Kabanata 2: Kailan

1.6K 62 10
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang init naman." sabi ni Marie, nasa bayan siya noon at kasagsagan ng init ng araw kailangan niya magmadali para habulin si Monica na papuntang Manila ngayon.

"Ay sorry...." sabi ni Marie sa nakabunggo. Sa kakamadali sa paghabol kay Monica dahil dala niya ang mga hard copy ng nobela niya ng araw na iyon at balak sana niyang ipasa iyon kay Monica para dalhin sa Manila kaso heto at magpupulot pa siya at dagdag minuto pa iyan.

Pinulot ng lalaking nakabanggaan ang papel pero dahil naka bonnet ito, na halatang ayaw nitong mainitan hindi niya nakita ang mukha nito.

"Ay sorry, nagmamadali kasi ako. Babawi ako sayo promise. Kaso dahil hindi kita kilala isang mahigpit na yakap na lang. Sapat na siguro iyon." nakangiting sabi ni Marie

Niyakap nito ang lalaki ng mahigpit at hinalikan ito sa pisnge kahit na nga ba nakabonnet iyon.

"Iyan ha, bayad na ako sayo. Nagmamadali talaga ako." sabi ni Marie at dali-dali itong naglakad palayo sa lalaki.

......................

Love Notes Publishing House

"Ano ba yan? Hindi ko na siya naabutan?" naiinis na sabi ni Marie ng makapasok ng pinto ng opisina.

"Okay lang iyon SS, babalik din daw si Monica mamaya, may kinuha lang siya sa kabilang bayan." nakangiting sabi ni Lisa.

"Tumakbo pa naman ako sa kainitan ng araw." hinihingal na sabi ni Marie

"Huwag kang mag-alala SS dahil may nagbigay na naman sayo ng bulaklak. SS may admirer ka." kinikilig na sabi ni Lisa.

"Kailangan ba kiligin ako?" nangingiting sabi ni Marie, ng makita ang isang dosenang red roses sa mesa niya at isang box na chocolate with nuts.

"SS, mukhang napapadalas ang bulaklak mo. Baka wala ng balikan si Doc Red niyan." kinikilig na sabi ni Lisa.

"Ano ka ba? Sa readers lang galing iyan." nakangiting sabi ni Marie, madalas na siyang makatanggap ng mga regalo mula sa mga readers niya at minsan sa admirers pero kakaiba ang isang ito. Halos isang linggo ng nagpapadala ng isang dosenang bulaklak at may nakalagay lang na see you soon.

Napatingin si Marie kay Lisa, dalawang taon na niya ito kasama mula ng magbukas ng branch ng Love Notes Publishing House sa bayan. Kung tutuusin hindi nakatira si Marie sa bayan doon lamang siya pumapasok . Ang bahay niya ay nasa liblib na lugar kung saan sumasakay pa siya ng bangka at naglalakad. Iyon ang address na ibinigay sa kanya ni Ella na pagtataguan pero dahil walang mapagkakitaan sa lugar na iyon kaya maaga siyang gumigising para dumayo sa bayan.

"SS, kung araw-araw na ganyan malamang langgamin ka na dito. Pero curious ako kung sino talaga nagbibigay niyan. Kasi hindi naman sa pangmamaliit wala naman makaka-afford ng ganyan dito para ibigay lang araw-araw sayo. Pangkain na ang perang gagastusin sa halaga ng mga iyan." natatawang sabi ni Lisa, kilala na niya si Marie at marami din ang umaaligid sa dalaga. Mailap ito kapag tinatanong ang personal na buhay. SS ang gusto ni Marie na itawag niya dito.

Collateral Heart- Dennis and Marie (COMPLETED) NJOL#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon