Kabanata 3: Maghihintay Ako

1.3K 54 13
                                    

(Just play the theme song for this chapter para dagdag kilig 😍😁)

Pampang

"Haist uulan tapos aaraw, magkakasakit pa yata ako." sabi ni Marie pasakay pa lang siya ng bangka ng mga oras na iyon, na late siya ng bangon dahil mukhang tatrangkasuhin siya dahil sa ulan kagabi samahan pa na mainit na naman ang sikat ng araw ngayon.

"Panahon para kang pag-ibig minsan nanlalamig minsan naman mainit." bulong ni Marie, naka jacket tuloy siya sa kainitan ng araw, dahil pakiramdam niya nanlalamig siya kahit mainit.

"Manong matagal pa ba tayo maghihintay mukhang uugatin na ako dito sa bangka niyo, kulang na lang po lagyan ko ng lupa at pataba itong bangka para siguradong tutubo ang mga ugat ko." birong sabi ni Marie sa bangkero.

"Iha, mahirap maghanap ng pasahero ngayon kasi hindi na rush hour."sabi ng bangkero.

"Haist, late na ako. Ituloy-tuloy na natin," sabi ni Marie sa sarili, hindi naman siya makatawag sa cellphone dahil madalang magkasignal sa pampang.

"Haisst kung hindi na lang kaya ako pumasok, masama talaga pakiramdam ko." sabi ni Marie sa sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala talagang sumasakay kaya napagpasiyahan niyang umuwi na lang at magpahinga sa bahay.

"Ay manong, hindi na ako sasakay itutulog ko na lang ito kaysa tubuan ako ng ugat sa bangka mo," birong sabi ni Marie na ikinatawa lang ng bangkero.

Umalis ito ng bangka at nagsimulang maglakad pauwi at ng makarating ng bahay....

"Langya, sayang ang damit ko. Makatulog na nga lang mamaya na lang ako tatawag kay Lisa tutal naman naka text na ako siguro naman mamaya matatanggap niya rin iyon." sabi ni Marie sa sarili ng makapasok sa bahay at dumeretso ng kuwarto at natulog.

......................

Love Notes Publishing House

"Nasaan si SS?" tanong ni Monica kay Lisa ng umagang iyon.

"Ms. Monica hindi pa po dumarating." sabi ni Lisa, nagulat ito ng maagang hanapin ng boss si Marie.

"Nag message ba siya sayo?" tanong muli ni Monica.

"Hindi po." sagot ni Lisa tiningnan nito ang kasamang lalaki ni Monica. Matangkad, guwapo, at halatang mayaman ang lalaki. Naisip niya siguro nobyo ni Monica ang binata.

"Tawagan mo nga?" sabi ni Monica at tumingin ito sa lalaking kasama.

"Miss Monica, wala po yata siyang signal." sabi ni Lisa ng naka-ilang beses kontakin si Marie.

Tiningnan muli ni Lisa ang lalaking kasama ni Monica, tahimik lang itong nakaupo at sa mesa talaga ni Marie umupo ang binata., Nilalaro nito sa kamay ang garapon ni Marie na may tuyong petals nakita pa niya ang pagngiti ng lalaki habang tila binabasa ang nakasulat doon.

"Humanap ka ng paraan para matawagan siya, sabihin mo kailangan ko iyong report niya ngayon. Biyernes pa lang ngayon at baka akala niya Sabado na." mainit na ulo na sabi ni Monica.

"Sige Ms. Monica lalabas lang ako para malinaw iyong signal." sabi ni Lisa at nagpaalam itong lumabas muna, nakuha pa nitong sulyapan ang lalaki na nasa upuan ni Marie at waring pinagmamasdan ang gamit ng kaibigan sa mesa nito.

"Haist SS, asan ka na ba? Mainit ang ulo ni Monica." sabi ni Lisa sa sarili bago tuluyang iwan ang dalawa sa loob.

................

Collateral Heart- Dennis and Marie (COMPLETED) NJOL#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon