R O Y A L T Y I V

10 1 0
                                    

Chapter 4:
Together”

Erika's POV

"Erika, crush mo si Jack 'no?" Biglang tanong ni Sam sa'kin.

"H-Hindi ah! Ano bang s-sinasabi mo diyan?"

‘Hindi ka naman masyadong halata 'no, Erika?

"Ahahaha. 'Wag kang mag-alala, support kami. Yieee~" Pang-aasar ni Sam sa'kin at napatawa naman si Estelle.

"Jack!" Tawag ni Estelle.

Literal na nanlaki ang mga mata ko.

‘Hashtag N! Oh no! Oh no! Oh no!'

Lumingon si Jack sa'min at bakas sa mukha niya ang pagtatanong.

"Hello daw sabi ni-" Tinakpan ko agad ang bibig ni Estelle at mabilis silang hinila ni Sam papasok sa Cafeteria.

"Ahahahaha" Tawa nila habang ako ay halos mamula-mula na.

"Sabi mo, hindi mo siya crush? Bakit gan'yan ka magreact?" Panghuhuli ni Samantha.

"Ha? K-Kasi-"

"Bakit niyo 'ko tinawag?" Rinig kong tanong ni Jack sa likod ko.

Hindi ko magawang humarap.

‘Sobrang nahihiya ako’

"Ahh, kasi-" Pinandilatan ko ng mata si Sam, "K-Kasi mas gusto ka pa naming m-makilala. Hehe. Diba, Erika?"

Napa-iling ako at marahang lumingon kay Jack.

"O-Oo. Hehe."

"Ahh. Okay." Maikling sabi niya at umupo na sa table namin.

Napa-iwas ako ng tingin, ikinukubli ang lungkot na natamo sa naging reaksyon niya.

"Okay lang 'yan. Magiging close din kayo." Saad ni Estelle at umupo na kaming tatlo.

I looked at Jack.

Kanina ko pa napapansin ang patingin-tingin na ginagawa niya kay Keira.

‘He likes my bestfriend’

Napa-iwas na lang ako ng tingin.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Raiko na nasa harapan ko.

I gave him a smile and nodded.

Ngumiti lang din siya, "Diba sabi ko sa'yo ililibre kita? What do you want?" Tanong niya kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"Hmm, I want a salad and an apple juice." Saad ko.

"That's it? Come on, libre na 'to Erika. Lubos-lubusin mo na." Sabi sa'kin ni Keira.

"As much as I want to, I can't. I have to maintain my weight." Sabi ko na ikinalungkot niya.

"Well then, I'll go now and order your food, Ma'am." Sabi ni Raiko kaya tinanguan ko siya.

"Ikaw Keira? What do you want? Coffee, tea, or me?" Malawak ang ngiting tanong ni Rei.

"None of the above." Walang ganang sagot ng kaibigan ko kaya natawa ako.

'Hashtag D, Denied.'

"Haha. Tigilan mo na kasi si Keira, Rei. Dun ka na lang sa mga fans mo oh." Turo ko sa mga nakatingin na babae kay Rei sa kabilang mesa.

Binigyan naman ako ni Rei ng nandidiring mukha kaya mas lalo akong natawa.

"Mag-oorder na 'ko." Tumayo si Keira at naglakad na papalayo sa table namin.

Maya-maya lang ay dumating na si Raiko at ibinigay ang food ko.

Royalties: "Clash Of Hearts"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon