Chapter 1

1 0 0
                                    

"Putangina yan! Ang bobo!" malutong kong pagmumura. Kung bakit? Kasalukuyan kasi ako naglalaro ng ml, ang paborito ko na online games. "Ang bobo naman, cancer mga kakampi!" hindi ko na matukoy pa kung ano pa ba ang pinipindot ko sa sobrang inis na nararamdaman ko.

'Yung tipong nakakainis na nga mga kalaban, pati ba naman mga kakampi mo.'

Sabi ko na lang sa isip ko, imbes kasi na mag laro na lang ang isa sa mga kakampi ko ay nag chat pa ito ng salitang "bobo", kaya wala akong nagawa kundi makipagtrastalkan dito dahil sa tingin ko pabuhat lang naman siya. Ang dami pang sinasabi!

Lumipas ang ilang minuto natapos ang laro at syempre natalo, ano pa ba ang aasahan, ang rank ko ay Master IV, kaso natalo rin kasi ako kanina. Nakakainis lang dahil dapat ay Master III na ako. Ang malupit pa dito, nakita ko ang reward ko ay bronze kung saan ito ang pinakamababa.

Dahil sa reward ko, naisip ko ako pala talaga ang walang ambag. Inis kong binack ang ml app ko, at tinabi ang cellphone ko pagkatapos patayin ito.

'Iuninstall ko na lang kaya, pero wag na lang sayang load dinonwload ko pa naman yun.'

"Annzel! Pumunta ka na sa kusina at maghugas na ng plato, ano pa ba ang hinihintay mo! Puro ka na naman cellphone!" sigaw lang ni Mama yun wag na kayo magtaka.

Kasi kahit hindi mo sabihin hindi mawawala ang bungangera mong Mama, Nanay, Ina, o kung ano pa man tawag mo na komportable ka. Pero hindi naman natin maipagkakaila na meron din naman mga mahihinahon, kaso ang masama hindi ako biniyayaan ng ganon.

Nasa kwarto lang kasi ito at nanonood ng TV, pero
kung makasigaw akala mo laging sasabak sa gyera.

Problema pa dito ikaw na nga uutusan, sisigawan ka pa. Saan ka nakakita ng ganon?

Hindi na lang ako sumagot at tumayo na lang sa inuupuan kong kahoy na sofa habang naglalaro ako kanina, at dumiretso sa kusina.

Sinasabon ko na ang mga plato dito sa lababo habang nag iisip ng kung ano-ano, ang bahay din kasi namin ay hindi gaano kalaki ngunit kasya naman kaming kaanak, halos dikit-dikit na rin ang mga bahay ng kapit bahay namin dito.

Hindi ko rin maiwasan isipin kung ano ang itsura ng bahay namin.

May kaliitang sala kung saan may isang set ng kahoy na sofa, isang kwarto kung saan nandoon ang TV na lumabas ka lang sa pinto nito makikita mo na kaagad ang sala, at isama mo na rin ang kusina at banyo.

Hindi naman ako kagandahan, hindi din panget ngunit masasabi mong panlaban pa rin, at dagdag na sa ugali kong sabihin na natin may pagkamaldita.

Naputol ang pag iisip ko, na may narinig na naman akong ingay.

"Annzel Cruz Moreno! O to the M to the G! Hoy gaga!" sumisigaw pa ito habang kinakatok ang pintuan ng bahay namin. Tss... walang hiya talaga.

Ito pa ang hindi mawawala sayo ang kaibigan na walang hiya pero masasabi mong masarap kasama.

Siya nga pala si Colleen Mendoza ang maingay kong best friend na katulad ng mama ko.

Dapat sila na lang ang naging mag ina mas pabor pa ako. Kung makasigaw kasi parehong nakakairita.

Mas matanda si Colleen nang isang taon kaysa sa akin. Ako kasi ay labing pitong taon gulang na, at kasingtangkad ko lang siya.

Alam nyo na siguro kung ilang taon na si Colleen, sa paningin ko kasi kapag mas matanda ka sa akin gurang na ang tingin ko sayo.

"Annzel! Buksan mo na nga yung pinto! Ang ingay!" napasimangot na ako ng marinig ko uli ang sigaw ni Mama.

'Bwisit ka Colleen! Kapag hindi yan importante ipupukpok ko sayo ang mga plato.'

Unknown vs RuthlessWhere stories live. Discover now