"Ano na naman ba, Karl?! Umagang umaga umiinom ka na naman. Ano bang napapala mo diyan?!"
"Wala kang pake, Carol! Tigil tigilan mo ko sa kabubunganga mo. Nakakairita na!"
Nagising na lang ako sa pagtatalo nila mommy at daddy. Araw araw na lang, nakakasawa't nakakapanghina na ng loob. Araw araw ay ganyan ang set up nila, pagsasabihan ni mom si dad na tigilan ang pag inom, at mauuwi ito sa away. Hay buhay.
Paano nga ba nag umpisa ang lahat ng ito? Ikukwento ko mamaya sa inyo, sa ngayon ay babangon muna ako at maghahanda na sa pagpasok.
Tumayo na ko at dumiretso na sa banyo. Naghubad at pumunta na sa shower, nagmamadali akong kumilos dahil ayoko ng abutan pa ang pagtatalo nila mommy. Madamay na naman ako.
Katapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba para mag umagahan, ayun sila at magkalayo ng upuan. Avoiding to fight again.
Kailan ba matatapos ang problema nila? Kailan ba ititigil ni daddy ang pag inom? Kung ako lang ang masusunod sa bahay na ito ay baka itinapon ko na lahat ng beers and wines ni daddy.
"Good morning, mom," humalik ako sa pisngi ng aking ina, "good morning, dad" ganun din kay daddy.
"Good morning, anak." Sabay na bati nila. Nagkatinginan at nagkaiwasan ng tingin. Napangiti na lang ako sa kanilang ginawa. Daig pa ang teenager kung mag away.
"My, dy, baka malate ako ng uwi mamaya. May group project pa kasi kaming tatapusin ng mga kaklase ko." Pagpapaalam ko ng sa gayon ay di sila mag-alala pag ginabi ako ng uwi.
"Oh sige, basta mag iingat ka lang ah? Ang mga bilin ko sayo Leea, huwag na huwag mong kalilimutan." Istriktang ani ni mommy. Tumango lang si daddy sa tinuran niya.
"Yes, mom." Ngiti ko.
Katapos kong kumain ay nagpaalam na akong aalis na para pumasok.
Habang naglalakad ay natigil ako ng may makitang kuting, ang cute naman. Pero feeling ko may lahi kasi masyadong malinis at may collar pa. Sino kayang may ari neto?
Binuhat ko ito at hinimas-himas. Napaka lambot ng kanyang balahibo.
"Hello, muning. Bakit ka pakalat kalat rito? Nasan ang amo mo?" Pakikipag usap ko rito, kahit na alam ko namang hindi ito sasagot. Like duh, Leea magulat ka kung sumagot yan sa iyo.
Nag meow lamang ito at behave lang sa bisig ko. Nang may kumalbit sakin. Tinignan ko naman ito at napanganga na lamang ako ng makita kong ang crush ko ang kumalbit sakin. Emeged Lord enebe emegeng emege eh.
"Eh ene yen, Flynn?" Pabebeng tanong ko rito, natawa na lamang siya sa kapabebehan ko.
"Haha, akin kasi yang pusang hawak mo, kanina ko pa yan hinahanap. Tinakasan na lamang ako kanina ng pakainin ko" wika niya, akala ko pa naman ay ako ang hanap mo. Hays, umasa na naman ako.
Ibinigay ko ito sa kanya at ngumiti. "Nakita ko kasi siya kanina diyan, nagandahan ako kaya ko binuhat. Napaka amo niyang pusa mo." Ani ko. Ngumiti naman siya sa sinabi ko.
"Maamo talaga si Haikee. Papunta kana ba ng eskwelahan? Sabay na tayo, ipapauwi ko na lang sa driver ko si Haikee." Alok naman niya.
"Ahm, hehe" kinamot ko ang ulo ko dahil medyo nahihiya ako, opo may hiya ako. Pero sana pilitin niya ko diba?
"Huwag ka nang mahiya, halika na baka mahuli pa tayo sa klase" sabay hila niya sa kamay ko, napatingin na lamang ako roon at di naiwasan mamula sa ginawa niya.
Omg Lord! Sobra sobra na itong kilig na pinaparamdam niyo sakin, sana ay di mo na po tapusin. Napaka abusado ko naman hahaha.
Inalalayan niya akong pumasok sa kotse nila at pumasok na din siya. Nux, gentleman ang fafa niyo. Kilig to the max level na this.
YOU ARE READING
Escaping The Reality (On Going)
Fiksi RemajaHi, hope you'll read my up-coming story and support me. You'll relate here if you're one of those teen's nowadays that escaping the real world. Hope you enjoy reading. --- Start: August 13, 2020, Thursday at 4:38 a.m. End: ---