"Thalia sumama ka na..." pamimilit sa akin ni Bella na kaibigan ko.
"Hindi pwede kailangan kong umuwi ng maaga dahil magagalit sa akin si Tiya..." pinal kong sabi. Mukha namang natauhan siya dahil dito.
"Tsk! Si Ma'am Faye talaga ang higpit. Sige sa susunod ha? Bye-bye..." ngumiti lang ako at kumaway.
Hayst! Here comes another normal day. Niligpit ko ang aking mga gamit at tumayo saka lumabas ng classroom. Habang naglalakad sa gilid ng quadrangle ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga estudyanteng masayang nakaupo sa damuhan nito.
Mga estudyanteng walang pakialam sa oras at batas at pwedeng magdesisyon kung kailan uuwi. Naku naman Thalia nagdrama ka na naman. Napailing ako sa sariling hiling. Kung pwede lang.
Lumabas ako ng paaralan bitbit ang araw-araw na "sana" na bumabalot sa isip ko. Malapit lang ang bahay na inuuwian ko rito kaya maaaring lakarin. Pagdating ko sa bahay ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.
"Napakamasunurin mo talaga Thalia hindi ka sumusuway sa bilin ng ate..." puri ni ate Matthyla o Matt for short.
Siya ang kasambahay namin at pinagkakatiwalaan ni Tita. Nasa 20's lang ang edad niya. Pandak siya at may pagka morena. Balingkinitan ang kanyang katawan, bilugan ang itim na mga mata at kulot ang hanggang balikat na buhok. Matangos din ang kanyang ilong at mapang-akit ang maliit na labi kung ngumiti.
"Hindi naman masyado ate Matt. Si Tita?" Tinanggal ko ang aking sapatos at inayos ang pagkakalagay nito sa lalagyan.
"Mamaya pa daw siya uuwi, may tatapusin lang..." sagot niya habang abala sa ginagawang pagpupunas sa collection ng mga libro ni tita.
"Sige ate Matt tawagin mo na lang ako kapag dumating na siya at handa na ang hapunan..."
"Okay..."
Dumiretso na ako paakyat sa aking kwarto. Isang two storey house ang bahay namin. May apat na kwarto sa itaas at isa sa ibaba para kay ate Matt. Sa pangatlong kwarto sa bandang kaliwa ang akin.
Marahan kong inayos ang aking damit pangeskwela at nagpalit ng damit pambahay. Tulad ng aking nakagawian ay tinapos ko ang aking mga takdang aralin. Mayamaya ay nakarinig na ako ng tawag mula kay ate Matt.
"Thalia bumaba ka na at kakain na tayo..." mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan kong nakaupo na sa hapag si tita. Hinintay namin na matapos si ate sa paghahanda at nagsimula kaming kumain.
"Kamusta ang eskwela?" Nakakatatlong subo pa lang ako ng magsimula siya.
"Mabuti po. Ako ang nanguna sa surprise test kanina..." palihim akong napakagat labi at pilit nilulunok ang pagkain.
"Hmmm that's better. Kumain ka na..." malamig na sagot niya and by just that natapos na ang usapan.
BINABASA MO ANG
MADCOHULSTWIF
ChickLitFear will always be forever tangled with forbidden love... -MADCOHULSTWIF