Prologue

4 2 0
                                    


Prologue

"WE ARE HERE TO ARREST THE DRUG SYNDICATE AND GATHER SOME MORE INFORMATION ABOUT THAT DRUG. NOW GO!"

"Yes sir!"

Mabilis na umalis at pumuwesto ang mga pulis para sa mission na ito.

Apat na babae at labing anim na lalaking mga pulis ang naroroon sa isang abandonadong warehouse kung saan sila nakakuha ng tip na doon ay may mga drug sydicate.

Isa sa mga pulis na ito ay si Venus Dizon. Makikita na pumuwesto siya malapit sa backdoor ng warehouse.

"Shit! Bat ba dito pa ako pumuwesto?!"sabi nito sa sarili.

BANG!

Sa kabilang banda naman ay makikita na may transaksiyon na nagaganap sa loob ng warehouse.

"So are you sure that's enough?"malamig na tanong ng isang nakamaskarang binata sa isang matandang katransaksyon at may ari ng warehouse.

"Oo"sagot ng matanda at tumingin sa binata. Di aakalain ng matanda na makikipagsosyo sya sa isang kilala at sikat na businessman sa underground di din maikakaila na makapangyarihan ito dahil marami itong mga bodyguards na nakapalibot at ang aura ng taong ito. Sa mga naging kasosyo din nito ay wala pang nakakita sa mukha nito.

"So it's settled. I must take my leave then."malamig na sagot ng binata at saka tumalikod na at kasabay ng pagtalikod nito ay hindi inaasahang tunog ng baril ang kanilang narinig.

BANG!

Isang tunog ang nakapagpatigil sa lahat. Isang lalaki ang nagmamadaling pumasok at sumigaw.

"May mga pulis!!"

Naalarma ang lahat kaya naman kanya kanyang kuha sila ng mga baril.

BANG!

BANG!

BANG!

Sunod-sunod ang putok ng mga baril hanggang sa nakapasok na ang mga pulis. Lahat ay nakikipagbarilan at makikita na marami-rami na din ang nasawi sa panig ng mga drug dealers.

Pati ang mga bodyguards ng binata ay marami din ang napuruhan.

"Fuck"inis na mura ng binata at dali-daling pumunta sa backdoor.

Nang makalabas ay kaagad nyang itinutok ang baril sa harapan kung sakaling may mga kalabang paparating.

At ng masiguro ay dali-dali syang tumakbo papunta sa masukal na daan. Habang tumatakbo ay nakarinig syan ng ingay malapit sa kanya kaya naman bumagal ang takbo nya hanggang sa naglalakad nalang sya.

"Aish! Aray!"isang tinig ang kanyang narinig hangang sa may makabungguan sya at nahulog ang maskarang suot nya. Kaya dali-dali nyang itinutok ang baril sa taong ito.

Isang babae ang nasa harapan nya at mukhang nagulat ito kaya di kaagad ito nakagalaw sa pwesto nya. Di nya maikakailang maganda ang babae. Meron itong mahabang pilikmata,makinang na asul ang kulay ng mga mata nito,pointed nose, at may mapulang labi. Maganda at napakaamo ng mukha nito. Maganda din ang hubog ng katawan nito dahil sa suot na t-shirt na fit at maong pants.

Nagkatitigan parin sila hanggang ang unang bumawi ay siya.

"Sino ka?"tanong nito na parang musika sa kanyang pandinig. Natigilan sya saglit hanggang sa naalala nya kung bakit sya tumatakbo ngayon. Shit.

Tinignan nya lang ng malamig ang babae hanggang mapatingin sya sa mga labi nitong mapula.

"Who are you?"tanong ulit nito pero wala doon ang atensyon nya kundi nasa mapupulang labi pa rin nito. Sa di malamang dahilan ay agad nyang hinalikan ang babae. Nagulat ito kaya di kaagad nakakilos. Mabilis syang humiwalay dito at mabilis na tumakbo patungong sasakyan nya. Di pa man sya nakakapasok ay muli nyang tinignan ang babae at ngumisi dito at bago tuluyang makaalis ay bumulong ito.

'Till we met again,lady.Ciao'

Sa di malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ni Venus pagkatapos syang halikan ng binata. Nandito sya ngayon at ang buong team sa office nila at nagcecelebrate dahil naacomplished nanaman nila ang misyong ito.

Wala sya sa sarili at salubong ang kilay pagdating sa office nila habang hawak ang kanyang mga labi. Di nya din maipagkakailang gwapo ang binata at makisig. Parehas din sila ng kulay ng mga mata.

Naalala nya din kung bakit lang sya naka t-shirt at maong pants.

Flashback

Naglilibot sya sa mall dahil rest day nya ngayon ng biglang tumawag ang isa sa mga kasamahan nya na may nakuha na daw na lead tungkol sa drug dealer na matagal na nilang hinahanap kaya naman dali-dali syang pumunta sa office kahit t- shirt at maong pants lang ang suot nya dahil ngayon na nila pupuntahan yung sinasabing lugar at inaasahan ang team nila ng Chief.

End of Flashback

Napatingin sya sa hawak nyang maskara at naalala nanaman ang halik na iyon kaya bigla syang napatayo at sumigaw.

"Shit that bastard who stole my first kiss! Arghh!!"

Naramdaman nyang tumahimik ang loob ng office kaya naman napatingin sya sa paligid. Nakatingin sa kanya ang lahat at laglag ang mga panga nila.

'Shit! nakakahiya!'

"Yieeeeee!!"biglang sigaw ni Jessa, isa sa mga kasamahan nyang pulis. "Ayy may lovelife na si Ate"malanding sabi nito at lumapit sa kanya. Pati na din sila May at Dree. Bumalik na din sa drati nilang mga ginagawa ang iba.

"Eherm! Sino naman yang kumuha sa first kiss mo?"tanong ni Dree sa kanya.

"May boyfriend kana ba?"tanong naman ni May. Alam kasi dito sa office nila na wala syang boyfriend at wala syang balak kaya ganto sila kung magreact.

"Yun na nga eh!. Di ko kilala."totoo naman kasi di ko kilala yung bastardong kumuha ng first kiss ko.

"Ayy ano yun? Kiss and run."katwiran ni Jessa at marami pa itong sinasabi na kung anu- ano.

Nasa isip pa rin nya yung binatang kumuha ng first kiss nya.

Kiss and run, indeed.

Secretlyshyyy's Note:

Hi. I hope you enjoy this story kahit prologue palang. Im gonna say sorry now dahil mabagal mag-update. Bear with me. And kindly vote and comment. Share and Follow nyo na din. Enjoy reading!

Figueroa Series 1: Love ArrestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon