Paper 02 | Custodians (PART I)

0 0 0
                                    

Paper 02: Custodians [ PART 1 ]

-

Milo's POV

"Bag tsaka I.D," sita sa akin ng guard dito sa university na pinapasukan ko.

"Ano ba naman 'yan? Dalian mo naman kuya," rinig kong inis na sabi sa akin ng mga taong nasa likuran ko.

Dahil sa taranta at takot ko, gumilid muna ako para buksan ang bag at isuot ang I.D ko. Hinintay ko muna na maubos 'yung pila bago ako pumasok.

Nakayuko akong pina-check sa guard ang bag ko at saka ko ti-nap ang I.D ko. Nang lumabas na ang mukha ko sa monitor ay saka lang ako pinapasok ng guard. "O sige pasok na, Milo."

Yumuko lang ulit ako at humakbang, natigilan lang ako nang ma-realize ko na tinawag niya ako sa pangalan ko. Paano niya...

Ah, sa monitor.

Naglakad na ulit ako papasok at bumuga ng hangin. Ito na naman tayo. Lagi na lang ganito. Araw-araw papasok at araw-araw na pagpapasensya. Araw-araw din na takot. Takot dahil sa mga balitang halos dalawang linggo nang kumakalat. Hindi ko alam kung bakit hindi pa napapasara ang school na 'to dahil sa mga sunod-sunod na nakakagimbal na pangyayari. Ayoko na lang isipin.

Habang nakayuko akong naglalakad ay bigla na lang may bumangga sa 'kin kaya ako natumba. "S-sorry. Sorry," paulit-ulit na bulong ko habang umaayos ng tayo, hindi ko pa rin inaangat ang tingin ko.

"No, it's my fault." Nagulat ako nang magsalita ito. Bihira mangyari 'to. Sa totoo nga lang, ngayon lang 'to nangyari. Kadalasan, bubulyawan ako ng mga kapwa ko estudyante. Minsan, itutulak pa ako lalo at pipitikin ng suntok sa braso o balikat.

Napa-angat ako ng ulo nang i-abot niya sa 'kin ang eyeglasses ko. "Your glasses," nakangiti niyang sambit.

Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha iyon at sinuot. Nag-bow ako para magpasalamat. "T-thank...you," wika ko pero halos ilong ko lang ang nakarinig sa 'kin.

Narinig ko ang mahinhin niyang pagtawa kaya napa-angat ulit ang tingin ko sa kanya. Pinagtatawanan niya ba ako? Akala ko... Isa rin pala siya sa mga mahilig mang-bully. Akala ko iba siya pero ano pa nga bang bago?

Milo, ano bang inaakala mo? Lahat na yata ng estudyante dito ayaw sa 'kin, maliban sa mga katulad kong weirdo at nerd din.

Aalis na sana ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. "Hey, Milo."

Paano niya nalaman? Kanina 'yung guard, nalaman niya pangalan ko dahil sa monitor. Wala naman nang monitor ngayon.

"B-bakit..p-paano mo n---"

Ngumiti ito sa 'kin saka ako nilapitan. "Kapatid ko si Yuan. 'Yung palaging nan-t-trip sa 'yo."

Napatango ako dahil doon. Ah kaya pala. Kaya niya pala alam ang pangalan ko. Sabay kaming napalingon ng babae sa pinanggalingan ng ingay. Speaking of the devil.

"Oo, pre! 'Di ko type!"

"Pre, kapatid mo oh."

"Oh, kasama pala si Milo eh!"

Mabilis akong napayuko nang madako sa 'kin ang atensyon ni Yuan at ng mga tropa niya. Pumihit na agad ako para makaalis sa lugar na 'yon pero pinigilan ako ng kapatid ni Yuan. Napunta sa kanya ang tingin ko. Ano? Pagtutulungan ba nila ako? Kapatid niya si Yuan, ang nangunguna sa pambubully sa 'kin. Malamang sa malamang, kakulay niya rin ang kapatid niya.

"Don't even start, Yuan."

Nagulat ako nang parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Tama ba ang narinig ko? Teka, matalino ako eh...pero medyo magulo 'tong nangyayari.

Stained PapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon