Hi!! Welcome back to Royalties: Clash of Hearts!
Enjoy Reading^^
Chapter 3:
"Music that makes us
all unite"Keira's POV
Nanatili lamang kaming tahimik habang wala pa ang susunod na guro.
'Ang tagal ni ser!'
Maya-maya ay tumayo si Rei at kinuha ang kanyang mikropono.
Nagulat kami sa ginawa niyang iyon.
'Kakanta siya?!'
Pero syempre, hindi.
Ibinigay niya yung mic kay Jack at tinanguan niya kaming lahat na isang senyas.
'Yeah. Why not try something that'll makes us understand each other?'
Kinuha rin ni Erika ang kanyang pulang mikropono.
Kinuha ko naman ang mic stand at inilagay doon ang aking asul na mikropono habang hawak naman ang gitara.
Lahat talaga kami ay may nakaassigned mic.
Lahat ng mic ay may sariling kulay.
Weird pero totoo, para na rin hindi magkalituhan.
Ang nagagamit nga lang na microphone ay ang sa'ming girls dahil ang boys ay focus lamang sa pagtugtog.
Ayaw nilang kumanta, kaya naman laki ang gulat namin no'ng hawakan ni Rei ang kanyang mikropono kanina.
Maya-maya lang ay nagsimula na kaming umawit.
Tila ramdam ko na naman ang kasiyahan ng pagiging malaya.
Ang kasiyahang tila walang naghahabol na kalungkutan.
I feel like I can really show my true self.
I love how music makes me happy. I love how it works on my life.
Lahat kami ay nakangiti habang tumutugtog.
Kahit nga iyong si Jack eh.
Noong matapos ang kanta ay nakipag-apir lang din kami sa isa't isa.
"Nice oneeee! WOOOOOOOOOHHHH!" Sigaw ni Rei.
"Ingay." Sita ko sa kanya.
"Sorry po, mahal kong prinsesa." Matamis ang ngiting sagot naman niya.
"Tss." Asik ko na lang.
"Ayieeeeeee~" Hiyawan naman ng iba.
ฅ- ﻌ -ฅ
'Mga malisyoso't malisyosa!'
"Tsh." Rinig naman naming asik ni Red kaya napatingin kami.
BINABASA MO ANG
Royalties: "Clash Of Hearts"
Fiksi PenggemarPerpektong prinsesa. Tingin ng lahat sa kanya, Ay isang diyamanteng mahalaga, At dapat na ingatang talaga. Ang mundo niya'y perpekto, Subalit ito'y puno ng boses ng ibang tao. Paano susundin ang pusong 'di makalaya? Paano ipaglalaban ang pag-ibig na...