CHAPTER 26: Who save Lexie's Life?

3 2 0
                                    

•PEARL'S POV•


Aish! Masama talaga pakiramdam ko dun sa Lexie na yun! Mag-iisang oras na pero wala pa rin siya sa klase! Tinanong ko naman sila Dark pero waley! Kanina pa daw siya pumunta dito, eh wala pa nga siya eh!


Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon kami dun, nagbabakasakaling si Lexie yun pero hindi.


"Excuse me Ma'am, may emergency meeting po lahat nang teacher." Sabi niya at umalis na


"Okay class... See you tomorrow, bukas ko nalang itutuloy ang discussion! Goodbye!" Sabi niya at umalis na


"Psst! Hannah!" Tawag ko sa kanya


"Oh?"


"Hanapin kaya natin si Lexie?" Tanong ko


"Hmm... Sige!, woi! Blue! Sasama ba kayo?!" Tanong ni Hannah kina Blue


"Sasama saan?" inosenteng Balik tanong ni Blue


"Maghahanap kay Lexie" ako na ang sumagot dahil mag-aaway nanaman 'tong dalawa


"Sige! Tara na" sabi nila kaya nagsitayuan na kami


Pumunta na kaming Garden, Gym, likod nang building, likod nang mga building din
Halos na libot na namin ang eskwelahang ito, Hindi pa rin namin mahanap si Lexie!


"Hahayts! Pagod nako!" Sabi ni Brown


"Kalalaki mong tao tapos napakadali mong mapagod?!" Sarkatiskong sabi ni Christal


Mukhang nainip narin 'tong si Christal psh!


"Uy! Kita niyo ba yung room na yun?! Mukhang stockroom?... Ay! Stockroom nga! Tara na baka nasa loob dun si Lexie!" Sabi ni Blue


Tumayo na siya kaya Tumayo na kami at sinundan siya, dahan dahan naming binuksan ang pinto nang Stockroom pero hindi pa man namin nabuksan nang tuluyan ay bigla nalang bumukas ang pinto kaya napa-igtad kaming lahat


"Aw!"


"F'ck!"


"Sh't ansakit!"


Sigaw nila Christal, Missy and Trixie na natamaan nang pinto pagbukas
tsk! Tiningnan namin kung sino ang nagbukas nun at literal na nanlaki ang mga mata!

Defiant Girls: Meet ThemWhere stories live. Discover now