ALYANA'S POV
Agad akong umupo sa sofa dahil kakauwi ko lang ng bahay galing sa inaanak kong kakauwi lang kahapon galing sa abroad.
Pinikit ko ang mga mata ko dahil na rin sa pagod.
*/PHONE RINGS~
Kinuha ko sa bag ang cellphone ko nong narinig kong may tumatawag. Sinuot ko ang salamin ko para mabasa kung sino tumawag.
Unknown calling...
Kumunot ang noo ko dahil hindi naka save ang number na tumatawag.
"Hello?" sabi ko pagka sagot sa tawag.
"Ah good afternoon po. Ito po ba si Miss Alyana Salas?" anang boses na babae. "Guardian Ni Shinize Maxine Fajardo?" dugtong niya. Bigla akong kinabahan na hindi ko maiintindihan kung bakit.
"Opo ako nga po, bakit?" tanong ko sakaniya.
"Ah I'm one of the nurse from Merra's Hospital po. Dinala po dito ang ala—"
"ANO?!!" napatayo ako sa gulat. "Ahh teka teka! Papunta na ako dyan salamat!" sabi ko at kinuha ang bag ko para pumunta ng ospital.
****
Pagkababa ko sa taxi ay agad akong tumakbo pa pasok ng ospital at lumapit sa nurse station.
"Ija, ako po si Alyana Salas, may tumawag kasi sakin na dinala daw dito ang alaga ko na si Shinize." agad na sabi ko. Natataranta pa rin ako dahil baka ano na nangyari sakaniya.
"Ah ma'am ako po yung tumawag sainyo. Tara po samahan ko po kayo." prisinta niya at pumaunang nag lakad kaya sumunod ako sakaniya.
Naglakad lang kami at nakita kong lumapit yung nurse sa isang lalaking naka upo sa harap ng isang kwarto.
"Mr. Merra, nandito na po si Ma'am Alyana Salas." sabi sakaniya ng nurse. Kaagad siyang tumayo at humarap samin.
Gandang lalaki, makisig at halata sakaniyang mayaman siya.
"Thanks." sabi niya sa nurse bago ito kami iniwan. Tumingin lang ako sa lalake. "Good afternoon Madame Alyana. I'm Ian Wallace Merra. Owner of this hospital." pakilala niya at nilahad ang kamay. Ngumiti naman ako sakaniya.
"Manang Alyana nalang ijo. Sa tingin ko alam mo na pangalan ko kaya di ko na siguro kailangan banggitin pa." nakangiting sabi ko at nakipag kamay sakaniya. "Ikaw ba ang nagdala kay Maxine dito?" tanong ko nong maalala ang sadya ko dito. Jusko sana okay lang alaga ko.
"Yes po and sorry if I almost hitted her by the car. She just collapsed earlier in the middle on the road. My car was 2 meters away from her pero nagulat nalang po ako dahil pagkatapos niya sumigaw nahimatay na lang po siya." paliwanag niya. Kung hindi niya nabangga ano nangyari sakaniya?
" Ano sabi ng doctor ijo? "tanong ko.
"She just need to take some rest Manang Alyana. Kaya daw siya nag collapsed dahil sa init." nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Hayy salamat naman at walang masamang nangyari sakaniya.
"Buti naman kung ganon. Baka napasma din yon hindi kasi siya kumain kanina." sabi ko nalang. "Ah pwede ko ba siyang makita?" tanong ko.
"Yes po." sagot niya at lumapit sa pinto at binuksan.
Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Maxine na may kausap ding lalaki. Hindi niya ako napansin dahil natabunan ako ni Ian Wallace.
IAN WALLACE'S POV
Full of nervous when I talked to Manang Alyana a while ago.
Flashback
