"HIGH SCHOOL: BATCH 2012"
(The story of love and friendship)CHAPTER 7:
-MARIGOLD POV-
Kinabukasan ay sabay sabay kaming lima na pumasok sa school. Hanggang sa makasalubong namin sila Terrence at Kate.
Pero napansin ko si Aicelle na nasa unahan namin na naglalakad na hindi tinignan sila Terrence at Kate, at sa halip ay dumiretso lang siya sa paglalakad.
Tinignan ko si Zeddrick at bahagya siyang ngumiti sakin.
Malapit na kami sa classroom namin ng madaanan ang mga tumpok na estudyante na tinitignan ang nasa Bulletin Board.
Kaya agad din kaming lumapit.
"Tasha, anong meron?" tanong ko sa classmate ko.
"Magkakaroon ng Talent Competition dito sa school natin next week. Bawat section ng 4th year ay mandatory na sumali pero pipili lang ng mga representative ng section it's either solo, duo or group na 5 to 9 members. At may price din kung sino ang mananalo. 100K para sa Champion, 50K para sa 1st Place at 15K para sa 2nd place." paliwanag ni Tasha.
Nang marinig namin yun ay agad kami nagkatinginang lima.
-DANIEL POV-
Pagdating namin sa classroom ay agad kaming sinalubong ng mga classmate namin.
"Daniel, nabasa mo na ba yung naka-paskil sa may bulletin board?" agad na tanong sakin ni Gwen.
"Oo, sinabi na samin ni Tasha." sagot ko.
"So ano? Kayo na ba representative ng section natin? Para sure na tayo ang magcha-champion?" nakangiting tanong ni Tristine.
"Eh bakit kami?" pagtataka ni Aicelle.
"Eh diba, noong 2nd year at 3rd year tayo, nanalo din tayo noon sa Talent Competition. Saka kayo yung group o squad na full-packpage eh. Si Zeddrick at ikaw Aicelle magaling kayo kumanta, si Daniel magaling sa pagra-rap, si Janice at Marigold sa sayaw sila. Oh diba, sure win na tayo." salaysay naman ni Klea.
-MARIGOLD POV-
"Pag iisipan muna namin." nakangiting pagkakasabi ko saka nagtungo sa upuan ko.
Nang makapunta na kami sa mga upuan namin ay agad kami nag usap usap.
"Ano? Sasali ba tayo?" tanong ni Janice.
"Sigurado ako na this time hindi magpapatalo sila Kate at ang section nila." sabat ni Aicelle.
"I know, kaya nga mas gagalingan pa natin." nakangiting pagkakasabi ko.
"Ibig sabihin ba nito sasali tayo?" tanong ni Zeddrick.
"Oo, dahil sayang din ang prize. Kapag nanalo tayo ibibigay natin yung prize sa classmate natin na si Dexter, para sa operation ng papa niya." seryosong pagkakasabi ko sabay tingin kay Dexter na tahimik na nakaupo sa gilid.
Agad naman sumang-ayon ang mga kaibigan ko sa plano ko sa prize.
-ZEDDRICK POV-
"Ok classmate listen up! May sasabihin ako." sigaw ko.
"Makinig kayo kay President, may ia-announced siyang importante." sabat ni Daniel.
"About ito doon sa Talent Competition. Nakapag desisyon na kaming lima. Kami ang mag re-represent ng section natin. At sa price, kapag nanalo tayo ibibigay namin ang 100K na price kay Dexter, para yun sa operation ng papa. Agree ba kayo?" announced ko.
Agad naman nagkatinginan ang mga classmate ko.
"Oo, agree kami." pag sang-ayon ng mga classmate namin.
"Sasali kayo sa Talent Competition para sakin?" hindi makapaniwalang pagkakasabi ni Dexter.
"Oo." nakangiting sagot ni Marigold.
<Section Daisy>
-KATE POV-
"Uy Kate, alam mo na ba?" agad na tanong sakin ni Xyra na kararating lang.
"Ano yun?" pagtataka ko.
"Hindi ko alam kung matutuwa ka o maiinis sa sasabihin ko. Pero narinig ko ng dumaan ako sa classroom nila Terrence. Sila Marigold at ang mga kaibigan niya ang representative ng section Sampaguita. Mukhang makakalaban na naman natin sila sa Talent Competition." pagbabalita ni Xyra.
"I don't think so na mananalo sila this time. Hindi na ako papayag na matalo pa nila tayo." mataray na pagkakasabi ko.
<Section Sampaguita>
-AICELLE POV-
Pagkatapos ng uwian ay agad kami dumiretso sa Dance Room para makapag practice ng gagawin naming sayaw para sa Talent Competition next week.
Pero hindi pa man kami nakakapag simula ay dumating din ang section Daisy sa pangunguna ng class president nila na si Kate.
"So, isa pala kayo sa section na makakalaban namin?" mataray na pagkakasabi ni Kate.
"Yun eh kung aabot kayo sa Final Round." mataray na sagot ni Marigold.
"And why not? Alam niyo dapat nga ngayon palang ay mag back out na kayo kasi masyado niyo lang sinasayang ang oras at panahon niyo sa pagpa-practice tapos at the end of the day, hindi naman pala kayo aabot sa final round." sarcastic na pagkakasabi ni Kate.
"Talaga? Kaya pala dalawang beses namin kayong natalo noon." mataray na pagkakasabi ko.
Nainis yata sila Kate samin kaya agad silang lumabas ng Dance Room.
To be continue...
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL: Batch 2012
Teen FictionLove and friendship story of six 4th year high school students from section Sampaguita.