SISA
Tumalon ako sa tuwa habang ako'y nakamasid sa bintana nang marinig ang kampana mula sa simbahan ng San Diego, napangiti ako sa kawalan at naramdaman ang naghaharumentado kong puso nang may mapagtanto.
''Magsisimula na ang oras na ibinigay saakin! Malapit na ang tamang panahon!! Siguradong mamaya-maya ay si Paulita mahihimatay sa harap ng altar.. at si Isaganing naghihintay sa tagpuan nila ng kaniyang mahal..sa tabi ng Ilog ng San Nicolas' aking singhal
Napatalon ako sa gulat nang maramdaman ang katawan ni Pedro saaking gilid. Narito na pala ang hunghang kong asawa.
''Bakit ka bumubulong diyan ha, baliw!'' sigaw niya saakin at pilit na iniharap sakaniya.'' nakaharap ko ang namumula niyang mga mata at umiyak.
''Ano ba, Pedro! Nasasaktan ako!! Bitawan mo 'ko! Kailangan ko mapuntahan si Isagani bago mahuli ang lahat!'' ginamit ko na yata ang lahat ng aking lakas sa pakikipagsalaparan dito kay Pedro na aking sugarol na asawa.
Kung alam ko lang ganito ang pang aabuso niya saakin at hihilahin ako pababa edi sana simula pa lang noong una ay noon pa ko nakawala sa balahurang lalaki na ito.
''Nahihibang ka na nga talaga, Sisa! Gusto mo ba ipahamak ang sarili mo ha?!'' umimpit ako sa sakit sa sobrang higpit na hawak niya sa aking magkabilang siko ''Pedro..'' aking impit sa sobrang hapdi dahil sa sugat ko roon noong huling rambol naming dalawa.
''N-nanay!'' napalingon ako sa boses galing sa pintuan at nakita ang aking anak na si Crispin.. ang kaniyang mga mata na nagbabadyang mga luha na tutulo na.
Ako'y nabuhayan nang may maalala..
Binalewala ko ang higpit na hawak ni Pedro at sinubukang kausapin si Crispin. ''Crispin..anak! Nasaan ang iyong kuya? Si.. Basilio! Nasaan?! Nagtagumpay ba siya sakaniyang misyon ha? Anak---'' ngunit ako'y napatigil sa pagsasalita nang sinampal ako ni Pedro at napasalampak sa sahig.
''Seryoso ka ba ha, Sisa?! Dinamay mo pa sa kabaliwan mo talaga ang mga anak natin! Pinapagana mo pa ba ang iyong utak!! o baka naalog na?!'' sambit ng aking asawa at sinundot ang aking utak.
Napayuko ako't pumikit ng mariin nang malasahan kong may dugong lumabas saaking bibig. Ngunit isang yakap ang aking naramdaman.. humahagulgol saaking bisig..
''Magsama kayong mga tanga!'' huling salita ni Pedro bago umalis saaming munting tahanan.
Makalipas ng sampung segundo.. ako'y tumayo sa aking pagkakasalampak sa sahig. Napahiwalay narin saakin si Crispin kaya't siya ay nakatingala na saakin.
''Nanay kukuha lang ako tubig sa kusina..saglit lang po at maupo ka muna'' bago pa makaalis si Crispin ay pinigilan ko siya sa paghakbang. ''Nanay?''
''Ang kuya mo ba, naihatid ang mensahe ko para kay Isagani?'' tumango ito saakin ''Kung ganoon.. nasaan na ang iyong kuya?'' bago pa ito makasagot ay may dumating mula sa pintuan. Siya'y hinihingal parang malayo ang kaniyang itinakbo.
''Kuya!''
''Basilio!''
Yakap ni Basilio ang aking nadama ngunit wala nang oras! Isang oras na naghihintay si Isagani sa kanilang tagpuan ni Paulita! At sigurado akong nabasa na niya ang aking mensahe at marahil nagtataka na 'yon!
