Chapter 2:
“A transferee”Keira's POV
Ilang saglit pa ay tinigil na namin ang pagtugtog at napagdesisyonan na lamang na magkuwentuhan.
"So, anong ganap natin ngayon Mahal na prinsesa." Mapang-asar na tanong sa akin ni Rei kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Wala naman. Eh, ikaw ba? Ilan ang nabingwit mo last week, Mr. Casanova?" Bawi ko sa sinabi niya.
"Ohhh~" Hiyawan no'ng lima sa sinabi ko.
"Tsh. Ankng bingwit bingwit ang sinasabi mo diyan? Ikaw lang naman hinihintay ko." Hirit naman niya.
"Sige lang, hintay ka lang. Hanggang sa mapagod ka." Sabi ko na naman.
Napanguso na lamang siya sa naging sagot ko.
"Dapat hindi Prinsesa ang tawag sa'yo eh. Dapat Ms. Mapangbara." Rinig kong bulong ni Rei kaya binatukan ko siya.
"Idagdag mo pa ang Ms. Mapanakit! Argh, Royale! Hakot award ka- Aray!" Hinampas ko 'yan ng libro.
- ﻌ -
"Eh, ikaw naman? Ms. Idol?" Baling ni Raiko kay Erika.
Lahat talaga kami ay may nickname para sa isa't isa.
'Wag na kayo magtaka, mga weirdo kasama ko eh. Haha'
"Ayos naman ako, Mr. Antukin. Kapagod nga lang kasi puro practice no'ng bago magconcert." Halata ang pagod na sabi ni Erika.
"Disadvantage ng isang talented na idol." Sabi naman ni Ms. Talkative.
Kilala niyo na?
'Oo. Yes. Correct. Si Samantha po.'
Napanguso na lang si Erika.
"Eh ikaw Ms. Beauty Queen, kumusta ang rehearsals ng pageant?" Pangangamusta naman ni Samantha kay Estelle na tila isang reporter.
Sa'ming lahat ay si Estelle talaga ang pinakamaganda. Isa kasi siyang model kaya alagang-alaga niya ang kanyang katawan.
"Ayos naman, sanay na." Natatawang sabi ni Estelle.
"Yun oh! Nice naman." Si Rei.
Napatingin kaming lahat kay Red.
"Yeah?" Maangas na tanong nito.
"Musta buong linggo mo, Mr. Sungit?" Tanong ni Sam.
"Ayos lang." Simpleng sagot ni Red at saglit pang tumingin sa akin kaya nginitian ko siya.
"By the way." Si Erika, kaya napabaling kami sa kanya.
"Raiko, 'di kita nakita no'ng concert ko, 'kakatampo." Pabirong sabi ni Erika na saglit namang ikinamula ni Raiko.
"M-May-"
"May pinuntahan siya, dai." Pagputol ni Estelle sa sasabihin ni Raiko.
"Ahh." -Erika.
"Pinuntahan ko 'yung kaibigan ko-"
"Gud morrrrrneng, class." Nagulat kami sa biglaang pagsulpot ni Ms. Vinna kaya wala sa sariling napaayos kaming lahat ng upo.
"Good morning Ma'am." Tinanguan lamang kami ni Ma'am sa pagbati namin pabalik sa kanya.
"Today, you'll meet your new classmate, Mr. Jack Fuentez." Sa pagsabing iyong ni Ma'am ay pumasok ang pamilyar na lalake.
BINABASA MO ANG
Royalties: "Clash Of Hearts"
FanfictionPerpektong prinsesa. Tingin ng lahat sa kanya, Ay isang diyamanteng mahalaga, At dapat na ingatang talaga. Ang mundo niya'y perpekto, Subalit ito'y puno ng boses ng ibang tao. Paano susundin ang pusong 'di makalaya? Paano ipaglalaban ang pag-ibig na...