“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)CHAPTER 1:
—MARIGOLD POV—
I'm Marigold Dollente, 4th Year High School and Vice President of section Sampaguita.
Meron akong apat na mga kaibigan, na halos parang mga kapatid ko na. Sila Zeddrick Gonzales, Daniel Reyes, Janice Santiago at Aicelle De Vera. Magkakaibigan na kami simula pa noong 1st year high school hanggang sa ngayon.
“Marigold!” sigaw ni Zedrick sakin.
Agad naman ako napalingon at nakita ko si Zeddrick na masayang kumakaway sakin. Hanggang sa salubungin na niya ako.
“Ikaw palang? Nasaan sila?” tanong ko at sabay na nga kami naglakad patungo sa classroom namin.
“Medyo male-late daw sila.” sagot naman ni Zeddrick.
“Ah ganun ba.” sagot ko naman.
Nang makapasok na kami sa classroom namin ay agad ko na binaba ang bag ko sa upuan ko sana naupo.
“Marigold, nakapag review kana para sa quiz natin mamaya?” tanong sakin ni Zeddrick.
“Hindi pa, ikaw?” balik na tanong ko kay Zeddrick.
“Hindi pa rin eh. Nakakapagod mag review tapos magkokopyahan din naman tayo mamaya.” natatawang pagkasabi ni Zeddrick.
Natawa nalang din ako sa sinabi niya. Ilang saglit pa ay dumating narin sila Daniel, Aicelle at Janice.
“Anong nangyari d'yan kay Aicelle? Bakit namumula yung pisngi niyan?” tanong ko.
“May nakasalubong na gwapo yan kanina sa Gate. Transferee yata yun.” sagot naman ni Daniel.
“Sana maging classmate natin siya.” kinikilig na pagkakasabi ni Aicelle.
“Bago ka kiligin d'yan. Nakapag review kana ba? May quiz tayo mamaya sa Science at Math.” tanong ko.
“Ano eh, nalimutan ko.” sagot ni Aicelle.
“My goodness Aicelle, bakit hindi ka nag review? Sayo pa naman kami kokopya sa Math.” bulalas ni Janice.
“Eh kasi------” natigilan sa pagsasalita si Aicelle ng may isang hindi familiar na lalake ang pumasok sa classroom namin.
“Siya ba yung sinasabi niyong transferee?” bulong ko kay Daniel.
“Oo siya nga yun.” sagot naman ni Daniel.
Nang tignan namin si Aicelle ay nakakatitig lang ito sa lalake.
“Baka matunaw naman yung bago nating classmate Aicelle.” puna ni Zeddrick.
“Huh?” tila lutang na sagot ni Aicelle at namumula na naman ang pisngi nito.
Ilang saglit pa ay pumasok na ang teacher namin kaya agad kami nagsipag upo sa mga upuan namin.
“Class, magkakaroon kayo ng bagong kaklase. Iho, magpakilala ka sa mga magiging bago mong kaklase.” nakangiting pagkakasabi ni Ma'am.
Agad naman nagtungo sa unahan ang transferee at nagsimula itong ipakilala ang sarili niya.
“Hello. My name is Terrence Del Rosario.” tipid na pagkakasabi nito.
Halata sa mukha nito na tila medyo nahihiya pa siya.
“Ok Mr. Del Rosario, humanap kana lang ng bakanteng upuan.” nakangiting pagkakasabi ni Ma'am.
—AICELLE POV—
I'm Aicelle De Vera, ang muse ng section Sampaguita.
Sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko ng malaman na classmate pala namin ang gwapong lalakeng nakita ko sa gate kanina.
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL: Batch 2012
JugendliteraturLove and friendship story of six 4th year high school students from section Sampaguita.