WALLACE' POV
While driving, hindi ko mapigilang mapasulyap sa bulaklak na nasa tabi ko.
I hope she likes it...
Bumuntong-hininga nalang ako at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
Pagdating ko sa lobby ay halos magkasabay lang kaming dumating ni Ruiz. Kumot ang noo ko.
"Bakit ngayon ka lang?" napatingin ako sa relos ko.
6:25
"Sorry bossing." ani niya na kamot kamot sa ulo habang bitbit ang pagkain.
"It's okay. Nasa tamang oras ka lang naman." sabi ko at pumunta sa passenger seat para kunin ang bulaklak na binili ko.
Just like what I expected.. Napako sa mata niya sa bulaklak.
"What?" asik ko.
"Para kanino yan bossing?" takang tanong niya.
"None of your business." sagot ko sakaniya at pumaunang naglakad. Agad naman siyang humabol.
Umunang naglakad si Ruiz nang marating namin ang kwarto ni Shinize. Bago niya binuksan ang pinto ay Bumuntong-hininga ako.
Nadatnan namin si Shinize na mahimbing na natutulog. Lumapit si Ruiz sa table at nilapag ang pagkaing dala saka lumapit sa hospital bed.
"Who is she?" he asked habang nakakunot ang noo.
I sighed. "She was the girl I told you last night." sagot na ikinagulat niya.
"Oh?" usal niya at tiningnan ulit si Shinize na mahimbing na natutulog. Lumingon siya sakin na naka ngisi. "Hmm.."
"What?" asik ko.
"Kaya naman pala.." nakangising sulyap niya sa bulaklak at pailing iling. "Ganito pala ka ganda." dagdag niya.
"Shut the fuck up, idot!" singhal ko sakaniya. Lumapit ako sa kabilang side ng kama at marahang ginising. "Hey.. Maxine.." bahagya ko pa siyang inuga. "Maxine.." di rin nagtagal ay dahan dahan niyang minulat ang mga mata.
Dahan dahan siyang bumangon at kinusot ang mata bago ngumiti.
Damnn that smile. Tsk!!
"Ian. Wala pa ba sila Ma— eh?" nahinto siya sa pagsasalita ng mapansin niya si Ruiz sa gilid niya.
Ngumiti naman ito sakaniya at nilahad ang kamay. "I'm Ruiz Gomez. Friend of Mr. Merra." pakilala niya.
Tinanggap naman niya ito at bahagyang ngumiti. "Shinize Maxine Fajardo. Just call me Maxine." aniya.
Hindi ko na sila pinansin. Lumapit ako sa table at hinanda ang pagkain niya.
"Bossin—" natigilan si Ruiz sa pagsalita ng mapansing wala na ako sa harap niya.
RUIZ'S POV
"Bossin—" nahinto ako sa pagtawag ng mapansinsing wala na pala si bossing sa harapan ko kung nasaan siya naka tayo kanina.
Napalingon ako sa likuran kung nasaan ang table at nakita ko si Bossing na nag prepare ng pagkain na dala ko. Nagtataka akong napatingin sakaniya.
Hmm kailan pa naging taga pagsilbi 'tong si Bossing?? Sa pagkaka alala ko, hindi niya sinisilbihan ang sarili niya...
Wala sa sariling napangisi at napailing ako.
Pucha! May hindi sinasabito eh tsk tsk..
"What?!" singhal niya nang mapansing nakangisi ako. Bahagya ulit ako umiling.