Dear Diary...
It's been a year bago ulit ako nakapagsulat sa'yo. I'm sorry for not doing so, I just don't feel na kailangang isulat ang mga nagyari nitong mga nakaraan. I am now in grade 11 and guess what diary tumitibok na naman itong malandi kong puso (hahaha...) hindi sa hindi ito tumitibok pero parang pakiramdam ko ay may nakakuha ng atensyon nito. His name is Harvey Yohan Eldejo and he is our english teacher. I don't know sa puso kong ito at ang weird talaga masyado. He told us to call him sir Harvey but I prefer to call him by his second name. He caught my attention the moment he stepped inside the classroom.
-Strawberry
P.s. Quiet ka lang okay? Hindi niya alam na yung second name niya ang tawag ko sa kanya sa mind ko.
Iniligpit ko ang mga materials na ginamit ko sa katatapos lang namin na subject. First day of class and puro tawanan na ang namayani sa loob ng classroom namin. New school year and new section but thanks god na kasama ko pa rin si Apple.
Maingay ang classroom namin dahil hindi pa rin sila makaget over sa kasiyahan namin kanina. The section is bonding smoothly with each other na parang matagal ng magkakasama na kahit ang totoo ang iba ay transferees. Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan sila ng pumasok ang pangalawa naming teacher sa hapon na iyon.
"Sit down all of you and be quiet" tila naging ghost town ang classroom namin ng magsalita siya. He is serious and not smiling.
"You are a student so act as one. Sit down properly and don't slouch" ramdam ko ang uneasiness na nararamdaman ng lahat.
I just sit properly and examines him. He's wearing a white polo shirt, black pants and shoes. He is also wearing the school's I.D and an eye glass.
I have this habit na laging tumitingin sa mukha ng teacher ko particularly sa mata lalo na kung nagtuturo kaya ng bumalik ang paningin ko sa mata niya ay saktong nakatingin din siya sa akin. Nagulat ako pero hindi ko ito ipinahalata at umiwas ng tingin.
"I am Harvey Yohan Eldejo. Call me sir Harvey and I will be your teacher for the english lit this year" pormal ang pagkakasabi niya nito.
Naglakad siya sa gitna ng aming classroom kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mas pagmasdan siya. Matangkad at katamtaman lang ang kulay. Under cut ang buhok niya, may itim na mata, matangos na ilong at mapulang labi. He can pass as a model sa pananaw ko.
"In my class I am your teacher and we will be studying seriously. I don't do noisy class if it's not related with the subject and the topic. Our subject is English and I am hoping that you will speak in english" mahaba niyang litanya at tumigil sa gilid ko.
Inangat ko ang aking tingin at natagpuan siyang nakatitig sa akin. He is cute...
Dear Diary...
Second day ng class namin ngayon and may presentation agad na ipinagawa sa amin si sir Yohan. He talks very fluently in english and I admire him for that kaya syempre nagpakitang gilas din ako para mapansin niya and sa tingin ko mukhang effective naman. He praised me for a clear answer and it gives me an unfamiliar feeling but I know it already happened.
-Strawberry
"As a group make your own graphic organizer. I repeat. Own which means unique so create. Choose a topic and put it in the organizer and report it in class"
BINABASA MO ANG
MADCOHULSTWIF
ChickLitFear will always be forever tangled with forbidden love... -MADCOHULSTWIF