“HIGH SCHOOL: BATCH 2012”
(The story of love and friendship)CHAPTER 4:
—AICELLE POV—
Kinabukasan, ay masaya kaming nagki-kwentuhan ng mga kaibigan ko ng makita ko sila Kate at Terrence na masayang nagtatawanan.
“Wag mo ng tignan, masasaktan kalang.” seryosong pagkakasabi ni Daniel.
Sa pagkakataong yun ay tumulo nalang ang luha ko. Ang hirap masaktan lalo na kung hindi alam ng taong yun na nasasaktan kana pala niya.
At mabilis akong napatakbo papunta sa loob ng classroom. Agad naman ako sinundan nila Marigold.
“Ang sakit.” umiiyak kong pagkasabi.
“Shhhh tahan na. Hindi mo dapat iniiyakan si Terrence. Nakakalimutan mo ba, nanalo noong 2010 as School Goddess tapos iiyakan mo lang yung Terrence na yun.” sabat ni Janice.
“Alam mo tama si Janice, hindi mo dapat iniiyakan si Terrence. Hindi siya deserving sa bawat luha na pumapatak d'yan sa mata mo.” pag sang ayon naman ni Marigold.
“Ito advise lang hindi bilang isang kaibigan kundi bilang isang parang kapatid mo. Hindi ka dapat basta basta umiiyak sa mga lalake. Kasi una sa lahat, maganda ka. Pangalawa, mas maganda ka sa Kate na yun at pangatlo, hindi sayo bagay ang umiyak.” nakangiting pagkakasabi ni Zeddrick.
“Oo tama, mas maganda ka pa sa Kate na yun. Kaya mo nga siya natalo bilang School Goddess diba?” pag sang ayon ni Daniel.
“Group hug nga tayo.” sambit ko habang pinupunasan ko ang luha ko.
“Group Hug!” sabay sabay na sambit nila Marigold, Janice, Daniel at Zeddrick ng mag group hug kami.
“Oh ayan, ganyan ngumiti ka. Wag mo sila pansinin. Pag nakita mo sila dedma ka lang.” nakangiting pagkakasabi ni Marigold.
“Sobrang swerte ko talaga kasi mga kaibigan ko kayo ay mali, para ko na talaga kayong mga nakatatandang kapatid.” nakangiting pagkakasabi ko.
—ZEDDRICK POV—
Matapos nga namin kausapin ng masinsinan si Aicelle, ay naging ok na rin siya agad.
Pero hindi lang talaga maiwasan na kung minsan ay nakikita niya sila Terrence at Kate na magkasama.
Alam kong nakakaramdam parin ng selos si Aicelle kahit hindi niya aminin samin, dahil hindi naman yun basta basta mawawala lalo na kapag gusto mo talaga yung isang tao.
Nang makita ko si Terrence ay sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa likod ng school building.
At agad ko siyang nilapitan saka hinila ang earphone na nakasalpak sa tenga niya.
“Ano bang problema mo?” maangas niyang tanong.
“Ikaw.” seryoso kong sagot.
Agad naman siya natahimik.
“Ano ba talagang meron sainyo ng Kate na yun?” seryoso kong tanong.
“Ano bang pakialam mo.” maangas niyang sagot ko.
“May pakialam ako kasi umiiyak ang kaibigan ko dahil sayo. Kaya sabihin mo sakin, may relasyon ba kayo ng Kate na yun?” nangigigil na pagkakasabi ko.
—MARIGOLD POV—
“Nasaan si Zeddrick?” tanong ko ng mapansin na wala pa si Zeddrick sa upuan niya.
“Ewan ko, hindi ko rin alam.” sagot naman ni Janice.
“Baka kasama ni Daniel.” sabat naman ni Aicelle.
Ilang sandali pa ay dumating na si Daniel pero hindi niya kasama si Zeddrick.
“Bakit hindi mo kasama si Zeddrick?” pagtataka ko.
“Akala ko nandito na siya sa classroom? Nauna pa siya sakin lumabas ng CR kanina eh.” sagot naman ni Daniel.
“Baka naman nag-cutting si Zeddrick?” sabat ni Janice.
“Hindi naman marunong mag-cutting yun kahit noon pa. Tayo nga nag influence doon mag-cutting noong 2nd year palang tayo eh.” sagot ko.
“Ay tayo ba? Kala ko ikaw lang eh.” pang aasar ni Aicelle.
“Grabe ka naman sakin. Estudyanteng nag aaral ng mabuti 'to 'no.” nakangising pagkakasabi ko.
“Joke lang” natatawang pagkakasabi ni Aicelle.
“Oh ayan na pala si Zeddrick.” sabat ni Janice kaya agad kami napatingin sa pintuan.
—JANICE POV—
“Saan ka galing? Kala namin nag cutting kana eh.” biro ko.
“Bakit kayo magkasama ni Terrence? Saka ano yang nasa pisngi mo? Bakit ka may pasa d'yan? Saka si Terrence. Teka, wag mo sabihin sakin nag away kayo ni Terrence.” magkakasunod ni Marigold.
Pero hindi kumibo si Zeddrick at umupo lang sa upuan niya, sa tabi ko.
“Ano ba kasi nangyari? Nag away ba kayo?” pangungulit ko.
“Masakit ba yang pisngi mo?” pag aalala na tanong ni Aicelle.
“Wag niyo 'ko intindihin ok lang ako.” seryosong pagkakasabi ni Zeddrick.
—DANIEL POV—
“Tingin mo anong nangyari? Nagsuntukan kaya sila Zeddrick at Terrence dahil kay Aicelle?” bulong ko kay Marigold.
“Hindi imposibleng mangyari. Alam mo naman na sobrang protective yan si Zeddrick kay Aicelle noon pa man kahit na mahilig magpalibre yan kay Aicelle.” natatawang pagkakasabi naman ni Marigold.
“Tignan mo si Aicelle, halatang nag aalala kay Terrence.” bulong kong muli kay Marigold at agad naman niyang nilingon sa likod si Aicelle.
“Pahingi akong papel.” sambit ni Marigold.
“Bakit?” pagtataka ko.
“Basta pahingi ako saka ballpen.” sambit niyang muli.
“Bakit kasi sakin ka nanghihingi ng papel at nanghihiram ng ballpen. Wala ka bang papel at ballpen?” sarcastic kong pagkakasabi.
—MARIGOLD POV—
“Bakit ba ang dami mo pang tanong? Akin na kasi.” inis na pagkakasabi ko.
Agad din naman ako binigyan ni Daniel ng pilas ng papel at pinahiram ng ballpen.
At agad ko nga yun sinulat saka ko binato kay Aicelle sa likod.
—AICELLE POV—
Nang makita kong pumasok si Zeddrick at Terrence na magkasabay at parehas na may pasa sa gilid ng labi ay naisip ko na agad na maaaring nagsuntukan silang dalawa kanina.
Gusto ko lapitan si Terrence at tanungin kung ok lang siya pero natatakot ako na baka mapahiya lang ako sa gagawin ko.
Ilang saglit pa ay nakita kong may bintong crumpled paper sakin si Marigold kaya agad ko yun pinulot at binuksan.
Isang sulat:
“Kaysa nakatingin ka d'yan, lapitan mo na kaya.”
Yan ang nakalagay sa sulat ni Marigold sakin. Nang tignan ko siya sini-senyasan niya ako na lapitan ko na si Terrence pero umiling na lamang ako.
To be continue...
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL: Batch 2012
Dla nastolatkówLove and friendship story of six 4th year high school students from section Sampaguita.