Kinalas ko ang yakap ng aking panganay at tinapatan ang kaniyang tangkad. ''Basilio..anak maraming salamat.'' at siya'y niyakap ''Halika dito, Crispin..'' anyaya ko sa aking bunso ''Kayong dalawa..dapat lagi niyong gabay ang isa't isa ha? Aalis lang ako saglit aking mga anak..'' hinalikan ko silang dalawa sa kanilang noo bago tumakbo palayo sakanila.
Malapit na ako sa tagpuan ng dalawang dapat sana magkikita ngayon ngunit hindi nangyari dahil mali ang naging desisyon ng dalawa.
Naaninag ko ang bulto ni Isagani na nakadekwatrong upo habang tanaw ang umaagos na Ilog ng San Nicolas. Bumaba ang tingin ko sakaniyang gilid..isang pulang rosas.
Masyado yata siyang okupado dahil hindi niya ako napansin na nakalapit na ko sakaniyang puwesto. ''Ang ganda ng Ilog ng San Nicolas diba, Ginoong Isagani?''
Walang akong natanggap na tugon kayat hinawakan ko siya sa kaniyang balikat.
Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan at tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. ''S..sisa?'' tugon niyang nauutal at bumaling sa paligid. ''Akala ko si Paulita na..'' bulong niya pero narinig ko.
Bumuntong hininga siya kaya kalmado na siya ngayon at tumikhim.
''Ipagpaumanhin mo ako saaking naging reaksyon kanina dahil hindi kita napansin, Sisa.. ano nga pala ang iyong sadya?''
''Ako rin naman Ginoong Isagani.. paumanhin saaking naging aksyon ngunit wala na tayong oras.. at ikaw ang sadya ko.''
Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay.
''Anong wala na tayong oras? Hinihintay ko ang aking mahal na si Paulita..anong ibig mong sabihin? At..ako? Bakit? Kanina.. nandirito rin ang anak mong si Basilio may binigay saaking kakaibang papel..parang hindi galing rito.''
Humakbang ako palapit sakaniya ngunit siya'y humakbang din paatras. Kung aatras pa siya ng tatlong hakbang ay mahuhulog si Isagani sa Ilog ng San Nicolas.
''Paumanhin at ika'y aking uutusan, Ginoo. Basahin mo ang nakasulat sa papel na 'yon, Isagani.'' utos ko sakaniya.
Kahit nagtataka..ay sinunod niya ang aking sinabi.
''Basahin mo ng malakas, Ginoong Isagani.'' tumango ito at binasa.
''Sa pagdapit ng tamang panahon.
Sa gitna ng alas tres at alas kwatro ng hapon.
Ang kalawakan ay maghihinalo at mag-iiba ng direksyon.
Para sa pangako na napako mula sa unang henerasyon.
Ay muling mauulit para mabigyan pa ng huling pagkakataon.
Iyon ang bukod tangi na hiling ng dalawang pusong
pinaghiwalay ng kahapon.''
P & I
Habang binabasa ng Ginoo ang kanilang pangako ni Paulita ay nagsimula na maghinalo ang kalawakan..mula sa pula, kahel, dilaw, berde, asul, at lila.
Hindi manlang napansin ni Isagani ang paghihinalo ng kalawakan. Pero pagkatapos niyang binasa ang nakasulat sa papel ay napatigil siya.
''Bakit..parang..pamilyar ang pagkakasulat--'' hindi niya natuloy ang sasabihin dahil pinutol ko siya
''Ipagpaumanhin mo ako ulit Ginoo saaking gagawin dahil ngayon na ang tamang panahon.'' nangunot ang kaniyang noo..nang gulat niya akong tinignan dahil tinulak ko siya ''Magsisimula na mag-iba ng direksyon, Isagani! Tuparin niyo ang huli niyong pagkakataon!'' sigaw ko at humalakhak hanggang sa tuluyan na siyang nahulog sa Ilog ng San Nicolas at ako'y sumama narin sakaniya.
Huwag ka mag-alala, Ginoo. Sasamahan lang kita saglit dahil kalayuan marami ang tutulong sayo.