Katangahan moments

84 6 8
                                    

Chapter 2

Rein's POV

“Hoy! Mr.Na may hawak na bola, SORRY HA? Hindi masakit! Ang sarap palang matamaan ng bola.” Sigaw ko, pero parang wala lang syang narinig sa sobrang ingay dito.

Tssssss. Gwapo sana, kaso MAYABANG! WALANG MODO! SUPLADO! HINDI PA MARUNONG MAG SORRY! Sh*t yung lalakeng yun.

“Makaalis na nga dito.” Bulong ko sa sarili ko.

**

Pagdating ko sa aking tambayan, umupo ako sa tabi ng puno, dun ako nagpahinga at nagisip isip ng mga bagay.

*Flash back*

“Pakiusap Nana, sabihin nyong nagsisinungaling kayo. Ayaw kong sumama sa kanila, diba nagbibiro lang kayo? Diba hindi naman yun totoo?” Humahagulgol ako sa iyak habang nagmamakaawa sa lola ko.

“Totoo lahat yun apo ko, masakit mang isipin pero hindi talaga kita tunay na apo. Tinuring kita na parang tunay kong apo, minahal kita at inalagaan.” Sabi niya habang umiiyak. “Ayaw man kitang ibalik sa kanila pero………..Wala akong magagawa, hindi kita kayang paaralin, pasensya ka na ah? Kung mahirap lang si Nana, matanda na rin ako apo, samantalang yung mga tunay mong magulang eh kaya nilang ibigay sa iyo ang lahat ng gusto mo at lahat ng kailangan mo.Hinahanap kana rin nila apo, pero pag andun kana sa kanila wag na wag mong pababayaan ang sarili mo ah? Wag mo rin kakalimutan si Nana.”

Nagiiyakan kame at niyakap niya ako nang may narinig kaming may paparating na sasakyan.

Biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ni Nana yung pinto. “Pwede na ba namin siyang kunin?” Tanong ng lalake.

 At tumango lang si lola.

“Nana? Sino po sila?” Tanong ko.

“Sila yung mga kukuha sayo apo.” Sagot ni lola.

“Pero…..ayaw kong-----“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinila na ako ng lalake, pilit kong kumawala sa kanyang paghawak pero hindi ko kaya, sumigaw,humahagulgo, at umiyak ako.

Pinabayaan lang ako ni Nana na kunin ng lalake. Ayaw na ba talaga sa akin ni  Nana? Kaya ba niya ako binabalik sa mga ‘tunay’ kong magulang? Tanong ko sa sarili ko.

*End of flashback*

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko, nilagay ko ang kamay ko sa bandang dibdib para hawakan yung kwintas na bigay sa akin ni lola.

Pero laking gulat ko nang narealize ko na nawawala na pala yung kwintas. Pinunas ko yung luha ko at tumayo para hanapin yung kwintas.

“Anak ng......ang tanga tanga ko, hindi pupwedeng mawala yun.” Sabi ko sa sarili ko.

Kung saan saan na ako napunta para hanapin ito, pinuntahan ko na rin ung mga lugar na nadaanan ko kanina pero WALA.

Someone’s POV

 Naglalakad na kame ng mga katropa ko ng may naapakan akong………..kwintas?

“Pre ano ba? Ang bagal mo ah.” Sigaw ni Brent.

Pinulot ko yung naapakan kong kwintas at inilagay sa bulsa ko. “Teka naman, ang bilis nyo ring maglakad eh.” Sagot ko at tumakbo papunta sa kanila.

Rein’s POV

Hinahanap ko parin yung kwintas, nang biglang

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Si Isaac tumatawag, tinignan ko yung wristwatch ko,

“Nako 12:50 na, tsssk” Sabi ko sa sarili ko at sinagot ko yung tawag ni Isaac.

“Hello Isaac, pasens-----“ Naputol yung sasabihin ko ng magsalita siya, “Ano ba Rein? Gutom na ako oh, mag 1pm na wala ka pa 12pm usapan natin eh.” Reklamo niya, “Pasensya naman, papunta na ako dyan.”

Hindi ko muna sinabi sakanya na nawawala yung kwintas ko, “Okay okay..paki bilisan naman.”

At pinatay na niya yung phone.

Nagmamadali akong naglalakad papuntang cafeteria ng natisod ako, nasubsob yung mukha ko sa putikan. Pagminamalas ka nga naman. >.<

Punong puno ng putik ang mukha ko at ang uniform ko na din, napakalaki kong tanga.

Wala na akong time para maghugas, dideretso na ako sa cafeteria may malapit na cr naman dun eh.

Kaya mabilis akong naglalakad habang nakayuko, ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga tao.

 “Wag mo silang pansinin” Paulit ulit na bulong ko sa sarili ko.

Papasok n asana ako sa cafeteria ng may nabangga akong babae.

“Fck off! Ano ba? Ang tanga mo naman.” Sabi nung maarteng babae.

Tinignan ko siya “Sorry po talaga miss. Hindi ko talaga sinasadya.” Sabi ko sa kanya. Sabay punas sa damit niya, naputikan din kasi yung damit niya.

“Yuck! Wag mo nga ako hawakan! Nadumihan mo na nga mas dinumihan mo pa!” Galit na sabi niya. 

“Sorry? Eh kung hindi ka tang asana hindi mo ako nabanggan. At tignan mo anong ginawa mo? Nadumihan yung uniform ko!” Kinuha niya yung juice na hawak hawak ng kasama niyang babae atbinuhos sa ulo ko.

Pinagtinginan kame ng mga tao,

Pinag tatawanan din nila ako.

Di ko na mapigilang di umiyak, nangangaligid na luha ko, at tuluyan naman itong tumulo.

“Nice one Brit.” Sabi nung kaibigan niya.

 Brit? Siya ba yung cheerleader dito?

Sabi nila total flirt daw siya, at spoiled brat. Anak kasi siya ng principal ng school na to.

Napaka warfreak din daw niya.

“She deserves it Holly, she’s a total loser.” Sabi niya ni Brit.

Nakayuko nalang ako nang may lumapit sa kanyang lalake. Boyfriend niya ata.

“Hey babe, what’s happening here? What’s wrong with your uniform?” Inakbayan siya nung lalake at hinalikan sa pisngi.

“That loser! Dinumihan yung uniform ko.” Tinuro niya ako at galit na sabi niya.

“So—rry, hindi ko talaga sinasadya.” Mahinang sabi ko, sobrang nahihiya na talaga ako. Ang daming taong nakapaligid saamin. Pinagtatawanan pa ako. T^T

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana okay lang, first time lang talaga gumawa ng story eh, ^^

Pag maka 15 to 20 reads mag Update ako, promise. 

-Ekay

The Weirdest Girl I've Ever MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon