CHAPTER TWO

3 0 0
                                    

(Chapter Two:Decision)


"Nak,gawin mo na pakiusap..." saad nito
"Pero pa hindi ko kaya!" ani ko
"Paki....argh....usap nak...ugh" aniya
Unti unti akong napaatras ng nag bago na ang anyo ni papa wala akong magawa dahil ama ko ito


Napaupo na lang ako dahil sa nawalan na ko ng pag asa
"PA!BUMALIK KA NA SA DATI PLEASE!DI KO KAYANG PATAYIN KA PA!PA PLEASE!" naiiyak na tugon ko
Kumuha ako ng kahoy sa kanang kamay ko at yun ang hinarang kay papa wala akong magawa dahil takot akong gawin ang ipinapagawa ni papa



Imbis na takot ang nangingibabaw sakin kundi ang pagkaawa kay papa unti unti ng nanghihina ang kamay ko dahil sa tuloy tuloy na pagpatak ng mga luha ko
"Pa.....Mahal na mahal ko kaya ni mama" saad ko at tuluyang binagsak ang kamay ko.Nagulat na lang ako ng may matulis na bagay na tumusok sa ulo ni papa





Dahan dahang bumagsak ang katawan ni papa sa sahig
"PA!!!" sigaw ko at niyakap ang katawan ni papa tumingin ako sa gawi ng taong pumatay kay papa at nagulat ako kung sino ito
"Bu....bunso?" saad ko "Bakit mo ginawa kay papa yun?!Di mo ba iniisip na ama natin yung pinatay mo?!" sunod sunod kong tugon dito
"Ano ate?!Hahayaan na lang kitang makagat ni papa?!Tapos matutulad ka sa lagay niya?!Hahayaan  kitang maging ganyan ate?" saad nito









Huminga muna ito ng malalim at tumingin sakin
"Alam mo ate,ang bait mo masyado mamamatay ka na lang awa pa rin yang nasa utak mo!Nakakaininis ka ate hindi mo ba naisip kung anong manyayare after mong hayaang mamatay sarili mo!Hindi mo ba naiisip na kahit wala na sila mama may karapatan ka pang mabuhay!" dagdag nito
"Iiwan mo na lang ba ako ate?Dahil ba wala na sila mama iiwan mo na lang ako?Ate ayokong matulad ka rin sa kanila ayokomg makikita na lang kita sa daan na palakad lakad na naghahanap ng taong makakain mo!Ate isipin mo rin ako minsan hindi yung puro awa na lang yang nasa utak mo!" saad niya



Nakita ko namang nakakuyom ang kamay nito at nagpunas ng luha
"Sa susunod ate isipin mo muna yang sariling buhay mo kesa sa iba" aniya.Umalis na ito sa kinatatayuan niya at umakyat paitaas naiwan naman akong nasa baba na nakatulala at ipinaulit ulit ang mga sinabi ng kapatid ko.






"Eto ate magpalit ka muna ng damit.Eto rin yung bag natin na puno ng makakain natin" saad nito "Maghahanap tayo ng ligtas na lugar ate.Gusto kong makaligtas tayong dalawa ate ayokong hayaan na mawala ka rin tulad nila mama" aniya.Kinuha ko ang mga damit sa lamesa na ibinigay ng kapatid ko at nagbihis na pagkatapos ay agad kaming umalis sa bahay.






Maraming mga sasakyang nasira at marami ring mga building na wasak na wasak may mga eroplano ring mga sira.Bakit?Bakit kailangan pang manyare to?"Ate dito tayo" saad ni caleb sumunod lang ako dito pumasok kami sa isang convenience store at dun kumuha ng mga pagkain.





"Bunso...." tawag ko rito tumingin lang ito sakin "Anong klaseng virus ang kumapit kila mama?" tanong ko rito "Hindi ko rin alam ate pero alam kong nakakamatay iyun" tugon nito.Matapos naming kumuha ng mga pagkain ay lumabas na kami.




Makakaligtas pa kaya kami?

SurrenderWhere stories live. Discover now