(Chapter One:Virus)
[Kani-kanina lamang ay napagkaalamang may isang nakakamatay na virus ang tumama sa bansang amerika.Sabi ng ibang tao ay nakakatakot ang virus na ito makikita nalamang nila ang mga taong tinamaan ng virus na ito ay biglang namumuti ang mga mata nito at bigla itong susunggab sa taong makita.......]
Marami ang mga taong nanonood ng balita dito sa karendirya ang iba ay natatakot at ang iba nama'y hindi.Habang seryoso akong kumakain sa gilid ay may nagkabungguan sa labas.
Nagsilabasan ang mga tao at ako ay naiwan sa loob
[Gobyerno ipinapasara ang NAIA sa takot na maabutan din tayo ng virus!Iilang netizen sa manila ay hindi naniniwala sa virus na ito......]Habang pinapanood ko ang balita ay nagulat ako sa mga sumusunod na nangyare.
[Tu......tulong!!PAKI USAP WAG NIYO KONG IWA....AHHHH].
Napatayo ako sa upuan ng marinig ang mga sunod sunod na bungguan sa labas lumabas ako at nakita ko ang mga taong nagtatakbuhan at takot na takotHindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ang mga taong nagtatakbuhan at ang mga sasakyang nagkakabungguan.
"Mi....miss......Tu...tulong!Agh!Urgh!" nakita ko na lang ang lalaking nanghihingi sakin ng tulong ay unti unting namumuti ang mata nitoDahan dahan akong napaatras ng makita kong nagiba ang anyo nito!Halos di ko na alam ang gagawin ko ng bigla itong tumakbo papunta sa gawi ko kaya naman ay kumuha ako ng kahit anong matulis na bagay.
Pagkadampot ko ng kutsilyo ay agad kong isinaksak ito sa ulo nito dahan dahan itong bumagsak sa sahig at ako ay tulala matapos kong gawin.Bigla ko namang naalala ang pamilya ko agad kong binunot ang kutsilyo sa ulo ng lalaki at agad na tumakbo
Kahit na takot na takot ako ay sinubukan kong tumakbo kasabay sa mga taong gusto ring makatakas.Pagkarating ko sa bahay agad akong pumasok at hinanap ang pamilya ko
"PA!MA!PA!MA!ASAN KAYO?MA!PA!ASAN NA KAYO?BUNSO!" sigaw ko pagkapasok ng bahay
"Nak....." rinig kong tugon ni papa
Nakita ko siyang punong puno ng dugo at may dalang itak
"Pa?Anong nanyare sayo?Ayos ka lang?" tugon koLalapit na sana ako kay papa ng pigilan niya ko.
"Anak!Wag kang lalapit.....Pakiusap" saad ni papa
"Bakit pa?May sugat ka gagamutin kita" ani ko
"Pakiusap nak" aniyaNg maglakad ako ay nakita ko ang ina kong nakahandusay sa sahig na warak na ang ulo bumaling ang tingin ko kay papa.
"Anak,wag kang magagali pero natulad ang mama mo sa ibang tao na natamaan ng virus na iyun" paubong saad nito
"Nak,di ko kayang hayaan na maging ganun ang mama mo kaya agad ko siyang pinatay ayoko rin na mamatay kayo ng kapatid mo" dagdag nito"Nak,hanggat maari putulin mo na rin ang ulo ko" saad niya
"Nak,hanggat di pa kumakalat ang virus sa katawan ko pakiusap patayin mo ko" dagdag uli nito
Umiling lang ako at hinayaang tumulo ang luha ko
"Hindi ko kaya pa" ani koTumingin lang ito sakin at ngumiti
"Nak,pakiusap gawin mo na lang ang inuutos ko" aniya
"Hindi ko kaya pa!Di ko kayang gawin yun" ani ko
"Nak,mahal na mahal kita kaya pakiusap gawin mo na" tugon nito
Umiling uli akoHindi ko kayang gawin yun sa sarili kong ama
YOU ARE READING
Surrender
Action[Totoo bang may naka survive sa gitna ng virus?] [Gamot para sa virus na hinaharap ng buong mundo ay natagpuan sa isang babaeb na nakasurvive sa gitna ng virus!] [Ngunit nakagat din ito pero mabagal lang ang daloy ng virus sa katawan niya] ...