Kabanata 1 : Sa Kanya

2.1K 52 7
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

Labindalawang taon matapos ang insidente sa La Secretos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Labindalawang taon matapos ang insidente sa La Secretos.....

"Sigurado ka ba dito?" tanong ni Dennis sa private agent na nakausap, nakakailang palit na siya ng taong hahanap kay Marie.

"Yes sir. May impormante po kami, na nagsabi na ang writer na iyan at si Marie Suarez ay iisa." sabi ni Glenn ang imbestigador na kinuha niya para maghanap sa asawa niya.

Ang huling takas ni Marie sa kanya ay noong kasal ng kaibigang si Ramon kay Tiffany, dalawang taon na ang nakaraan at mas lalo siyang nahirapan hanapin ito.

Hinalughog na niya ang bahay ng kaibigan ni Marie na si Ella pero wala siya na pala, alam niyang si Ella lang ang nakakaalam ng ng kinaroroonan ng asawa tulad ng ginawa nitong pagtatago dati sa isa nitong kaibigan na si Tiffany.

"Caught in the Act by Slippery Shadow" napangisi na sabi ni Dennis ng mabasa ang librong ibinigay ni Glenn.

Hindi na niya akalain, na mauuwi sa pagsusulat ang hilig sa pagbabasa ni Marie, naalala niya pa noong high school sila na madalas ito magbasa ng porn.

Bente kuwatro na si Marie ngayon at bente nueve naman ang edad ni Dennis, matagal na panahon din ang lumipas at parang kahapon lang nangyari na isahan niya itong maging fiancee niya, kapalit ng kaibigan nitong si Tiffany.

Flashback ng araw na iyon.....

Kaibigan ka ba ni Tiffany?" seryosong tanong ni Dennis.

"Oo naman." may pagmamalaking sabi ni Marie.

"Tutulungan mo ba siya pag may problema siya?" nakangising tanong ni Dennis.

"Siyempre. Ayokong namumublema ang mga kaibigan ko. Ako si masiyahing, si Marie at walang sinuman sa kaibigan ko ang magiging malungkot." nakangiting sabi nito at kinuha ang mani nito na nasa bulsa ng palda at sinumulan kainin.

"Akin na iyong kamay mo." seryosong sabi ni Dennis.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Marie.

"Para malaman ko, kung totoo iyang sinasabi mo." nakangiting sabi ni Dennis

Inilahad ni Marie ang kamay kay Dennis.

"Pumikit ka muna. Para sure na tutulungan mo nga ang mga kaibigan mo" sabi ni Dennis.

Pagkapikit ng dose anyos na babae isinuot ni Dennis ang singsing sa kamay ni Marie.

Collateral Heart- Dennis and Marie (COMPLETED) NJOL#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon