Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at nagdial. I can't believe it! She's related to us? I don't know anyone from our family with the name of Strawberry.
Wait! Paano kung kaapelyido lang? Huli na nang mapagtanto kong mali ang desisyon kong tumawag.
"Thalia what's wrong? May nangyari ba diyan sa inyo ng tita mo?" Yan ang unang bungad sa akin ni papa. Sa ganitong oras ng gabi tiyak iisipin niya talaga na may nangyari.
How stupid Thalia! Siya ang unang pumasok sa isip ko matapos mabasa ang ika-labing dalawang pahina ng diary. Siya lang ang pwede kong tanungin. Maybe he knows...
"Wala po Pa... we're fine. Itatanong ko lang po sana kung may kamag-anak kayo na Strawberry ang name?" Nagbabaka sakali kong tanong.
"Why?" Gulat ang boses niya ng marinig ang pangalan na ito. Right. Kailangan laging may kasunod na bakit.
But the shocked tone? I guess meron nga. Isip ng palusot, isip.
"I heard it from tita?" I bite my lips. Sorry po tita Faye.
"Ate mentioned that name?" Hindi makapaniwala niyang sabi. Mukhang sinasabi niya ito sa sarili.
"Yeah... who is she po?" Ramdam ko mula sa kabila ang pagbigat ng paghinga niya. Is he nervous?
"Wala na siya so don't ask. Forget whatever you heard from your tita and huwag mo rin siyang tatanungin about dun kung ayaw mong magalit siya sayo. I'll hang up take care. Bye!" Pinutol niya agad ang tawag.
What just happened? And what did papa say? Wala na? Is she dead? Oh my! Baka multuhin ako ng may-ari ng diary na ito!
Lumayo ako mula rito at biglang bumukas ang pinto. Muntik na akong mahulog sa upuan kung hindi ako nakakapit sa lamesa. Shit!
"Anong nangyari sayo mukha kang nakakita ng multo?" Si ate Matt at ibinaba ang bitbit na gatas.
"Ate Matt huwag kang nanggugulat! Akala ko kung sino..." kinakabahan pa rin na saad ko. Hinawakan ko ang tapat ng aking puso.
"Anong ginulat ay kanina pa po ako kumakatok hindi mo naririnig..."
"Sino ang ibang papasok dito kung hindi ako...
Ikaw huwag mong asahan si ate Faye at malabo yun" umiiling na aniya pa.
"Inumin mo na ito at matulog baka puntahan ka pa dito kapag nalaman na nagpupuyat ka...
'Yun ay KUNG lalabas sa kwarto..." binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Nginiwian ko lang siya at ininom ang dala niyang gatas.
Matapos ko itong maubos ay dinala na rin niya ito palabas.
"Matulog ka na..." paalala niya bago niya isara ang pinto.
Akala ko talaga kung sino na.
Ate Strawberry, nagpaalam po ako kanina...
I don't imagine myself dying just because of reading a diary. Ang consequence nga oo. But I can't stop reading it. Isa pa po please...
I'm sorry I promise to take my words na hindi ipagsasabi ang mga malalaman ko. I am really curious about it lalo na ngayon na nalaman ko na somehow related siya sa amin. I want to know kung bakit siya namatay kung totoo nga. Maybe naisulat niya ang huling sandali niya dito.
BINABASA MO ANG
MADCOHULSTWIF
ChickLitFear will always be forever tangled with forbidden love... -MADCOHULSTWIF