Abby's POV
Pumasok nako sa first period, buti nalang nakaabot pako. May group activity kami ngayon sa Economics at kailangan ko pang mag-aral ng mabilisan para may masabi sa part ko sa report namin.
"Where were you last night?." Tanong sakin ni Rans. Roommate ko siya sa dorm.
"Sa library."
"Huh? Anong ginagawa mo dun?."
"Di ko kasi namalayan ang oras. The next thing I knew nasarhan nako."
"Alone?."
"No, I'm with--yes. Alone." Hindi niya pwedeng malaman o ng kahit kanino that I spent a night with that girl. Ano nalang ang iisipin nilang lahat?.
"Hindi ka natakot?."
"Of course not. Ba't naman ako matatakot?."
"Diba bulong bulungan sa buong campus na--"
"Hindi totoo ang multo Rans."
"Malay natin--"
"Mag-aral na nga muna tayo. Baka mamaya nyan wala tayong masagot tsk."
Recess.
I saw her across the room, reading a book. She caught me looking at her and she smiled, I smiled back.
"Who are you looking at?." Takang tanong ng boyfriend kong si Gelo. Kasama din namin ang friends kong sina Rans, Sheki, Alice, Ecka at Belle, and Gelo's friends Marcus, Dwayne and Bryan.
"Ah wala. Sige, kain ka pa." Subo ko sa kanya ng fries.
"Aweee sweet naman." Sabi nila.
"Mamaya pala girls may party kina Primo, you wanna come?." Sabi ni Sheki. Primo is her boyfriend.
Pumayag naman kaming lahat.
"Sa wakas, hindi tayo nakapagparty for like what? 5 years?." Sabi ni Bryan.
"OA, 2 months lang. Kaso pass ako dyan guys ah, may summative kami tom so I need to study." Sabi ni Alice.
"Iba rin talaga si Miss Mendel (section ni Alice, siya lang kasi naiba ng section samin). Sipag. Pag ikaw hindi naging Presidente ng Pilipinas ewan ko nalang."biro ni Dwayne.
"What time ba?." Tanong ni Marcus.
8pm palang nasa party na kami. Drinking, dancing and spending the time of our lives.
"Guys, thank you for coming." Sabi ni Primo.
"Ano bang okasyon bro? Ba't may paparty?." Tanong ni Gelo.
"Umuwi kasi yung paborito kong pinsan, speaking of--Miguel, halika." Lumapit naman yung lalaki.
"Guys, meet my cousin Miguel. Galing syang states. Miguel, these are my girlfriend's friends Abby, Rans, Belle, Alice, Ecka, Dwayne, Bryan and Marcus." Nagshakehands naman kami sa guy. He looks like a foreigner.
"Do you speak Tagalog men?." Tanong ni Dwayne.
"Of course haha. I'm born and raised here. Lumipat lang kami sa states 5 years ago." Paliwanag nito.
"Oh nice. Ba't ka nga pala umuwi?. Are you staying here for good?." Tanong ni Marcus.
"I don't know if I'm staying for good. Actually, I'm just preparing for my upcoming wedding. You're all invited ah." Sabi ni Miguel.
"Really? Wow!. Congrats pare. Where's the lucky girl?." Tanong ni Bryan.
"Eto na nga, hinahanap ko. I bet she's with my sister again."
"May kapatid ka?." Tanong ni Marcus tila excited. Haaayst basta talaga babae eh. Malamang maganda rin kapatid nitong si Miguel, tisoy eh.
"Yeah, siguro kabatch nyo lang. Sige ah, hanapin ko lang sila." Sabi nito at umalis na.
"Guys, dun lang kami." Sabi ni Primo kasama si Sheki papunta sa pool area.
"Kahit kailan talaga Marcus--" sermon ko.
"Why?. Malay natin diba?. Saka malamang maganda yun."
"Ewan ko sayo."
"Babe, ano? Tara sa pool." Tawag sakin ni Gelo.
"Behave." Sabi ko naman kay Marcus at sumunod na kina Gelo.
..
Mago's POV
I'm wearing a black sando kasi sobrang init and then some army print jagger pants. Umiinom ako with my future sister in law dito sa terrace habang pinapanood namin ang mga tao sa baba, specifically sa pool area.
"I can't believe Kuya didn't invite me to your wedding. I mean what am I? A joke?. Tsk."
"Well I can't blame him, we both know na kung may award ng pinakamaraming event na nasira malamang nasa Guinness book of records ka na haha."
"Pati ba naman ikaw Ate Lau?."
"I'm not judging you or anything sis. And don't you ever think that we hate you. It's just that napakahalaga samin ng event na yun, and that day is not a perfect time for experimentation whether you mess up again or not. You know, I waited for this day to come. Just take it as your gift for me."
"Yeah yeah."
"Pero papayag naman ako kung sakaling sapian ka ni Marsela."
"Wag na no. Malamang magbibusiness attire yun sa kasal nyo. Something that I don't want people to see."
"Well, Mars is the perfect maid of honor. If she shows up that day siya nalang."
"Sure ka ba dyan?. Malamang mapupunta pa sa kanya ang center of attention instead na sayo. Ako nalang kasi."
"Hindi nga pwede, magagalit ang Kuya mo."
"Ano ba kasing nakita mo sa kapatid kong yun? Tsk."
..
Abby's POV
Monday.
Nagmamadali akong maglakad papunta sa classroom, late na naman kasi ako nang biglang sumabay si Sela sakin.
"Hi." Nakangiti nyang bati.
Napatingin ako sa paligid, nakatingin ang iba sakin. Hindi ko sya pwedeng pansinin. Kaya di ko nga sya pinansin.
Recess.
Kumakain na kami ng barkada. Nakita kong nakatingin si Sela sakin at nagwave sya to say Hi dun sa same spot na kinauupuan niya. Hindi pwede. Umiwas nalang ako ng tingin.
"Are you okay?." Nag-aalalang tanong sakin ni Gelo.
Lumipas ang ilang araw ganun parin. Kahit na nga pag-uwi ko sa dorm bumubuntot parin sya sakin pero pinipilit ko parin na iwasan sya. Ayokong pagchismisan ng mga tao.
Isang gabi nasa rooftop ako, sinasampay ang mga nilabhan ko.
"Abby. Ano bang problema?. Kausapin mo naman ako oh."
Patuloy parin ako sa pagsasampay as if wala akong naririnig."Akala ko ba magkaibigan na tayo?. Sabi mo pa nga natutuwa ka sa mga kwento ko.." sunod nya parin sakin.
"..remember? Sela's Collection of Clichés. Abby, ano ba?. Para naman akong tanga dito eh. Magsalita ka naman dyan. Wuy--"
Malapit na talaga akong mapuno dahil sa kakulitan ng babaeng to.
"Bakit mo bako iniiwasan Abby?." Hawak nya sa balikat ko. Lumingon ako sa kanya at tiningnan sya sa mata.
"Abby, bakit?." Tanong nya pa.
"Dahil hindi ka totoo."
