SHINIZE MAXINE'S POV
"Wala ka na bang nakalimutan, Maxine?" tanong ni Manang. Naghahanda na kami kasi discharge na ako today. Nilibot ko naman ang paningin ko sa kwarto at tiningnan kung may naiwan pa ba.
"Wala na, Manang. Naligpit ko na po lahat." tugon ko.
"Oh siya tar—"
*tok! tok! tok! *
Hindi natapos ni Manang ang sasabihin nang may kumatok sa pinto. Sabay naman kaming napalingon doon ng bumukas ito.
"You guys ready?" bungad ni Ian pagpasok.
"Oh? Hijo, buti at naabutan mo pa kami dito." sabi ni Manang. "Magbabayad na sana kami at makauwi na." dagdag nito. Ngumiti naman si Ian.
"You're already paid. No need to worry." nakangiting aniya. "Ako na maghahatid sa inyo." sabi pa niya at tumingin sa akin. Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Ha? Nako, Ian. Hindi na kailangan. Kaya naman na namin ni Ma—"
"Tss. Wag kana umangal." putol niya sa sasabihin ko kaya napanguso naman ako.
"Eh kasi. Nakakahiya na eh. Dami mo nang nagawa para sa amin. Masyado na kaming abala sayo."
"No you're not. It's okay." nakangiting sabi niya. Animong di nga kami naka abala sakaniya. Wala naman akong magawa kundi ang bumuntong hininga. "Ready na ba kayo?" he asked.
"Yeah. Papalabas na nga sana kami."
"Let's go, then?" yaya niya kaya agad naman akong tumango. Lalabas na sana ako munit natigilan ako ng may dalawang lalake na lumapit ky Manang at sakin para kunin ang dinadala namin. Napatingin ako ky Ian.
"They are my Men." sabi niya. Animong na hulaan ang tanong ko. Napatango nalang ako at hindi na kumibo pa.
Tahimik lang kaming naglalakad. Naka alalay si Ian sa akin kaya naman todo ang ilang na nararamdaman ko dahil sa mga mata'ng nakatingin sa amin.
Jusko.. Kakailang pala pag may kasama kang gwapo at mayaman pa.. Shezzz..
Pagdating namin sa entrance ay ganin nalang ang panlalaki ng mata ko sa dami ng body guards na nakahilera at magkaharap sa isa't isa. Lahat naka suit at naka shades na black. Tindig na tindig ang mga tayo nito. Agad silang yumuko ng dumaan kami sa gitna nila.
"Lahat sila, mga taohan mo?" di ko na mapigilan ang magtanong. Tumango naman siya.
"Yeah." sagot niya.
"Mr. Merra." lumapit ang isa sa mga taohan niya at may ibinulong ito.
"Damn it!" pabulong na mura nito munit dinig ko kaya kumunot ang noo ko.
"What's wrong?" tanong ko ng biglang nanginig ang bagang niya. Bigla naman niyang binago iyon ng nagtanong ako. Bumuntong-hininga lang siya.
"Nothing. Let's go?" yaya niya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger's seat. Nagtataka man ay pumasok nalang ako. Pinagbuksan naman ng pinto sa likod si Manang ng taohan niyang lumapit sakaniya kanina. Kinausap niya na muna yon bago siya pumasok sa driver's seat.
Ano kaya nangyari?...
He turned on the engine and start driving. Napalingon ako sa likuran at nakasunod sa amin ang tatlong sasakyan na puro mga itim. Batid ko'ng mga taohan niya 'yon. Napabuntong- hininga nalang ako at napasandal sa upuan saka tahimik na nakatanaw sa bintana.
![](https://img.wattpad.com/cover/210276159-288-k152442.jpg)