaduate kami na with honors noong elem, pero magkaiba kami ng section.

Pagkapasok namin sa classroom, nakakapanibago dahil wala kaming kakilala.

Commencement of her EntityWhere stories live. Discover now