Bullied

47 4 0
                                    

Chapter 3

Isaac’s POV

Ang ingay sa labas ng cafeteria, hmmm ano na naman kayang gulo yun. Wala talaga akong pakialam nung una, andito lang ako sa pinakdulo ng cafeteria. Iwas gulo eh, tulad ni Rein lagi akong binubully, kaya nga click kaming dalawa eh.

 Bigla akong napalingon ng narinig ko yung usapan ng dalawang babaeng student malapit sa table kung saan ako nakaupo.

“Pinagtitripan na naman nila yung weirdong babae sa labas.” Student 1

“Oo nga noh, nakakaawa naman siya.” Student 2

“Nakakaawa siya pero ewan….Nakakatakot parin siya eh, sabinila mangkukulam daw yun. Galing kasing Siquijor, sabi nila madami daw dung mangkukulam or ewan.” Student 2

Kinabahan ako, alam kong si Rein yung pinaguusapan nila. Bigla akong tumayo at tumakbo palabas ng cafeteria.

Rinig ko yung tawanan ng mga tao. Nakipagsiksikan ako, nang nakita ko si Rein nilapitan ko siya agad. Inalayan ko siyang tumayo dahil nakaupo siya ngayon sa sahig at umiiyak.

Binubuhusan siya ng mga juice, coffee, ice tea at kung anu ano pa ng mga tao. Awang awa na ako sa kanya, di siya lumalaban, iyak lang siya ng iyak.

“Ohh, wow! Andito din pala tong nerd. Pfffft, guys basain silang dalawa.” Sabi ni Brit, at binasa nga kameng dalawa ng mga tao.

Galit na galit na talaga ako sa ginawa nila kay Rein, bubuhusan na sana ako ng tubig ng isang lalake ng napigilan ko ito. “Ano ba kayo? Hindi ba kayo marunong maawa? Anong bang kasalanan niya sa inyo?” Sigaw ko sa kanila.

“Tanga siya! Dinumihan pa niya yung damit ni Brit.” Singit nung isang student.

“Hindi ko naman sinasadya yun eh, nagsorry din ako sa kanya.” Paliwanag ni Rein habang tumutulo yung luha niya, nakatayo na siya ngayon at nakayuko parin.

“Shut up loser! Wag kanang magsalita pwede ba? Sinira mo na araw ko eh, sirang sira na dahil sayo!” Galit na galit na sabi ni Brit, “At ikaw nerd, wag kang makialam. Wag mong ipagtangol yung tao pag di mo kaya! Idiots.” Dugtong pa niya.

Natatakot? Ako? Di ko alam, pero kayang kaya ko siya ipagtanggol. Alam kong kaya ko.

Magsasalita pa sana ako ng. Sinuntok ako nung lalakeng kasama ng boyfriend ata ni Brit.

“Isaac!” Sigaw ni Rein.

“Isaac? Okay kalang? Nako kailangan kitang dalhin sa clinic.” Dugtong pa niya. 

Di na ako naka sagot sa sobrang sakit, tinignan ko siya. Nakita ko na may namumuo na namang luha sa mata niya.

Napaluhod ako, namilipit ako sa sakit. Ang sakit ng tiyan ko, ang lakas ng pagkasuntok nung lalakeng yun.

“Dude! What was that for?” Sabi nung lalakeng mukhang boyfriend ata ni Brit.

“Ty, may kasalanan siya dyan sa nililigawan mo. He deserves that, para naman tumino, at para malaman kung sino ang kinakalaban niya.” Sabi nung lalakeng sumuntok sa akin.

Tinignan lang ni Ty ata ung pangalan si Rein, mukhang naaawa siya na ewan. Teka! Namumukhaan ko sila ah. Sila yung mga…………yung mga kilalang trouble maker dito sa Cello High. Tama! Sila nga yun. 

Sila din yung nanggulpi sa akin nun, di ko lang matandaan yung mukha nila kasi sobrang dilim nun.

At ang alam ko eh, si Ty yung leader nila. Pero bakit parang naaawa siya kay Rein? Or baka parang lang.

Napatigil ako sa pag iisip nang nagsalita si Brit.

“Psssh! Makaalis na nga dito. Nakakasira ng araw na makakita ng dalawang losers, kanina isa lang ngayon nadagdagan.” Sabi niya “Tara na nga.” Dugtong pa niya at umalis na sila.

Umalis na rin yung mga ibang students, at naiwan kame ni Rein dun sa labas ng cafeteria nakaupo, inalayan ako ni Rein para makatayo.

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana naman madagdagan yung reads, at sana mag comment naman kayo... ^^

Thanks sa mga bumasa,babasa, at sa mga nagbabasa.

-Ekay

The Weirdest Girl I've Ever MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon