First Meeting

66 4 0
                                    

Chapter 1

Rein’s POV

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room namin, as usual pinagtitinginan na naman ako, pinag chichismisan na naman nila ang ‘mangkukulam’.

Ako nga pala si Rogue Eli Isabel Natasha Smith pero  Rein yung tawag nila sa akin. I’m 16, a fourth year student in Cello High, transferee lang ako dito eh pero kung pagchismisan ng mga tao sa campus….SAGAD!

Dahil siguro sa weird ako, inaamin ko naman eh na weird ako, pero masama bang kausapin yung mga halaman? Sila lang naman minsan yung matinong kausap eh…. Lagi akong binubully dito sa campus, pero sa nay na ako kahit na transferee lang, di ko talaga alam kung anong problema nila sa akin eh, lagi nila akong pinapagkamalang ‘Mangkukulam’ dahil siguro sa pinanggalingan ko, at kung anu ano pa mang chismis na hindi naman totoo.

Bigla akong napatigil nang may tumawag sa pangalan ko.

“Rein! Rein!” napangiti nalang ako dahil kilala ko kung kaninong boses yun, lumingon ako at tama nga ako :D

si Isaac nga! Nakangiti siya habang kumakaway sa akin.

“Oy Isaac” Sabi ko habang nakangiti ng pilit.

Lumapit siya at pinisil ang dalawa kong pisngi “Ikaw talaga, alam ko yang ngiting yan Rein…wag mo na nga pansinin yang mga yan” sabi niya

“Pero---“ pinutol niya ang sasabihin ko at sinabing “shhhh….Alam ko yang sasabihin mo, tama na ngang pag pretend Rein. Alam kong hindi ka okay, alam ko dahil nararamdaman ko din yan. Pero------“ Pinutol ko rin ang sinabi niya at nilagay ang kamay ko sa bibig niya “Opo opo…Alam ko nap o yan Mr. Scott. Sanay na po ako” sabi ko sa kanya at ngumiti ako.

Ginulo nya ang buhok ko at inakbayan ako “ Hayyy…Tara na nga pasok na tayo sa room baka malate pa tayo Ms. Smith”

Pumasok na nga kame at umupo sa mga upuan namin.

**

Nang mag ring na ang bell “Okay class dismissed” sabi ni Ms. Castro at lumabas na siya ng room.

“Rein pupunta kaba ng cafeteria?” Tanong sa akin ni Isaac.

“Hindi eh, pupunta kasi ako sa----“ pinutol niya ang sinabi ko at sabi niya “Fine. Fine, alam ko naman kung saan ka pupunta eh, sige mamaya nalang tayo kumain ah? Sabay tayo ah? Please????” at nag puppy dog eyes pa siya.

Nagbuntong hininga naman ako “Sige na nga, anong oras ba?” tanong ko.

“Yey! Thanks Rein, alam mo naman na ikaw lang yung kaibigan ko kaya ikaw lang yung niyayaya kong sumabay mag lunch eh…Uhhmm mga 12pm ah? Kita tayo sa cafeteria.” At ngumiti siya.

Pinalo ko siya ng mahina sa balikat “Suuuus…. Alam ko naman yun. Sige kita nalang tayo” Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko. “Oh ano, mauuuna na ako ha pupuntahan ko pa kasi yung tambayan ko.” At umalis na ako.

“Sige ingat ka Rein.” Sigaw niya at kumaway ako ng nakatalikod.

**

Naglalakad ako papunta sa likod ng building, doon ako madalas tumambay. Kung saan tahimik at wala masyadong tao. At higit sa lahat…..madaming halaman at kung anu-ano pa mang bulaklak dun, haaay…nakakarelax talaga dun. Napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko yung isang babae

“Alis na nga tayo dito guys, ayaw kong makulam ako ng babaeng yan. Nakakatakot talaga siya.” Student 1.

“Oo nga, naku tara na.” Student 2. At umalis na nga sila sa pinagtatambayan nila.

Bago pa man ako makapunta sa likod ng building madadaanan ko talaga ang basketball court. -_- Nakakainis naman ang ingay ng mga tao dito, puro sigawan ang naririnig ko.

Naglalakad na ako ng mabilis kasi malapit na ako sa likod ng building nang

*Paaaaaaaaaaaaaak* 

Ewan ko ba, basta ang naalala ko nalang, nakahiga na ako sa damuhan at sobrang nahihilo kaya nakapikit ngayon ang mata ko.

Pag dilat ko ng mata, laking gulat ko. Isang mukha ng gwapong nilalang. *^* Ang gwapo, parang nagshashine sya, napangiti nalang ako. Bigla siyang tumayo, akala ko talaga tutulungan niya ako. A K A L A ko lang pala yun.

A/N:

This story is dedicated to our friends (Hannah,Effie,Maricris,Glenny,Juliam,Ann,Pj,Jay Ann, Maze and Joyjoy)

THANKS FOR READING

VOTE

COMMENT

BE A FAN

:] 

The Weirdest Girl I've Ever MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon