(Chapter Three:Being Protected)
Ala-sais na rin ng gabi ng makarating kami sa isang shop na puno ng mga baril at mga matutulis na bagay at ngayon kumukuha si caleb ng mga ito.
"Bunso,anong gagawin mo sa mga bagay na yan?" tanong ko "Para meron tayong panlaban ate sa mga taong natamaan ng virus na yun!Proprotektahan kita ate kahit buhay ko pa ang kapalit" aniya."Kaya ko naman makipaglaban bunso di mo na ko kailangan protektahan" saad ko tumingin lang ito sakin at ngumiti "Sabay tayong lalaban bunso tugon ko "Kakayanin natin to ate!" aniya.May mga inabot siya sakin at tinuruan niya rin ako kung pano gamitin ito.
"Bunso,bakit alam mong gamitin to?" tanong ko "Napapanood ko lang sa mga movie ate tapos tinuturuan ako ni tito" aniya.Ngumiti na lang ako at dumeretso sa may staff room may nakita akong lalaki na naka higa sa sahig."Kuya!Kuya ayos ka lang?" tugon ko nakita ko namang gumalaw ang paa nito.
Dahan dahan akong lumapit dito at nakita kong may ugat na lumalabas sa muka nito at namumuti ang mga mata nito.Bigla namang tumayo ito at sinunggaban ako kaya naman otomatiko kong sinaksak ito sa leeg pero hindi pa rin ito na mamatay kinuha ko naman ang baril na nasa kaliwang kamay ko at kinasa ito."Pagpasensyahan niyo na po ang gagawin ko" tugon ko at binaril ang ulo nito.
"Ate!Ate,ayos ka lang?Di ka ba nasaktan?Di ka ba niya nakagat?" sunod sunod nitong tanong ngumiti lang ako sa kanya "Ako pa ba bunso syempre di ako nasaktan at lalong lalo nang di ako nakagat" tugon ko.
Ngumiti lang ito at itinayo ako pagkalabas namin sa shop na iyun ay maraming patay na tao ang tumatakbo pa punta sa amin.Agad namang kinasa ni caleb ang baril nitong hawak at tinago niya ko sa likod."Ako nang bahala dito ate" aniya "Tutulong ako bunso diba nangako akong lalaban din ako" saad ko tumango lang ito at agad ko ring kinasa ang baril na hawak ko.
"Ate!Ikabit mo ito sa baril mo" aniya "Ano to bunso?" anang tanong ko"Silencer yan ate para di tayo makagawa ng ingay habang binabaril natin sila sa ulo" aniya tumango na lang ako at ikinabit ang silencer sa baril na hawak ko.Kahit na naawa ako sa mga taong to ay kailangan kong gawin to para lang mabuhay kaming dalawa ng kapatid ko.
Saktong alas-otso na ng gabi matapos naming patayin ang mga taong ito.Agad rin kaming umalis sa lugar na iyon at humanap ng matutulugan pansamantala kaming nagpahinga sa isang sirang kubo at doon na din nagpalipas ng gabi.
KINABUKASAN
Mga kina-umagahan ay agad kaming umalis ni caleb sa kubo at umakyat sa bundok mabuti na lang ay walang mga patay na pagala gala sa ngayon di rin katulad kagabi na pasikot sikot lang sila.Sa mga daan "Ate,upo muna tayo dito" tugon ni caleb "Sige bunso" ani ko.Sa kalagitnaan ng aming paghihinga ay nakarinig kami ng boses.
"MAMA!MAMA ASAN KA NA!!" umiiyak na boses ang naririnig namin mula sa kalayuan napagpasyahan namin ni caleb na hanapin ang taong yun sinundan lang namin ang boses kung saan talaga nangagaling yun.Habang papalapit ay naririnig na namin ang hagulgol nito."Ate!" sambit ni caleb "Bakit bunso?" tanong ko rito "Andun siya" aniya sabay may itinuro
YOU ARE READING
Surrender
Action[Totoo bang may naka survive sa gitna ng virus?] [Gamot para sa virus na hinaharap ng buong mundo ay natagpuan sa isang babaeb na nakasurvive sa gitna ng virus!] [Ngunit nakagat din ito pero mabagal lang ang daloy ng virus sa katawan niya] ...