CHAPTER FIVE

4 0 0
                                    

(Chapter Five:A Nightmare)


"Kaso dahil tumama itong nakakamatay na virus ay isa sa mga anak ko ang nakagat at nadamay na rin ang mga anak at apo ko kaya napilitan akong patayin sila isa isa" mangiyak-ngiyak nitong saad "Ikaw ba ija?Nasaan ang mga magulang niyo ng kapatid mo?" tanong nito.



"Natamaan din po sila ng virus na iyon pero nahuli ako ng dating nakagat ni mama si papa pero napatay ni papa si mama....." tugon ko "Napagpasyahan ni papa na hayaan ko siyang patayin kaso hindi ko kaya!Kaya ang bunso ko pong kapatid ang tumulong sakin" saad ko "Napaka-swerte mo dahil may kapatid kang tulad ni ijo,ano nga pala ang pangalan mo ija?" tanong nito "Ako po?Ako po si Cylan" tugon ko "At yung kapatid mo ija?" tanong nito "Caleb po ang pangalan niya" nakangiting tugon ko.




"Ija,umupo ka na dito mag hahapunan na" saad naman ng  isang matanda "Mama....." rinig kong saad ni cloe ng makabangon siya sa sofa "Anak mo pala ang batang iyan ija" saad ng matanda "Ah!Hindi po mama lang po talaga ang tawag ng batang yan sa ate ko nagkakamali lang po kayo" biglaang sagit ni caleb."Halika na cloe kakain na tayo" nakangiting tugon ko lumakad naman ito palapit sa hapag kainan at umupo sa tabi ni caleb.








"Papa!" saad ni cloe at niyakap si caleb "Bitawan mo nga kong bata ka!" pagpupumiglas ni caleb unti unti na kong nahihiya dahil sa pinaggagawa ng dalawa sa hapag kainan."Bunso,hayaan mo na lang siya.Okay?" tugon ko "Hays,sige na nga ngayon lang ate ah!" saad ni caleb at sumandok na ng pagkain nito kahit kelan napaka-walang hiya nitong kapatid ko.








Matapos naming kumain ay nilinisan ko na si cloe at iniwasang mabasa ang ulo niya "Mama?" saad nito "Bakit cloe?" tugon ko "Katabi ko po ba si papa sa higaan?" tanong nito "Oo naman cloe" saad ko at ngumiti.Pagkaakyat namin sa itaas ay nakita kong nakasubsob ang muka ni caleb sa lamesa ng kwartong aming tutulugan "Ija,isa lang ang kwarto na malinis dito!Ayos lang ba na magsama-sama kayo sa iisang kwarto?" tanong ng matanda sakin.






"Ayos lang naman po" saad ko agad namang tumakbo papasok sa kwarto si cloe at niyakap si caleb "Papa!Matulog na tayo" saad niya agad namang umangat ang ulo ni caleb at halatang nakatulog na ito "Matutulog?" tanong nito tumango tango naman si cloe at abot langit ang ngiti nito na nakaharap kay caleb.






Hindi naman nagdalawang isip si caleb at agad na humiga sa tabi ni cloe nakita ko namang nakatulog na ang dalawa at nakayakap pa rin si cloe kay caleb agad ko namang isinara ang pinto ng kwarto at isinara at humiga sa tabi nila.Huminga ako ng malalim at niyakap si cloe at dahan dahang ipinikit ang dalawang mata ko.

















"Mama!Papa!" masayang saad ko habang tumatakbo patungo sa kinatatayuan nila mama.Nakita ko namang masayang tumatakbo si caleb kasama ang alaga naming aso rinig na rinig ang tawanan namin sa buong park na aming tinatambayan ngayon.
"Mga anak kumain muna kayo!!" rinig kong tawag ni mama agad kaming lumapit sa kanila at umupo sa tabi.





"Masarap ang luto ni mama niyo diba?" saad ni mama "Opo!Ang sarap!" tugon ni caleb "Oh!Eto pa anak mata ng tao masarap yan!" nakangiting tugon ni mama agad naman akong napatingin dito at dahan dahang napaatras ng makitang nagbago ang muka nito.







Dinilat ko ang mata ko at hingal na hingal na bumangon "Anong klaseng panaginip iyon?" saad ko at tumingin kanila caleb mabuti na lang ay hindi naging ang mga ito.

SurrenderWhere stories live. Discover now