Chapter 2

0 0 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may trabaho pa ako o sabihin na lang natin partime, pero pagtingin ko pa lang sa sala ay malalim na akong bumuntong hininga.

Puro kalat at basag na mga plato ang nabungaran ko, natanaw ko rin kaagad si Papa na mahimbing na natutulog sa mahaba namin sofa na kahoy.

Napailing na lang ako at sinimulan ko na linisin lahat ng kalat sa sala, nagsaing na rin ako at nagluto para paggising nila ay makakain na sila.

Nung matapos na ako, ginawa ko na ang morning routine ko at nag ayos na ng sarili para sa trabaho ko.

Mabuti at hindi nagising si Papa, ayoko rin siya makausap, paalis na ako ng bahay, pero namataan ko kaagad si Colleen, masayang kinawayan niya ako ng mabilis ko naman inirapan, pareho kasi kaming nagpapartime dun kaya naman nagsabay na lang kami papunta sa Prestiz Coffee, isang uri ng shop na may kape.

'Okay....Corny...'

"Bukas na pala ang pasukan noh." biglang sabi ni Colleen.

Nagulat naman ako kasi ngayon ko lang naalala, dahil na rin siguro sa problema sa bahay.

"Nawala sa isip ko." tipid kong sabi sa kanya.

"Anak ng....Gaga ka, Edi wala ka pang gamit!" may kaya kasi sa buhay si Colleen, kahit na sabihin natin nangungupahan lang siya.

Pareho kasing nagtatrabaho ang mga magulang niya, lalo pa at nasa ibang bansa ang Nanay niya.

"Oo na pagkatapos kong magduty, ingay mo talaga." nasa tapat na rin kasi kami nang Prestiz Coffee kaya pumasok na kami sa loob at sinimulan ang pagtatrabaho.

Habang nagtatrabaho bilang taga serve, naisip ko ang eskwelahan na papasukan namin.

Ang Gandoll International College, ito ang  pinakasikat na paaralan dito sa amin, kung saan kakaiba sa ibang normal na eskwelahan para sa college. Yun lang ang alam ko tungkol dun pero alam kong malaki yun, syempre mayaman ang may ari nito kaya hindi na ako magtataka. Sigurado rin akong puro mga mayayaman, maarte, at arogante ang nandoon, pero alam ko yun iba ay scholar lang tulad ko.

Kung saan talino na lang ang naging puhunan imbes ang pera.

Mabuti nga at naipasa ko yun exam para sa Full Scholarship nila, dahil kung ako ang tatanungin sobrang hirap, pero sa awa ng diyos ay nakaya ko pa rin.

Si Colleen ay bayad ang buong tuition nya, sabi ko nga hindi porket nangungupahan ay mahirap na, sobrang mahal talaga ang tuition sa GIC.

Natapos ang duty namin na walang nangyaring gulo o aberya man lang.

"Hayst...nakakapagod." ungot ni Colleen habang naglalakad kami pauwi sa Rodriguez Apartment, sobrang init pa.

Ang oras kasi ng trabaho namin ay 6:00am-12:00pm na halos wala nang pahinga kasi madami-dami ang costumer.

Nauna na ako kay Colleen kahit tinatawag niya pa ako, wala na akong balak pansinin pa siya, ang dami-dami pa kasing sinasabi at nirereklamo, pareho lang naman kami napagod, anong tingin niya sakin robot?

Pagkarating ko pa lang, agad kong hinubad ang sapatos ko at dumiretso sa kwarto, pagkatapos ay binuksan ko ang electric fan namin at nilagay sa number 3, dahil na rin siguro sa sobrang init at pagod ay nahiga na ako.

Hindi ko na napansin si Mae, at si Mama. Si Papa, sigurado akong sa mga oras na ito ay nagsusugal na yun.

Hindi na ako nagpalit, kung ano ang suot ko kanina yun ang suot ko ngayon, white plain t-shirt at pants. Libre ang pagkain namin, pang-umagahan at tanghalian  dun sa Prestiz Coffee, sobrang bait kasi ng amo namin, mabuti at nakakain na ako kaya hindi na ako nakaramdam ng gutom.

Unknown vs RuthlessWhere stories live. Discover now