CHAPTER II

8 1 0
                                    

"Good morning, class" sabi ng teacher namin. " Ako si Mr. Alejandro Santiago, ang inyong guro sa taong ito.

Nagpapakilala na ang lahat, ako na ang susunod. fuuuckkkkk, nakakakaba.

Pinatayo na ako para magpakilala.

"Clodovea Elise Graciellia Garcia Rodriguez, 12 years old. I live in Barangay White Plains Village, Quezon City. But you can call me by my second name." pag-umpisa ko.

"Ano ang mga hobbies and talents mo, Ms.Rodriguez?" tanong ni Sir Santiago.

"Uhm, mahilig po akong kumanta, sumayaw at magsulat." sabi ko.

"Pwede mo ba kaming sampolan ng kanta?", sabi ni Sir.

Nag-isip muna ako ng kakantahin ko, baka mapahiya ako eh. Ang naisip ko ay Masterpice by Jessie J. Nag simula na akong kumanta, syempre nakakahiya kaya medyo hininaan ko muna boses ko, pero nung dumating na sa mataas na part, nilakasan ko na. Baka pumiyok eh. Habang kumakanta ako, nag sasalita yung mga kaklase ko.

"Grabe naman 'yan", sabi ni Diana.

"Ang galing niya!", tugon naman ni Elena.

"Sana all", sabi naman ni Savannah.

Pagkatapos kong kumanta, nagpalakpakan sila at mas lalo akong nahiya. Pero sa likod ng hiya ko, masaya rin naman kasi may mga taong nakakaappreciate ng talent ko.

"Grabe! Ang galing mo naman, Ms. Rodriguez." Sabi ni Sir Santiago.

Nagpatuloy na ang pag papakilala ng mga kaklase ko, at pagkatapos, nagkaroon lang ng konting rules and regulations sa classroom at ipinaliwanag na rin ang mga kailangan naming malaman.

*Criiiingggg.

Tumunog na ang bell, recess na!


Sabay kami ni Agata na pumunta sa canteen, habang papunta kami, may grupo ng mga lalaki kaming nadaanan.

"Ang ganda mo naman", sabi ni Mateo.

"Ano pangalan mo, ading?" Tanong ni Diego.

"Hoy, respeto naman!" Pagsita ni Aaron.

Mag sasalita pa sana yung dalawa nilang kasama pero pinigilan sila ni Aaron.


"Ano 'yun? HAHAHHHA", sabi ko kay Agata.

"Mga bastos na ewan, hmp" sabi ni Agata.

"Uy pero may pogi doon ah", dagdag niya.

"Sino dun? AHAHAHA", tanong ko.

"Yung unang nag salita....Mateo ba pangalan nun?....Ay oo! Mateo nga."

"Hay nako, pabayaan mo na." Sabi ko. "Dalian mo, nagugutom na ako.


Pagdating namin sa canteen, ang daming tao. Medyo may amoy pa na hindi mo maintindihan.

"Ano ba naman 'yan! Ang baho naman dito, Agata."

"Oo nga, tara na nga, doon nalang tayo sa round tables. May dala naman akong pagkain, share nalang tayo"

"Sigee, bet ko 'yan."

Nakaupo na kami sa round tables, nang may lumapit sa likod ko. Hinawakan niya yung balikat ko at bumulong sa tenga ko...

"Mateo nga pala"

Nagulat ako kaya nasiko ko yung tiyan niya.

"Pre, ayos ka lang?" Pag-aalalang tanong ni Diego.

"Ayan kasi, kung sino-sino nanamang kinakausap mo." Sumbat naman ni Aaron.

"Tulungan niyo nalang kasi." Sigaw ni Miguel

Nang makatayo na si Mateo, napalingon ako sa kanya.

"Ano po ba kasing ginagawa mo? Bakit kailangan mo pa pong bumulong? Pwede naman pong mag salita ka ng maayos di'ba? Nakakagulat ka naman po." Naiinis kong sabi.

"Sorry, akala ko kasi magugustuhan mo kung bubulong lang ako."

"Sorry din po, wag po kasing ganun, parang may multong bumulong sa tenga ko eh.

"Pasensya ka na, ading, wag mo nalang pansinin si Mateo." Sabi ni Aaron.

"Ayos lang po."

"Aaron nga pala." Pag papakilala niya.

"Elise po." Tugon ko.

Nagkamayan kami at ngumiti siya sa akin, ngumiti rin ako.

_______________
☾︎





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Commencement of her EntityWhere stories live. Discover now